Chapter 8

66.2K 1.9K 98
                                    



Chapter 8
School

Araw, Linggo, Buwan ang lumipas bumalik sa dati ang bahay. Hindi ko na nga namalayang lampas na agad ng kahalating taon kaming naandito. Madalas galit at nag dadabog si Farah. Si Sir naman ay balik sa pagiging busy sa munisipyo o dito sa opisina niya sa bahay.

"Faster! Ang bagal mo talaga kahit kailan. I'm gonna be late!" agang agang sigaw ni Farah mula sa salas. Nasa kusina kasi ako at inaayos ang baon niya.

"E-Eto na, Eto na" natataranta kong isinara ang lalagyanan ng baon at tumakbo papalapit dito. 

Parang uusok na ang ilong niya habang nakatayo sa may pintuan. Sakto naman at kakababa lang din ni Sir mula sa itaas.

"Let's go" walang emosyon niyang ani at nauna ng mag lakad papalabas. Si Farah'y padabog nag lakad.

Grabe talaga sa bahay na to. Kala mo'y may world war 3 sa mga mukha nila.

Tulad ng dati pumasok si Farah sa likuran ng kotse. Inayos ko ang seatblet niya bago umupo sa tabi ni Sir sa harap.

"I'm gonna pick you up later. Walang aalis doon hanggat hindi ako dumadating."

Oo nga pala at naka day off kasi ang driver nila kaya't kay Sir kami nasabay. Pati din pag uwi.

"Opo" sagot ko at tsaka pumirme ng upo.

Malamig na nga ang aircon nila eh mas lumamig pa dahil sa mag ama.

Walang sampung minuto ay nakarating kami sa eskwelahan ni Farah. Hindi na ako inantay nitong pag buksan siya ng pinto at kusa nalamang bumaba.

"Ang bilin ko" pahabol pa niya.

"Opo Sir. Hindi po aalia hanggat wala kayo"

"Good." at ibinaling na niya sa iba ang tingin.

Dali dali akong bumaba para sundan si Farah. Nakita kong walang buhay itong nag lalakad. May mga ilang batang bumabati o tumatawag sa kaniya pero hindi niya pinapansin ang mga yon.  

"Farah" habol ko.

"Tsk go away. Kaya ko" umirap siya at tsaka lakad takbong pumasok sa silid.

Malakas nalamang akong napabuntong hininga at pumunta sa waiting area. Yup. Inaantay ko siya dahil mabilis lang din naman ang klase niya. dalawa hanggan tatlong oras lamang.

"Uy Tine" bati ni Teri. Isa din sa mga yaya dito. Naging malapit din ako sakanila dahil araw araw ko silang ka kwentuhan.

"Kamusta na ang alaga mo?" tanong naman ni Joana.

"Edi ayon. Mainitin padin ang ulo." pabuntong hininga akong umupo sa tabi nila.

"Manang mana sa tatay ano? Pag nakikita ko si Mayor ganyan din. Parang ang sungit na ang bilis mainis" si Teri.

"Sinabi mo pa Sis" pagsangayon ni Joana.

"Lagi ka bang sinusungitan ni Mayor Tine?"

"H-Hindi naman. Sakto lang?"

Natawa naman sila sa sagot ko.

"Well ako din naman, kung si Mayor lang ba naman ang amo ko aarte pa ba ko? Kahit araw araw niya akong sigawan. Mas lalo kaya siyang gumagwapo pag inis" parang kinikilig na sabi ni Teri.

Totoo naman!

Mas gumagwapo talaga si Sir kapag galit. Kahit nakakatakot minsan.

Napailing nalang ako at inilabas ang telepono kong nabili. Kahit papaano'y may naiipon na ako sa naswesweldo ko. Nakakapag padala ako ng maayos kila Lola at nakakaiipon narin para sa pag aaral ni Apple. Nag hahanap na nga ako ng eskwelahan. Hindi ko naman kasi kaya ang tuition dito sa pinpasukan ni Farah.

Babysitting The Mayor's DaughterKde žijí příběhy. Začni objevovat