Chapter 7

37.8K 1.9K 1.3K
                                    

Father




"Good morning, Engr. Salvador" muling pagbati ni Julio dito at lumapit pa para salubungin ito.

Hindi kaagad ako nakagalaw. As a respect, alam kong dapat ko ding gawin ang ginawa ni Julio pero masyado pa akong kinakain ng ideya na mukhang hindi maganda ang set up na ito.

Mula kina Julio at Engr. Salvador ay lumipat ang tingin ko sa asawa nito. Hindi na niya hinintay pa na si Engineer ang lumapit sa kanya, matalim ang tingin niya kay Alice habang lumalapit siya dito. Nang tuluyang makalapit sa asawa ay kaagad siyang kumapit sa braso nito bago niya minata si Alice. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa.

"Anong tinitingin tingin nito" masungit na sabi ng katabi kong si Vera. Maging siya din ata ay nahalata ang masamang tingin nito sa kaibigan.

Mula kay Vera ay lumipat ang tingin ko kay Alice, mukhang naman wala siyang pakialam sa tingin ng babaeng Salvador sa kanya, nanatili ang tingin niya kay Engr. Bumaba din ang tingin ko sa kamay niyang may hawak na box ng pagkain, halos malukot iyon dahil sa higpit ng kanyang pagkakahawak.

Hinarap ako ni Vera kaya naman muling nalipat ang tingin ko sa kanya. Halatang inis ito sa hindi ko malamang dahilan.

"This is your family's property right?" tanong niya sa akin at humalukipkip pa.

I want to impress her, pero hindi naman ako yung klase ng tao na will take full credit of  some things. As much as I can, I want to be humble.

Mukha mo Hobbes!

"It's my Tito Luke's, to be exact" sabi ko kaya naman ngumuwi siya.

"Still your Tito. You have a say here, palitan mo si Engr. Salvador" giit niya na ikinagulat ko. Kung utusan niya ako ay para siyang spoiled na bata na hindi mo pwedeng hindi sundin.

Gusto kong mangiti habang nakatingin sa kanya. I want to spoiled her too. Give her everything she want.

"Why? Anong problema?" tanong ko kahit ang totoo ay parang alam ko na.

Muli siyang umirap sa kung saan. "Grabe siya makatingin kay Alice, sino ba siya?" si Vera.

Magsasalita pa sana ako ng makita ko ang paglapit ni Alice dito. "Hayaan mo na, ayos lang ako" sabi niya sa kaibigan.

"What? We can do something about it naman. Don't let other people disrespect you" giit pa din ni Vera dito. The way she said those words, ramdam ko kaagad na handa siyang ipagtanggol ang kaibigan niya kahit anong mangyari.

Ang swerte ni Alice sa kanya.

Hinawakan ko si Vera sa braso para naman kumalma siya. Sa ginawa kong iyon ay nakita ko din kung paano bumaba ang tingin ni Alice sa kamay kong humawak dito.

"Relax, ano bang problema?" tanong ko sa kanya.

Baka hindi niya alam ang tungkol kay Alice at sa kung ano man ang kaugnayan nito kay Engr. Salvador. Ayokong madamay si Vera kung nagkataon.

"Wala namang problema. Tama na, hayaan na lang" seryosong sabi ni Alice bago niya kami parehong tinalikuran ni Vera.

Sumama ang tingin ni Vera sa akin kaya naman nagulat ako. Matapos akong samaan ng tingin ay inirapan pa niya ako bago niya sinuklay ang buhok dahil sa pagkakagulo ng humangin.

"Ang init init na nga, mas lalo pang umiinit ang ulo ko" reklamo niya bago humalukipkip at nagiwas ng tingin.

"Hayaan mo na ang kaibigan mo, alam niya ang ginagawa niya...siguro?" hindi siguradong sabi ko din.

When the Moon Heals (Sequel #2)Where stories live. Discover now