Chapter 7

65K 1.8K 237
                                    



Chapter 7
Family Day 2

Jusko po.

Hindi ko alam ilang minuto na ako sa loob ng banyo ng eskwelahan at nakatitig sa labi ko mula salamin.

Nahalikan ako ni Sir!

Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko padin ang malalambot niyang labi. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang o ano pero ang tamis tamis din non.

"Nanay baka mag lalaro na po ulit"

Nabalik lang ako sa realidad ng hilahin ng anak ko ang laylayan ng tshirt kong suot suot. Oo nga pala.

"Halika na" hinawakan ko ang kamay niya at tsaka lumabas ng baniyo.

Tulad kanina ang dami namamang nag kalat na tao at nag tatakbuhang mga bata. Nakita ko ang mag ama na nakaupo sa tabi at mukhang may hinahanap si Farah sa bag niya.

"Anong hinahanap mo" tanong ko ng makalapit sa kaniya.

Sabay silang lumingon sa akin ni Sir. Hindi na akong nag tangkang sulyapan si Sir dahil nahihiya padin ako sa nangyari.

"Tubig. Where's my water?" naka simangot na ulit nitong tanong.

Kinuha ko sa kaniya ang bag at kinuha sa likod ang tubigan niya. Binuksan ko na iyon bago pa i abot sa kaniya.

"Ok, ang sunod po nating game ay para na sa mga bata." muling nag salit ang guro sa gitna ng court.

"Oh, ikaw na" tinapik ko ang likod ni Farah at tumayo naman siya sa pag kakaupo.

Tinapos niya ang pag inom ng tubig bago ibalik sa akin ang bote at tumakbo na papunta sa court.

Hinawakan ko si Apple na naka tayo sa harap ko at nanatiling naka'y Farah ang tingin.

Kinabahan ako ng marinig ang pag tikhim ni Sir na naka upo padin sa tabi namin.

"Sit down" ani nito pero umakto ako na walang nadidinig.

Si Farah naman ay nakabusangot ang mukha at iirap irap sa batang katabi niya. Yoon ata si Becka. Kasing tangkad niya lang iyon at ang pinagkaiba lang ay mas mahaba ang buhok ni Farah kay Becka.

"Oh" halos mapatalon ako paatras ng biglang sumulpot sa harapan ko si Sir. Napaka lapit nanaman ang mukha niya.

"S-Sir"

"Ang sabi ko maupo ka" titig na titig ang mga mata niyo sa akin.

"O-Opo, Opo" umatras ako at umupo sa bakanteng upuan. Ikinandong ko si Apple sa akin.

Bumalik na din si Sir sa tabi ko.

"Ok ang game natin is musical chair. Iikot lang kayo then pag nag stop ang music paunahan umupo. Ok?"

"Ok!" sigawan ng mga bata bukod kay Farah.

"Ok, let's start!"

Nag simula ng tumugtog ang music pati nadin ang pagikot nila.

Pag tigil, tawanan ang lahat pag may nag aagawan sa upuan o may nag kakakandong.

Nag patuloy ang laro ng ganon at paunti unting nababawasan ang mga bata at upuan. Hanggang sa si Farah at Becka nalamang ang matira.

"Ok dalawa nalanang ang natitira. Ang unang makaupo pag tapos ng kanta ay siyang panalo. One, Two, Go!"


Players only, come on

Put your pinky rings up to the moon

Hey girls

What y'all trying to do? (What y'all trying to do?)

Twenty four karat magic in the air

Head to toe so player

Uh, loo-



"Omg"

"Hala"

"Hala ang lakas ng bagsak niya"

Napatayo ang lahat ng tumigil ang tugtog. Si Becka ang nasa harapan noon at mauupo na sana ng hilahin ni Farah ang upuan mula sa likod kaya bumagsak si Becka sa sahig. Patalon pa naman sana siyang uupo kaya siguradong masakit ang pagkakabagsak niya.

Si Farah na nahila ang upuan ay iniharap sa kaniya at nakadikwatrong umupo. Ni hindi man lang tinulungan o tinignan si Becka na umiiyak na.

"Hala" bulong ko at gusto sanang lapitan ang bata dahil mukhang nasaktan talag iyon.

Sumulyap ako kay Sir na naka upo sa tabi ko. Nakahalukipkip siyang muli at bahagyang naka ngisi sa anak.

Hindi ba siya naawa doon sa isang bata?

Manang mana talaga si Farah sa tatay niya kahit hindi sila malapit sa isa't isa.

Nag lapitan ang ilang teachers at ang magulang ni Becka sa gitna. Si Farah naman ay nakangiting iirap irap na lumapit sa amin.

"Farah dapat ay tinulungan mo man lang siyang tumayo" ani ko at pinunasan siya ng pawis bago muling iabot ang bote ng tubig.

"Tsk. Why would i?" inirapan niya ako at umupo sa gitna namin ni Sir.

"Farah" nanunuway na tawag ni Sir kaya nilingon siya ng bata.

"What? Aren't you happy that i won? It's the first time i defeated her" nadabog niyang ibinalik sa akin ang bote ng tubig. "Well never ka naman kasing naging proud" malakas niyang sigaw sabay takbo papaalis na ikinagulat ko. Nakita ko ring may nag tinginang tao sa amin.

"F-Farah" binuhat ko si Apple at tumakbo para sundan si Farah. Nakita kong tumakbo ito papunta sa palaruan ng eskwelahan nila.

"Farah"

Nakaupo siya sa isang swing at doon umiiiyak ng malakas. Ibinaba ko si Apple mula sa pag kakakalong.

"Nak, laro ka muna doon" turo ko sa maliit na slide.

"Opo nanay" tuwang tuwa naman siyang tumakbo papunta doon.

Nang makita kong nag lalaro na siya tsaka ako lumapit kay Farah. Nakayuko siya at nag kalat ang maliliit na buhok sa mukha niya dahil sa luha.

"Farah" muli kong tawag ng makaupo sa katabing swing. Inangat ko ang kamay ko para haplusin ang buhok niya pero mabilis niya iyong hinawi.

"D-Don't touch me!" basag ang boses niyang sigaw kaya mas nakaramdam ako ng awa.

"Wag ka ng umiyak Farah"

"I'm not crying! Get away from me! Umalis kaaa!!" gigil niyang sigaw.

"F-Farah wag ka ng umiyak. Sige na, tahan na" hinaplos ko ang likod niya para pakalmahin pero mas lalo lang siyang nag wala.

"Get awayyy! Wag mo akong hawakann!!" tili niya at nag tatakbo nanamang muli papalayo.


FOLLOW,COMMENT&VOTE

FOLLOW,COMMENT&VOTE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Babysitting The Mayor's DaughterWhere stories live. Discover now