Special Chapter 2

62.1K 1.3K 123
                                    

Note: Ito yung time na umalis si Clementine dahil nakita niya si Alejandro and Cherry.

Special Chapter
Alejandro


"Ahhh" napahawak ako sa ulo ko ng kumirot iyon pag mulat ng mata ko.

Bumungad sa akin ang puting kisame ng kwarto ko. Luminga linga ako sa kama para tignan kung nandoon si Clementine pero wala.

Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi. Ni hindi ko na alam kung paano o anong oras ako nakauwi. Siguradong galit sa akin si Clementine.

Pinilit kong umupo kahit sobrang sakit ng ulo. Nang bumaba ang tingin ko sa damit ko, yun padin iyon. Sobrang lasing ko talaga kagabi at hindi na ako nakapag bihis.

Dahan dahan akong tumayo at dumaretsyo sa baniyo para maligo. Kahit ngayon ay amoy na amoy ko parin ang alak sa katawan ko.

Habang naliligo, Pinipilit ko talaga inaalala ang nangyari sa birthday part ng kaibigan ko. Bakit wala akong maalala ni isa? Ganon ba kadami ang nainom ko?

Speaking of birthday party. Naiinis padin ako pag naalala kong nandoon si Cherry. Hindi ko alam kung bakit nandon diya. Sa pag kakaalam ko naman ay hindi sila mag kaibigan ng kaibigan ko. Ang nakakainis pa ay lapit ito ng lapit kagabi. Of course i tried everything para makalayo sa kaniya.

Nang matapos akong maligo, nag bihis ako ng sando at shorts dahil wala naman akong pasok ngayon. Habang nag tutuyo ng buhok, Narinig ko ang isang malakas na pag iyak sa labas. Si Apple yon.

Nag mamadali akong lumabas ng kwarto at bumaba. Naabutan kong nag wawala sa salas si Apple. Nakasalampak na ito sa sahig at pilit pinapatahan ni Wena. Si Farah ay tahimik na nakaupo sa sofa pero mukhang paiyak nadin.

"N-Nanay! Ayaw ko! Gusto ko si Nanay! Nanay!" pag wawala niya.

"Apple?" tawag ko habang nag lalakad papalapit sa kanila. Napalingon silang lahat sa akin.

"Sir! Sir kanina pa ho ayaw tumahan ni Apple. Hinahanap ho si Tine" paliwanag ni Wena at tumayo mula sa pag kakaluhod.

Nilapitan ko si Apple na tumakbo din papalapit sa akin. Yumuko ako sa harap niya para maging kapantay siya.

"T-Tatay...Tatay wala si Nanay." humihikbi nitong sabi at mahigpit na yumakap sa akin. Hinaplos haplos ko ang likod niya para patahanin.

Nilingon ko si Wena. "Where's Clementine?" tanong ko.

"Eh Sir, Hindi din ho namin alam eh. Kakabalik lang ho namin ngayong umaga. Day off po namin kahapon. Hinanap po namin dito sa bahay pero wala talaga kaya nag iiyak na po si Apple." paliwanag nito.

Nasaan naman si Tine? Bakit wala siya sa bahay?

"Get my phone. Nasa kwarto." utos ko dito dahil hindi ko maiwan si Apple.

"Opo" sumunod ito at umakyat sa itaas.

"T-Tatay..." walang tigil sa kakaiyak si Apple.

Kinalong ko ito at umupo sa sofa katabi ni Farah. Ikinandong ko si Apple at niyakap.

Bumalik din kaagad si Wena na dala dala ang telepono ko. Kinuha ko iyon at agad sinubukang tawagan si Clementine. Puro pag riring lang iyon at hindi siya sumasagot. Nakailang text din ko dito pero wala akong natangap na reply.

"Where are you?" bulong ko sa sarili ko habang sinusubukan padin siyang tawagan.

"Nandyan ba ang mga gamit niya?" tanong ko kay wena.

Babysitting The Mayor's DaughterWhere stories live. Discover now