Chapter 26

58K 1.6K 509
                                    



Chapter 26
Ice Cream

"Alejandro" Nakaupo si Alejandro sa swivel chair niya, kaharap ang laptop habang si Clementine ay nag lalambing na yumakap sa leeg nito mula sa likod.

"Yes, baby?" tuloy ito sa pag tatype sa laptop.

"Gusto ko ng ice cream"

"Madaming ice cream sa ref"

"Ehhh, wala naman doon yung gusto kong flavor eh" parang bata itong nag papadyak kaya itinigil ni Alejandro ang ginagawa at hinila ito papaupo sa hita nita.

Nakasimangot na nakatingin si Clementine sa nobyo habang si Alejandro'y naka sandal sa swivel chair at ang mga kamay ay nakapalibot sa bewang nito.

"What flavor do you want? Ipapabili ko" mas hinapit niya ang bewang nito kaya napayakap narin sa kaniya si Tine.

"Sili"

"What?!" hindi malaman ni Alejandro kung tama ba ang narinig niya.

Sili? Sili flavored ice cream?

"Sili nga!" naiinis na ulit ni Clemetine.

"Baby, Walang ganon"

"Meron! Gusto ko nga eh!" pag pipilit niya.

"Nakatikim ka na?" takang tanong nito pero umiling lang si Clementine.

"Oh see? Wala nga kasing ganong flavor ba-"

"Meron nga! Ang kulit mo naman eh!" nag simula ng manubig ang mata nito kaya mas lalong naguluhan si Alejandro.

"Hey, Why are you crying?" nag aalala nitong pinunasan ang luha ni Tine na tumulo na. "Shhh, tahan na. Mag papahanap ako"

Inabot ni Alejandro ang landline na nasa lamesa niya at may idinial.

"Noel, Bumili ka ng ice cream na sili flavor...i don't know mag hanap ka nalang...Sili flavor....Yeah...Thanks" at ibinaba nito ang tawag. Isa sa mga driver nila ang inutusan nito.

"Nag papahanap na ako, baby. Wag ka ng umiyak" pinunasan nito ang luha na nasa pinsge ni Tine. Bigla naman ang iba ang mood nito at ngumiti ng malaki.

"Anong gusto mong kainin? Mag luluto ako" takang taka si Alejandro sa mabilis na pag babago ng mood nito. Kanina lamang ay umiiyak ito ngayon parang mapupunit na ang labi sa laki ng ngiti.

"I want pesto and garlic bread" yumakap siya dito at isinubsob ang mukha sa leeg.

"Ok. Mag luluto ako mamaya pagkakain ko ng ice cream"

Halos mag iisang oras din ang tinagal bago makabalik ang driver na inutusan ni Alejandro at kumatok sa pintuan ng office nito.

"Come in"

Pag bukas ng pintuan agad na umalis si Clemetine sa kanduangan ni Alejandro at masyang lumapit sa driver.

"Sir, May nakita ho a-"

"Thank you kuya!" hindi na natapos ang sasabihin nito dahil biglang kinuha ni Clemetine ang plastic kung saan nakalagay ang ice cream at naupo sa sofa sa loob ng office.

Parehong natulala ang mag amo sa babae na excited na binuksan ang lalagyanan.

"Thank you. You can go" ani ni Alejandro sa lalaki na tumango naman sa kaniya bago iwanan ang dalawa sa office.

"Hmmm! Ang shwarap gwabe" puno ang bibig nitong puri.

"Baby, Slow down. Hindi ba maanghang yan? Punong puno ng sili" kumuha siya ng tissue sa tissue box na nasa lamesa niya at nilapitan ito sa sofa para punasan ang amos sa tabi ng labi.

Babysitting The Mayor's DaughterWhere stories live. Discover now