Chapter 1

88.3K 2.3K 200
                                    



Chapter 1
Mansyon

"Wow nanay dito na tayo titira po?" nakabuka ang bibig ni Apple habang tinitingala ang mansyon na bahay ng bago kong amo.

Kahit naman kasi ako'y napahanga sa ganda at laki ng bahay. Parang sampung beses na mas malaki ito sa bahay na tinitirhan namin sa probinsya.

"Oo anak, dito mag tatrabaho si Nanay." sagot ko.

Nakita kong gulo gulo ang suot niya dress kaya lumuhod ako nang kapantay niya para ayusin yon.

"Basta anak huwag magulo ha. Laging susunod sa utos ni Nanay. Hindi tayo pwedeng maingay at makulit dito kasi baka magalit yung amo ko ha" hinawi ko ang buhok nito at pinunasan ang pawis sa noo niya gamit ang kamay.

"Opo Nanay, lagi kikinig sayo si Apple" masunurin itong tatango tango sa akin.

Nginitian ko siya bago umayos ng tayo at tumingin tingin sa loob ng gate. Nasa labas kami ng isang napaka laking itim na gate.

Paano ba ako kakatok dito? Ang layo pa ng pintuan ng bahay sa gate at siguradong hindi maririnig ang katok ko doon.

"Tao po. Tao po" tawag ko habang kumakatok sa gate kahit hindi siguradong may makakarinig.

"Tao po"

Lumipas ang halos sampung minutong nag tatawag ako sa labas. Sumasakit na nga ang lalamunan at kamay ko kakasigaw at katok.

"Tao po" nilakasan ko ng sobrang lakas ang sigaw ko at sa pag kakataong ito may lumabas ng babae mula sa pintuan na may kalayuan sa gate.

Tinitigan niya ako at parang inaaninag kung sino.

"Magandang umaga ho. Dito ho ba yung bahay ni Sir Alejandro Dela Fuente?" tanong ko.

"Oo. Sino kayo?" tanong nito at nag lakad papalapit sa amin.

"Ah ako ho si Clementine Odejar. Ako ho yung pinadalang kapalit ni Tiya Helen"

"Ah oo nga pala at ngayon ang dating mo. Halina at pumasok na kayo" pinag buksan niya kami ng gate at binitbit ko naman ang mga backpack namin ni Apple.

"Kanina pa ba kayo?" tanong niya.

"Kani-kanina lang ho. Hindi ho ata naririnig ang pag tawag ko sa loob"

Nag taka ako ng mahina siyang natawa.

"B-Bakit ho?"

"Bakit naman hindi mo ginamit ang door bell? Talagang hindi ka namin maririnig sa loob"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano ba yung door bell?

"Pasensya na ho pero, Ano ho yung doorbell?"

Sa tanang ng buhay ko parang hindi ko pa narinig ang salitang yon. Si Ate naman na lumabas sa amin ay parang natigilan at tinitignan kung seryoso ako.

"Yung pahabang bagay na may bilog sa gitna. Pipindutin niyo iyon para tumunog sa loob at malaman naming may tao sa labas"

"Ahh..Pasensya na ho. Wala ho kasi kaming ganon doon sa probinsya namin kaya bago lang ho sa akin yan"

Ganito pala dito. May pa doorbell pa sila. Sa amin ay sigawan lang at katukan ng pintuan. Sigurado akong napaka mahal ng ganong bagay.

"Anong pangalan mo ganda?" nakangiti niyang tanong kay apple na ikinangiti din ng anak ko.

Babysitting The Mayor's DaughterWhere stories live. Discover now