Chapter 10

42.2K 2K 1.1K
                                    

Lose you




Matapos pa ang ilang marahan kong pagdampi ng ice pack sa pisngi niya ay unti unti na siyang umiwas.

"Ayos na, tama na" marahang sabi niya sa akin ng hindi man lang ako tinitingnan.

"You want to go to the hospital?" tanong ko na ikinatawa niya, napaawang ang bibig ko dahil doon.

"Hindi na, hindi ko naman ito ikamamatay" sabi pa niya at tuluyan na akong tinalikuran.

Humarap siya sa sink para maghugas ulit ng kamay kahit hindi naman madumi iyon. Pinagmasdan ko siya mula sa may salamin. Dahil nasa ibaba ang tingin ay mas lalo kong nakita ang ganda ng pilik mata niya. Hindi gaanong mahaba kagaya ng kay Vera, pero makapal.

Napaayos ako ng tayo ng bigla na lang siyang nag angat ng tingin sa akin.

"Pwede mo na akong iwan, at pambabaeng banyo ito" pagtataboy niya pa sa akin.

Hindi ako natinag, iginala ko ang buong paningin ko sa buong banyo. Wala naman ibang tao.

"Lumabas sandali si Vera, pabalik na din iyon" sabi niya sa akin kaya naman napatango ako.

Nanatili ang pagkakatayo ko sa kanyang gilid, halos nasa balikat ko lang siya. Bumaba ang tingin ko sa kanina pang nakabukas na faucet.

"Nagsasayang ka ng tubig" sita ko sa kanya.

Gusto kong makipagusap sa kanya ng maayos, darating din ang araw at magiging magkaibigan din kaming dalawa lalo pag naging kami ni Vera. Hangga't maaga, kailangan ko ng ayusin ang pakikitungo sa kanya.

Humaba pa muna ang nguso niya bago niya pinatay ang faucet, napangisi ako. Parang batang nagmamaktol.

"Tara na nga, ayaw ka daw dito ng mga kaibigan ko" seryosong sabi niya sa akin kaya naman kumunot ang noo ko.

Muli kong nilingon ang buong banyo, kaming dalawa lang naman ang tao.

"Sinong kaibigan?" tanong ko. Maybe it's one of her tricks again, mananakot nanaman.

Matapos ang sandaling pananahimik ay narinig ko ang mahinang pag ngisi nito.

"Duwag" sambit niya kaya naman kaagad na nanlaki ang mata ko.

"Sino? Ako? Hindi no!" laban ko sa kanya.

Mas lalo niya akong nginisian at may kasama pang irap ng makita niyang halos dumikit ako sa kanya habang palabas kami ng banyo.

Nawala ang ngisi naming pareho ni Alice pagkalabas namin ng banyo ng makita namin ang magkasunod na pagdating ni Vera at Julio.

"Kamusta ka na?" nagaalalang tanong ni Julio dito. Nilapitan niya si Alice at hinawakan sa may siko para maiharap sa kanya ng maayos.

"Ayos na, wag niyo na akong masyadong alalahanin" suway pa ni Alice dito, kita ko ang marahang pagbawi niya ng kamay bago niya nilingon si Vera na tahimik na nakahalukipkip sa likuran ni Julio.

Bago pa man makalapit si Alice dito ay inunahan ko na siya.

"Anong nangyari?" tanong ko ng makita kong namumula ang mga mata nito.

"Saan?" nakangising tanong niya sa akin. Pilit niyang itinatago ang tunay na nararamdaman.

Hindi ako nakuntento, hinawakan ko siya sa magkabilang siko at inilapit pa lalo sa akin. I want her too feel secure whenever she's with me. Na kung may problema ay pwede niyang sabihin sa akin. I'm always here for her.

When the Moon Heals (Sequel #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon