Chapter 47

53.4K 2.6K 1.5K
                                    

The Vega's





Natahimik din sina Thomas at Chelsea matapos iyong sabihin ni Hob. Hindi naman ako nagpakita ng kahit anong emosyon lalo na't alam ko naman at aminado akong nasaktan ko siya kahit hindi ko sinasadya o hindi ko pinlano.

Pinilit ko na lang na nilunok ang kinakain ko sa buong oras na nandoon siya. Gusto ko rin sanang subukan na ipakita sa kanyang hindi ako epektado sa presencya niya kagaya niya sa akin pero hindi ko magawa.

"Aalis na kami. Text me every now and then," paalam ni Thomas kay Chelsea.

Napangiwi si Chelsea dahil sa narinig. Mariing napapikit si Thomas at napangisi na lang.

"Stop being so clingy, Attorney," pang-aasar niya sa boyfriend.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanuod sila. Pero dahan dahang nawala ang ngiti sa labi ko nang makita kong naka-simangot si Hob habang pinapanuod ang dalawa.

Matapos niyang irapan ang mga ito ay lumipad naman ang tingin niya sa akin. Tumalim lang ang tingin niya sa akin bago siya umiwas.

"Alihilani," tawag ni Thomas sa akin para magpaalam din.

Tipid akong tumango sa kanya. Hindi na din ako nag-effort na tingnan ang katabi niya dahil alam ko naman ang matatanggap ko sa oras na tumingin ako sa kanya.

Panay ang hingi ng tawad ni Chelsea sa akin dahil nalaman na ni Hob na nandito ako. Ilang beses ko naman sinabi sa kanya na wala siyang kasalanan dahil hindi din naman niya iyon ginusto. Hindi naman namin malalabanan ang pagkakataon, baka iyon talaga ang dapat na mangyari...ang magkita kami sa araw na iyon.

Inabala ko ang aking sarili sa pag-iisip ng design para sa collection nila para sa buwan na ito. Mula sa mga designers ay pipili sila ng mga designs at iyon ang irarampa para sa gaganaping fashion week. Sinabi na nila sa amin ang magiging tema kaya naman mula doon ay nag-isip na din ako.

Nag-angat ako ng tingin nang mapansin ko ang paglakad ni Angelina palapit sa mesa ko. Tipid ko siyang nginitian kahit malaki na kaagad ang ngiti niya sa akin.

"Nasa list na kita para sa sabado ha, bawal mag-backout," paalala niya sa akin.

Kaagad akong tumango. Isang araw lang naman iyon at nalula din ako sa laki ng bayad. Pwede kong magamit ang kikitain ko doon para naman makapag-share na ako kay Chelsea sa mga gastusin.

Sandali pa akong pinasadahan nang tingin ni Angelina na para bang may iniimagine siyang damit sa akin bago siya tipid na napalakpak.

Tatlong design ang nagawa ko para sa araw na ito hanggang sa nilapitan ako ni Chelsea para sabihing gusto niyang gamitin ko ang dalawa sa design na nakita niya sa portfolio ko.

"Pwede mong subukan ang design na to sa ganitong klaseng tela..." paliwanag niya sa akin.

Naintindihan ko naman kaagad ang mga gusto niyang mangyari kaya naman nalipat doon ang atensyon ko.

Napapahawak ako sa aking sinapupunan at napapangiti sa tuwing kinakausap ko ang Baby ko. Hindi niya ako pinapahirapan bukod sa minsan ay sinusupong talaga ako tuwing umaga.

After ng office hours ay umuwi na din kami ni Chelsea sa condo niya. Medyo abala pa din siya at may mga kausap pa din kahit nasa byahe kami.

"Dito ka ba magdi-dinner? Magluluto ako kung dito."

Ngumiti siya sa akin at tumango. Sinabi niya ding pupunta si Thomas kaya naman medyo kinabahan ulit ako sa kung sino pa ang pwedeng kasama ni Thomas.

When the Moon Heals (Sequel #2)Where stories live. Discover now