Chapter 28

42.2K 2.3K 1.3K
                                    

Hunter



Isang pang malalim na halik ang ibinigay sa akin ni Hob hanggang sa dahan dahan niyang pinaghiwalay ang mga labi namin. Halos pumungay ang aking mga mata dahil sa kakaibang nararamdaman. Para bang inihehele ako ng klase ng paghalik niya...nakaka-antok.

"Hob..." mahinang sambit ko. Halos hindi ko na din makilala ang sarili kong boses dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa din ang malambot niyang labi sa akin.

"I'm sorry if I'm too fast, Miss."

Matapos ang marahang pagkakasabi non ay muli akong napapikit para damhin ang malambing niyang paghalik sa aking noo.

"Nanliligaw ka pa lang," wala sa sariling sambit ko. Dahil sa pagiging lutang ay hindi ko na din kontrolado ang lumalabas sa aking bibig.

Tipid na ngumisi si Hob, sandali niya akong pinagmasdan bago namanhid ang buong katawan ko ng marahan niyang haplusin ang pisngi ko.

"Ang sarap mong halikan..." sabi niya kaya naman ramdam ko ang pag-init ng aking magkabilang pisngi.

"Yung halik na madiin, pero dahan dahan," sabi pa niya sa akin.

Bago pa man ako magpakain sa mga mabubulak niyang salita ay kaagad ko ng inipon ang natitira kong lakas para hampasin siya sa braso.

"Hindi dapat tayo naghalikan dahil hindi naman tayo!" asik ko sa kanya habang pilit na nilalabanan ang panghihina. Nakakapanlambot din kasi ng tuhod ang paraan niya ng paghalik.

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Edi tayo na," sabi niya kaya naman nanlaki ang mata ko at muli siyang hinampas sa braso.

"Aray, Miss...mapanakit ka ha," suway niya sa akin bago siya ngumisi.

"Hindi pa tayo...Hob," sabi ko at kaagad na nag-iwas ng tingin.

Marahan siyang tumango bago ko naramdaman na mas lalong humigpit ang hawak niya sa bewang ko at mas lalo akong inilapit sa kanya.

"I'll wait, Miss."

Dahil sa sinabi niyang yon ay muling humaba ang nguso ko. Kahit hindi ko siya harapin ay ramdam ko ang tingin niya sa akin.

"I'm your first kiss?" tanong niya.

Hinarap ko siya at nilabanan ang tingin niya sa akin bago ako dahan dahang tumango.

"Oo...ikaw," sagot ko.

Napabuntong hininga siya bago niya ako hinila at niyakap ng tuluyan.

"Ako lang...simula ngayon," deklara niya kaya naman hindi na ako naka-imik pa at hinayaan siyang yakapin ako.

Bukod sa malaki ang ngiti ni Hob ng iabot ko sa kanya ang lunchbox na dala ko ay para bang may iba pang dahilan ang ngiti niya. Ayoko naman isipin na dahil iyon sa halikan namin. Sigurado namang marami na siyang nahalikan na babae. Hindi naman siguro kakaiba o ganoon ka-special ang halikan namin.

"Ipapakilala muna kita kay Tito Marcus," yaya niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang pinigilan.

"Di ba sabi ko...sikreto muna," paalala ko sa kanya.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Ipapakilala lang kita, hindi ko sasabihing naghalikan tayo," nakangising sabi niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Hob!"

Tumawa siya bago siya nagnakaw ng halik sa aking pisngi.

"Pag tayo na...wala tayong gagawin kundi maghalikan," nakangising sabi niya kaya naman muling nanlaki ang mga mata ko.

When the Moon Heals (Sequel #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin