Chapter 60

72.8K 2.7K 1.6K
                                    

Half Moon





Halos malunod ako sa lalim ng halik na ibinigay ni Hob sa akin matapos kong tanggapin ang alok niyang kasal. Wala siyang paki-alam sa paligid namin kahit pa nasa harapan namin ang mga magulang ko at ang mga magulang din niya.

Hindi na din ako nakapagreklamo pa at nagpaubaya na lamang. Hinalikan ko din siya sa paraang ma-ipaparamdam ko sa kanya na masaya akong tanggapin ang alok niyang kasal sa akin.

Narinig namin ang palakpak ng mga magulang ni Hob nang maghiwalay ang mga labi namin. Matamis ko siyang nginitian kaya naman imbes na pakawalan ay lumipat naman ang labi niya sa aking noo.

"Nay, Tay..." tawag ko sa aking mga magulang. Kita ko ang pagiging emosyonal nilang dalawa kaya naman hindi napigilang mahawa na din ako sa kanila.

"Bakit po kayo umiiyak?"

Ngumisi si Tatay bago siya nagpahid ng namuong luha sa kanyang mga mata.

"Masaya lang kami para sa'yo, anak..." sagot ni Tatay sa akin kaya naman kaagad akong yumakap sa kanilang dalawa.

Matapos humiwalay ay kinuha ni Nanay ang kamay ko at tiningnan ang singsing na isinuot ni Hob sa akin.

"Ang ganda...bagay na bagay sa kamay mo," marahang sabi niya habang nakatingin dito.

Marahan akong napakagat sa aking pang-ibabang labi. Hindi din biro ang laki ng bato sa singsing na iyon. Hindi mapagkakailang malaki ang halaga.

Marahang hinaplos ni Nanay ang pisngi ko bago siya humalik dito.

"Ikakasal na ang Alihilani ko," sabi niya kaya naman hindi ko na-iwasang mapanguso.

Lumapit din sa akin ang mga magulang ni Hob para yakapin ako at I-congratulate. Hindi kagaya ng aking mga magulang na medyo emoysonal ay wala namang mapagsidlan ang saya sa mga ito.

"Ipinamimigay na talaga namin 'yang si Javier. Mas maiiyak ako kung hanggang ngayon ay wala pang balak na tumino ay lumagay sa tahimik," paliwanag ni Tita sa naging reaksyon nila.

Natawa ako maging ang aking mga magulang.

"Mommy, matino po ako," laban ni Hob sa Mommy niya at napakamot pa sa batok.

Ngumisi ang Daddy niya at hinawakan siya sa balikat. Para bang sinasabi niya dito na wag na siyang magreklamo pa dahil wala naman silang laban sa Mommy niya.

"Pagtulog ka, Javier."

Tumango ang nakangiting si Hunter sa akin. Ngumisi siya sa akin ng panlakihan ko siya ng mata at sinungitan pa. Magiging Ate niya na ako kaya naman walang takas sa akin ang pagiging maloko niya.

"Congrats, Alihilani..." malambing na bati sa akin ni Sovannah bago siya humilig sa akin para bumeso.

"Si Sovannah ang gagawa ng wedding cake?" tanong ni Tita Carol dito.

Tumawa si Sov at mabilis na tumango. "No problem, Tita. Ako na po ang bahala sa wedding cake," malambing na sagot niya dito kaya naman mas lalong na doble ang saya nito.

Tinuloy namin ang family dinner, napunta na kung saan saan ang kwento ng mga magulang namin tungkol sa amin ni Hob dahil sa proposal na naganap. Maluwag talaga kaming tinanggap ng mga Jimenez na kahit pa hindi pa kami kasal ni Hob ay parte ng pamilya nila ang turing nila sa amin.

Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay humilig si Hob sa akin para lang bumulong ng mga kalandian niya. Hindi talaga mauubusan ng ka-cornyhan ang lalaking ito sa katawan niya.

When the Moon Heals (Sequel #2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora