Chapter 13

67.9K 1.9K 196
                                    



Chapter 13
Money

"Wahhh!!!" sigaw ni Apple nang makapasok sila sa isang toys store.

"Nanay ang daming laruan"manghang mangha nitong inikot ang mata sa buong toys store.

"Get anything you want. Kahit anong laruan akong bahala. You too fruit kid" ani niya sa dalawang batang nasa harapan namin at may malalaking ngiti sa mukha.

"Pati po ako?" nanlalaking matang turo ni Apple sa sarili niya.

"Yes. Sige na pumili na kayo" turo niya sa mga laruan at tsaka nag takbuhan ang dalawang bata papunta doon.

"Hala. Hindi na. Ako nang bahala kay Apple" reklamo ni Clementine sa amo.

"Tsk. Ako na. Sundan nalang natin sila" hinila nito ang kamay nang babae papunta sa dalawang bata. May mga dala na agad itong barbie.

"Anak. Isa lang" sabi ni Clementine sa anak na agad ngumuso sa kaniya.

"Pero Nanay, Ang daming magandang laruan" bumatay sa mata nito ang lungkot at nakayukong ibinalik ang ibang laruan at itinara ang barbie.

"Hey it's fine." singit ni Alejandro at nilapitan ang bata. Kinuha niya muli ang ibinalik nitong laruan at inabot pabalik. "Get anything you like. Kahit ilan"

Agad nag liwanag muli ang mukha ni Apple at ngumiti nang malaki.

"Salamat po!" nag tatakbo ulit siya papasunod kay Farah na ngayo'y ang dami nang dalang laruan.

"Alejandro naman eh. Sobra na. Baka masanay yan wala naman kaming pang ganyan" halata sa mukha ni Clementine ang pag kainis.

"Wala yon. Let's go" pinag saklob niya ang mga kamay nila bago hilahin ulit papasunod.

Hindi na makaangal si Clementine sa pag kakasaklob nang kamay nila dahil alam niyang wala din naman siyang magagawa at hindi iyon bibitawan ni Alejandro. Napapayuko nalang siya pag may ibang taon dumadaan pero ang lalaki'y parang walang pakialam sa paligid.

"Excuse me" tawag ni Alejandro sa isang sales lady na tulad ni Kim kanina'y nag papacute din sa kaniya.

"Y-Yes po Mayor?" inipit pa nito ang buhok sa likod ng tenga niya.

Tsk

"Can you get a cart please. For the kids" turo niya sa dalawang batang hindi na mag kanda dala.

"O-Opo" ngumiti pa ito bago tumalikod.

Hihilahin na sana muli ni Alejandro si Clementine papalapit sa mga bata nang mapansin nito ang itsura ng dalaga. Nakabusangot ang mukha nito at iirap irap sa babaeng kakaalis lang.

Natigil sa pag irap si Clementine ng marinig ang mahinang pag tawa ni Alejandro sa tabi niya. Inangatan niya ito ng tingin at tinaasan ng kilay.

"Bakit?" inosente niyang tanong.

Tatawa tawang umiling si Alejandro.

"Bakit nga" hinampas ng isa niyang kamay ang braso nito na mas lalong nakapag patawa sa lalaki.

"Are you jealous?" tumatawa parin ito.

"Ano?" hindi naintindahan ni Clementine ang sinabi nito.

"Ang sabi ko. Nag seselos ka"

Nanlalaking matang hinampas ulit ni Clementine ang braso nito. Agad namula sa magkabila niyang pisnge sa hiya.

Babysitting The Mayor's DaughterWhere stories live. Discover now