Chapter 28

58.5K 1.5K 485
                                    



Chapter 28
...

Kinabukasan, alas dose na ng tanghali ako nagising sa pagod. Tama nga ako, hindi ako makaayos ng lakad sa sakit ng pagitan ko pero pinilit kong hindi pinakita iyon dahil baka mag tanong pa ang dalawa bata.

Alas kwatro na ng hapon at kakaalis lang ni Alejandro papunta sa birthday ng kabigan niya. Kami ng dalawang bata ay ngayon palang din paalis para hindi na gaanong kainit sa labas at makapag laro sila sa park.

Walang matitirang tao sa bahay dahil lahat ng katulong ay day off ngayon. Kaniya kaniya silang uwian sa mga pamilya o hindi kaya ang iba'y nag gagala. Si Kuya Noel lamang ang hindi day off ngayon.

"Halika na" aya ko sa mga ito na may dala dalang mga back pack. Punong puno iyon ng laruan.

Tatalon talon ang mga itong naunang lumabas. Nandoon na si Kuya Noel at nag aantay sa amin.

"Oh, Mukhang excited kayo ah" bati ni Kuya sa dalawa.

"Opo!"

"Yesss!"

Natatawa akong inalalayan ang mga ito papaakyat sa kotse. Inayos ko ang mga upo nila at sinugurong naka lock ang sest belt bago umayos din ng upo.

Hindi naman malayo ang park at tatlong minuto lang ay nandoon na kami. May iilang ilang bata lang din ang nag lalaro doon.

"Wahhh. Come on, fruit kid! Ang sayaaa" hinila ni Farah papatakbo sa park si Apple.

Naupo ako sa maliit na bench na nasa tabi at hinayaan silang mag laro. Nakita ko ibinaba ng mga ito ang bag sa isang tabi at nag akyatan sa slides. Hindi naman iyong gaanong kataas at tama lang sa tangkad nila.

Matapos ang ilang pag akyat baba nila, lumipat naman sila sa swing na katabi non. Natawa ako ng makitang iginagalaw galaw ng mga ito ang paa nila para gumalaw ang swing kaya tumayo ako para lapitan sila.

Pumwesto ako sa likod nila at salitan silang itinulak. Napuno ng halakhak ng dalawa ang buong parke sa tuwa.

Nang mapagod ang mga ito, naupo nalamang sa damuhan at inilabas ang mga dala nilang laruan sa bag. Ako naman ay bumalik sa pag kakaupo sa bench.

"Hey" napalingon ako sa umusap sa likod ko.

"Oh? Anong ginagawa mo dito?"

Si Aiden. Naka suot ito ng black na sando at black na short. May dala dala siyang water bottle at medjo pawis.

"Jogging lang tapos nakita ko kayo dito. Kayong tatlo lang?" nag pupunas ng pawis niyang tanong.

"Ah oo. Umalis si Alejandro eh"

Tumango tango siya bilang sagot.

"Nanay!"

"Tineee!" napalingon kami sa dalawang bata na tumatakbo papalpit sa amin.

"Nanay, Ice cream"

"We want ice cream" nakanguso ang mga ito at itinuturo ang isang nag lalako ng ice cream sa likuran namin. Ang ibang bata na nag lalaro din kanina sa park ay kaniya kaniyang lapitan doon.

"Halika. My treat" aya ni Aiden sa dalawa na ikinatalon ng mga ito.

"Waaahhhh! Yey! Thank you po"

Napailing iling nalang ako at sumunod sa kanila papalapit sa nag titinda ng ice cream.

"Manong, Ano hong flavor?" tanong ni Aiden.

Babysitting The Mayor's DaughterWhere stories live. Discover now