Chapter 51

70.6K 3.3K 2.1K
                                    

Hob





Kahit nasa muling pagkikita pa din namin ni Mrs. Jimenez ang utak ko, pinilit ko pa din ang aking sarili na mag-focus sa ginagawa ko. Bukod sa kaunting pagbabago ng design dahil sa tela ay naghanap din ako nang pagkukuhanan non.

Hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa magulat na lang ako nang lumapit si Chelsea sa akin. Ramdam ko ang pag-aalala sa mga tingin niya sa akin.

"Uuwi na po tayo," yaya niya.

Dahil sa sinabi niya ay tsaka lang ako napatingin sa orasan. Nakita kong oras na ng uwian at halos ang lahat ay nag hahanda na rin.

Halos mataranta ako, ramdam ko pa din ang pressure dahil sa mga pinapabago sa aking design.

"Alihilani," nag-aalalang tawag ni Chelsea sa akin.

Hinawakan pa niya ako sa braso kaya naman mabilis akong napabuntong hininga. Mariin akong napapikit nang ma-realize ko na hindi naman ako ganito mag-handle nang pressure at stress dati.

"Wag mong I-pressure ang sarili mo. Nandito ako, nandito kami ni Angelina para tulungan ka sa mga pagba-bago," pagpapahinahon niya sa akin.

"Pasencya ka na," sabi ko.

Hindi maganda na ugalin ang ganoon sa trabaho. Dapat ay marunong kang mag-handle nang sarili mong stress at pressure. Hindi dapat nadadamay ang trabaho.

"Mag-aayos na ako," marahang sabi ko at inayos ang mga gamit ko para maka-uwi na kami.

Tipid na ngumiti si Chelsea, hindi pa din nawawala ang nag-aalalang tingin niya sa akin.

"Dahil ba kay Mrs. Jimenez?"

Marahan akong napakagat sa aking pang-ibabang labi. Hindi ko gustong aminin iyon sa aking sarili pero iyon nga ata talaga ang dahilan.

"Doble ang pressure sayo...kasi si Mrs. Jimenez?" ulit na tanong niya sa akin.

Pagod akong napabuntong hininga. Uminit ang magkabilang gilid nang aking mga mata pero mabilis kong pinigilan ang umiyak.

Hindi ako naka-sagot kaya naman mabilis na lumapit si Chelsea sa akin para yakapin ako.

"Andito kami. Tutulungan kita," paninigurado niya sa akin.

Dahil sa ipinapakita ni Chelsea sa akin at kung paano niya ako alagaan ay mas lalo ko tuloy na miss sina Vera at Ericka. Mas lalo kong na miss ang mga kaibigan ko sa Sta. Maria.

Habang nasa byahe ay kung saan-saan na lumipad ang utak ko. Ina-alala ko din si Nanay. Hindi rin naman mapakali ang isip ko dahil sa mga ganitong pagkakataon ay mas gusto kong kasama ko sana siya, ako sana ang nag-aalaga sa kanya. Sumabay pa ang pag-iisip ko sa trabaho kaya naman kailangan kong hatiin ang sarili ko para dito.

"Need I-present bukas. Gagawa muna ako ng powerpoint," rinig kong pagka-usap ni Chelsea kay Angelina nang tumawag ito.

Ako na ang nag-presinta na magluto nang malaman kong marami din siyang kailangang gawin ngayon.

"Uhm...aalis ba kayo ni Thomas mamaya?" tanong ko sa kanya.

Imbes na sa kwarto niya siya gumawa nang trabaho ay dinala niya ang mga iyon sa may sala.

"Hindi muna, kailangan kong tapusin itong presentation para bukas," sagot niya sa akin kaya naman tipid akong tumango at pinagpatuloy ang pagluluto.

Sabay kaming nagdinner ni Chelsea. Pagkatapos ay bumalik din kami sa kanya kanyang gawain. Doon din ako sa pwesto ko sa may makina gumawa nang mga dapat kong baguhin sa design ko.

When the Moon Heals (Sequel #2)Where stories live. Discover now