Chapter 17

39.8K 2.2K 1.7K
                                    

Coffee



Iniwan kaagad ni Hob ang lahat ng ginagawa niya, kahit ang mga taong kumakausap sa kanya para lang lapitan ang kanyang ina. Duon pa lang ay kita ko na ang pagmamahal at pag-galang niya dito.

"Mommy," tawag niya dito bago siya humalik sa ulo nito kaya naman nag-iwas ako ng tingin.

Kahit nag-iwas na ako ng tingin ay ramdam ko pa din ang talim ng tingin niya sa akin. Gusto ko na sanang magpaalam kaagad at umalis na lang doon pero ni hindi ko rn yata kayang gumalaw.

"May ipapakilala ako sayo."

Alanganin akong ngumiti ng mapansin kong nasa akin na ang atensyon nilang dalawa. Dahan dahan kong tiningala si Hob at kaagad na sumalubong sa akin ang matalim at malalim niyang tingin.

"What's your name again, Hija?" tanong ni Mrs. Jimenez sa akin.

"A-alihilani po," magalang na sagot ko sa kanya.

Kita kong mas lalong lumaki ang ngiti niya.

"Your name suits you, ang ganda," nakangiting sabi niya sa akin. Magsasalita pa lang sana ako para muling magpasalamat ng mauna na si Hob.

"Hindi naman. Pangkaraniwan lang," singit ni Hob na kaagad na kinontra ng kanyang ina.

"Shut up, Hobbes. Mas lalo mo lang pinapatunayan kay Ms. Alihilani na masungit ka," suway ng kanyang ina sa kanya kaya naman marahan akong napakagat sa aking pang-ibabang labi.

"Sino bang nagsabi na masungit ako? Siya?" tanong niya dito.

Tumaas ang dalawang kilay ni Mrs. Jimenez bago siya ngumisi at tumingin sa paligid na para bang nililiko pa niya ang kanyang anak. Pwede naman niyang sabihin na ako ang nagsabi, Totoo naman kasi.

"I don't know?" nakangising sambit nito sa anak kaya naman mas lalong sumimangot si Hob at tumingin sa akin.

"Kilala ko siya. Kaibigan siya ni Eroz at Gertie," tamad na sabi niya dito bago siya nag-iwas ng tingin habang nakapamewang na akala mo naman sa kanyang ang lahat ng bagay na nakikita niya.

"Ikaw? Hindi mo kaibigan?" tanong ni Mrs. Jimenez kaya naman napaawang ang labi ko sa gulat. Gusto ko na lang talagang umalis at lumayo sa kanilang dalawa. Kaunti na lang ay mukhang malalaman ko na kung saan nagmana si Hob ng kakulitan niya.

Muling umirap si Hob na para bang iritado siya sa kung ano man ang iniisip niya. "Hindi, I don't have time to entertain strangers," matigas na sabi niya kaya naman natawa si Mrs. Jimenez bago pabirong hinampas ang braso ng anak.

Nakangiti akong nilingon ng kanyang ina. "You know what, matagal ko na talagang gustong magkaroon ng anak na babae. Kaso ang ibinigay sa akin dalawang topakin. But it's ok, mahal ko pa din naman...I have no choice," sabi nito bago tumawa.

"Mom!" giit ni Hob dito.

Kahit kita kong iritado siya at nagsusungit nanaman ay hindi ko pa din maiwasang mangiti dahil sa Mommy niya. Ngayon ko napatunayan na hindi lahat ng mayayaman kagaya nina Tita Atheena. Napatunayan ko na iyon kina Vera at Gertie, ngayon naman ay ang Mommy niya.

Dahan dahang nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang masungit na tingin ni Hob sa akin.

Naputol lang iyon ng may isang babaeng lumapit sa aming gawi. Isang beses akong humakbang patalikod para bigyan sila ng privacy. Kaagad kong iginala ang tingin ko sa buong lugar para muling hanapin si Tatay. Kaya naman talaga ako nandito para makita siya, ipakita ang suporta ko dahil parte siya ng lahat ng ito.

When the Moon Heals (Sequel #2)Where stories live. Discover now