Chapter 33

39.7K 2.2K 1.3K
                                    

Meeting



Matamis ang ngiti ni Tita Atheena sa akin matapos niyang sabihin iyon. Sinundan ko ng tingin ang kamay niya nang hawakan niya ako sa balikat.

"Pag-isipan mong mabuti, Alihilani."

Mas lalong nanghina ang aking katawan, bumigat din ang aking dibdib. Parang hindi kayang ma-proseso ng utak ko ang mga salitang galing sa kanyang bibig.

"Matagal niyong hinintay ito ni Cleo. Alam ko kung gaano ka nangulila sa Tatay mo...lalo na ang Nanay mo," malungkot na sabi pa niya sa akin.

Kita ko kung paano niya pigilan ang kanyang pag-ngisi. Gusto kong magalit sa kanya, gusto kong tapikin ang kamay niya sa aking balikat. Ayoko na hinahawakan niya ako, ayokong lumalapit siya sa akin.

"Magiging masaya ang Nanay mo sa oras na bumalik si Arnaldo sa inyo...pag-isipan mong mabuti, Alihilani..." sabi pa niya sa akin bago niya binawi ang kanyang kamay.

Mariin akong napapikit, sa sandaling pagpikit ko ay bumalik ang lahat sa akin. Sa kung paano araw araw umiiyak si Nanay, sa kung paano niya kami nabuhay nina Kuya na siya lang mag-isa. Lahat ng iyon ay masakit para sa akin, doble ang sakit para sa akin sa tuwing nakikita ko siyang nasasaktan.

Ilang minuto na halos nang iwan ako ni Tita Atheena pero nanatili akong tahimik at halos nakatulala na lang sa sahig. Gusto kong umiyak dahil sa dami ng tumatakbo sa isip ko. Hindi ko alam kung anong uunahin...hindi ko na alam.

"Alice..."

Tsaka lang ako nag-angat ng tingin ng maramdaman ko ang pagdating ng grupo nina Mang Roger. Nagtatawanan kaagad sila kaya naman napaayos ako ng upo at pilit na ngumiti sa kanila.

"Ang ganda ni Engr. Ahtisia...at mukhang mabait pa," sabi ng isa sa kanilang mga kasama.

"Totoo! Bagay nga sila ni Engr. Jimenez!" pahabol pa ng isa kaya naman halos magulat sila ng muntik ko ng mabitawan ang hawak kong pagkain.

"Ayos ka lang ba, Alice?" nag-aalang tanong ni Mang Roger sa akin.

Hindi ako makangiti sa kanya kaya naman tumango na lamang ako.

"A-ayos lang po..."

Tinulungan niya akong ilabas ang mga pagkain mula sa aking dalang bag. Mas lalo akong nawawala sa sarili kaya naman ilang beses akong napahilamos sa aking mukha.

"Pareho silang Engineer, parehong maganda at gwapo! Bagay na bagay sila," pagpapatuloy nila ng kwento.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Wala naman sialng kasalanan kung ganoon ang iniisip nila. Hindi din naman nila alam ang tungkol sa amin ni Hob dahil ako naman ang nag desisyon na wag ipaalam sa iba kung anong meron kami.

"Crush ko si Engr. Ahtisia...pero boto ako kay Engr. Jimenez para sa kanya," sabi pa ng isa.

Masakit na marinig iyon, pero mas pinili kong wag na lang pansinin. Wala silang alam tungkol sa amin ni Hob. Mababait ang grupo ni Mang Roger, wala naman silang intensyon na saktan ako.

"Pero mas maganda pa din si Alice! Simula noon ito na talaga ang crush ng bayan eh!" sabi ni Tonyo na kaagad sinang-ayunan ni Mang Roger.

"Kahit sinong dumating na bagong mukha dito sa Sta. Maria...kay Alice pa din kami," sabi pa niya.

Sandaling natahimik ang ilan bago sila unti-unting tumango.

Tipid ko lang silang nginitian.

"Oo naman! Si Alice pa din...kaso medyo masungit, pero mabait naman minsan," pahabol pa ng isa kaya naman nagtawanan sila.

When the Moon Heals (Sequel #2)Where stories live. Discover now