TB Chapter 25: Party

Start from the beginning
                                    

Balik ko na lang kaya kay Allan 'to? Sabihin ko hindi kasya sa'kin kaso baka magtampororot 'yon kase siya pa naman ang bumili nito.

Hayss, bahala na nga!

------

Araw na ng linggo at kasalukuyan na akong nagsusuklay. Nakasuot na rin ako ng damit at tinernohan ko naman ito ng sandals. Hindi na ako nagmake-up ng bonggang-bongga at naglagay na lang ng pulbos tyaka binasa ang labi para kunwari lip gloss.

Low budget ako.....

Maswerte ako ngayon dahil wala si Mama at Kuya sa bahay. Nagsi-alis sila at may kanya-kanyang business kaya naman hindi ako mayayari sa suot ko pag nakita nila ako.

Saktong pagkatapos kong mag-ayos ay may narinig akong malakas na busina sa labas. Tumayo na ako at kinuha ang sling bag tyaka balabal. Baka lamigin ako sa suot ko tyaka para matakpan na rin yung mga butas sa tagiliran ko.

Kinuha ko rin ang paper bag na may lamang gifts para sa team ni Allan, naisipan ko lang na bigyan sila ng regalo para totoong nag-congratulate ako.

Lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa may gate. Nadatnan ko naman si Allan na nakasakay sa kotseng roadsters.

Angass!

Agad akong lumapit doon at pinasakay niya naman ako. "Buti sinuot mo. Bagay sa'yo." bungad na sabi niya pagkaupo ko.

"Talaga ba? Bagay?" sarkastikong tanong ko sa kanya. Mukang binobola lang talaga ako nito eh.

"Oo nga. Babawiin ko yung sinabi ko kapag di ka pa tumigil." banta niya at napatigil naman ako.

Minsan na nga lang ma-compliment baka mawala pa.....

Eto na, titigil na......

"Anyways, nakakastress iyang theme niyo. Buti na lang wala sina Mama sa bahay kundi wala ako dito ngayon." pag-iiba ko ng topic.

"Ano iyang dala mo?" baling niya naman doon sa mga regalong dala ko.

"Small gifts lang 'yan para sa team niyo hehe." nahihiyang sabi ko. Hindi ko naman kase sure kung magugustuhan nila.

"Tara na pala, nagchat na sa'kin si Lee. Magsisimula na raw ang party." sabi niya at ibinalik na ang phone sa bulsa.

------

Nakarating na kami sa destinasyon. Ipinarada ni Allan ang kotse niya sa isang magarang parking lot at kaagad naman akong bumaba.

Ang ganda rito ah! Mukang yayamanin talaga yung nakatira!

Napatigil ako sa pagpapantasya ko nang tawagin ako ni Allan at inayang pumasok sa loob.

Bumungad sa amin ang magarang sala ngunit walang tao roon kundi mga katulong lang na naglilinis. Akala ko may mga bisita na kaagad pagkapasok. Nagtuloy pa ang aming paglalakad hanggang sa makarating kami sa likod ng mansion.

Sakit ng paa ko don, ang layo eh.....

Sinalubong si Allan ng mga ka-team niya at nabaling naman ang tingin nila sa akin matapos bumati dahil nasa likuran lang ako ni Allan.

"Oww, nandito ka pala. Ms. Cheerleader." baling nung isa sa akin at nginitian ko na lang. Bakit cheerleader tawag niya sa'kin?!

May pangalan ako!

"Oo nga pala. Pinilit niya akong isama siya, may gusto raw siyang sabihin sa inyo." sabi naman ng siraulong Allan. Gago, pinilit ko raw siya??

Kapal talaga ng budhi nito!

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now