Chapter 9

39.7K 2K 1.2K
                                    

Game




Tahimik kong hinintay na matapos sukatan si Vera. Ilang beses ko ding narinig na hinahanap na ako ng mga pinsan ko na nasa garden pero hinayaan ko na lang.

"Babe, kanina ka pa hinahanap sa labas" nakangising sabi ni Yaya Esme sa akin.

"Lalabas po ako mamaya pag katapos ni Vera" sagot ko sa kanya kaya naman pinanliitan niya ako ng mata.

Mas lalo akong napangisi ng nagpalipat lipat ang tingin niya sa akin at sa abalang si Vera.

"Ikaw babe ha, alaga ko yan!" banta niya sa akin kaya naman kaagad kong itinaas ang magkabila kong kamay bilang pagsuko.

"Mana sayo Yaya Esme, ang ganda"

Kaagad siyang ngumiwi. "Wag ako, binola mo pa ako. Nag momove on pa din ako!" pangaasar niya sa akin kaya naman mas lalo akong natawa.

Unti unting nawala ang ngiti sa aking labi ng makita ko ang paglabas ni Alice mula sa kusina. May dala siyang tray na may lamang tasa at baso ng juice para kay Vera.

"Ito na yung juice mo" sabi niya kay Vera at marahang inilapag iyon sa may center table.

"Thank you, witch" Vera said sweetly.

Matapos iyon ay hindi ko na siya ulit tinapunan pa ng tingin. Basta ay alam ko lang na tahimik niyang ininom ang inumin niya.

"Do you have partner na ba for the wedding?" pagbasag ni Vera sa katahimikan.

Pinili kong hindi mag angat ng tingin. Kahit walang interest sa mga wedding and gown magazine na nakakalat sa may center table ay nagkunwari akong tumitingin doon. Just to kill the boredom while waiting for Vera.

"Hindi ko pa alam. Depende sa organizer, kung wala si Louie na lang" Alice said na para bang wala siyang pakialam kung sino ang ipartner sa kanya.

Ngumisi si Vera. "What if kasama ni Louie ang girlfriend niya?" tanong pa niya dito, she really care for her friend. Na para bang kung walang magiging kapareha si Alice ay proproblemahin niya din.

"Bahala na" pagsuko ni Alice bago ulit manahimik.

Tsaka lang ako lumabas sa may garden ng matapos sukatan si Vera. Hindi ko na siya kinulit pa at hinayaang umakyat silang dalawa ni Alice sa kwarto nito. Bago ako tuluyang lumayo ay narinig ko pa ang paguusap nila tungkol sa mga damit at sa kung ano ang ayos ng buhok na gusto nila para sa kasal.

"Oh, parang tanga nanaman yang pinsan niyo. Ilayo niyo yan sa akin" pambungad ni Piero. Naglalakad pa lang ako palapit sa kanila ay nakasimangot na siya.

Natawa na lang ang mga pinsan namin at hindi na siya pinansin pa. Nakisama ako sa kanila at umupo sa tabi ni Tadeo ng makita ko ang tingin ni Gertie sa akin mula sa kabilang lamesa kung saan kasama niya ang mga babae.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya para magtanong pero napangisi na lang ako ng sumimangot ito, parang batang humaba ang nguso bago umirap.

Mas lalong naging abala ang mga sumunod na araw. Halos hindi din ako makalabas dahil sa ilang email at trabaho na pinapagawa sa akin ni Tito Luke. Mas napaaga ng ilang linggo ang ground breaking kaya naman mas kailangan naming mag double time.

"Ilang araw kong hindi nakita si Vera" sabi ko habang inaayos ang barong na suot ko. Ngayong araw ang kasal nina Tito Darren at Tita Afrit.

When the Moon Heals (Sequel #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon