Chapter 30

57.6K 1.5K 519
                                    



Chapter 30
Bacon

5 years later...

"So this is me swallowing my pride
Standing in front of you saying I'm sorry for that night" Kanta ni Clementine habang nag luluto ng umagahan sa kusina.

"And go to December all time"

Nagugulat na napalingon si Clemetine sa pinangalingan ng maliit na boses na kumanta kahit mali mali ang lyrics.

Ang batang lalaking may pares ng kulay berdeng mata na tulad na tulad sa ama nito. Itim na itim ang buhok, Matangos ang mga ilong, Katamtaman ang laki ng mata ang mapupulang labi. Si Austine Gabriel Odejar. Ang Apat na taong anak ni Clemetine.

Natatawang kinalong ni Clemetine ang anak at inupo sa island table bago pugpugin ng halik ang mukha.

"Hmm, bango bango padin ng baby ko. Good morning"

Nakikiliti naman si Austine sa pag halik nito kaya natatawang bumati sa ina.

"Hihihi Good morning, Mama ko" yumakap ito sa batok ng ina para ilapit sa kaniya ang pisnge at humalik doon.

"Hmmm ang sarap" pinisil ni Tine ang pisnge ni Austine na nakapag patawa nanaman dito.

"Mama alam ko na kanta mo. Araw araw mo po kanta po yon eh. And go to december all time!" Natawa siya ng muling kumanta ang anak niya. Napaka cute talaga.

"Ikaw talaga. Halika na. Umayos ka na ng upo at matatapos na ang niluluto ko" kinalong nito itong muli at inayos ng upo sa high chair nito.

"Bacon, Mama?" tanong nito sa maamong mukha.

"Yup. Mukha ka talagang bacon. Bukas iba naman."

Automatikong bumagsak ang ngiti sa labi ni Austine at sumimangot sa nanay niya.

"Ayaw Mama. Bacon bukas po" mas ngumuso ito at nag pacute pa. Nag blink blink pa na parang nag b-beautiful eyes.

"Hay nako, Paano ba naman ako makakatangi sa ganyan kagawapong ha?" hinaplos niya ang pisnge ng anak na ngumiti na.

"Syempre po Mama ko, Ganda ka din po eh" ngumiti ito ng napaka laki.

"Hmmp. Ikaw talaga. Oo na, Bacon na ulit bukas"

"Yay! Yay! Bacon! Bacon!"

Napailing nalang si Clementine sa pag uulit ulit ng anak niya. Bumalik na siya sa harapan ng electric stove para tapusin ang pag luluto. As usual Bacon, Egg, Fried rice at toasted bread ang niluto niya. Nag timpla din siya ng gatas para kay Austine.

Kinuha niya ang pinalamig na gatas at inabot dito para mainom na iyon. Tuwang tuwa naman ang bata dahil malamig na malamig iyon.

"Bacon, Bacon, Bacon" natatawa si Clemetine sa mahihinang sambit ni Austine sa paboritong pagkain. Nasa maliit na kotse kotsehang laruan ito nakatingin pero yoon parin ang sinasabi.

"Nauto ka nanaman sa bacon?" bulong ng lalaking yumakap mula sa likod ni Clementine habang tinatapos niya ang pag luluto.

Hinarap niya ito. Nakita niya ang bagong gising na itsura ni Aiden. Gulo gulo ang buhok, mapupungay at antok pang mata.

"Good morning, Love" nakangiti niyang bati.

"Good morning my love" bati din ni Aiden at humalik ng mabilis sa pisnge nito.

Napanguso si Clemetine ng maalala ang tanong nito tungkol sa bacon ni Austine.

"Sino ba naman kasing makakatangi kay Austine?" tanong niya.

Babysitting The Mayor's DaughterWhere stories live. Discover now