Chapter 59

68.7K 2.7K 1.5K
                                    

Yes



Nagising ako mula sa malalim na tulog nang maramdaman kong may marahang humahaplos sa aking buhok. Hindi na ako nagdalawang isip pa at kaagad na dumilat.

"Morning..." bati ni Hob sa akin. Halos hindi ako nakagalaw kaagad nang marinig ko ang boses niya.

Imbes na hintayin akong makasagot sa pagbati niya ay walang kahirap hirap niyang hinapit ang aking bewang para mas lalong pagdikitin ang hubad naming mga katawan.

"Hob," tawag ko sa kanya nang maramdaman ko kung paano halos naipit ang dibdib ko sa katawan niya.

Mahina siyang napahalakhak pero ipinagpatuloy pa din ang ginagawa.

"Po?" magalang na tanong niya sa akin.

"Ang aga mong nagising..." puna ko sa kanya. Hindi ko na tuloy ang reklamo ko at hinayaan ko na lang damhin ang init ng katawan niya sa akin.

"Hindi ako nakatulog," pag-amin niya kaya naman mabilis ko siyang tiningala.

"B-bakit?"

Nanatili ang tingin niya sa akin bago siya marahang napakagat sa kanyang pang-ibabang labi.

"Binabatayan kita...kayo ng baby natin," sagot niya sa akin kaya naman bahagyang humaba ang nguso ko tsaka siya inirapan.

Imbes na makipagsagutan sa kanya ay muli kong ibinalik ang ulo ko sa pagkakasandal sa kanyang hubad na dibdib. Hindi ko na din pinansin kung ramdam niya ang hubad kong dibdib.

"Matulog ka pa. Pinuyat kita kagabi," nakangising sabi niya sa akin at talagang nang-aasar pa.

"Inaantok pa ako...pero gusto ko nang gumising," sumbong ko sa kanya. Narinig ko nanaman ang ngisi niya bago mas lalog humigpit ang yakap niya sa akin.

Parang nanliit ako sa laki ng braso ni Hob na nakapulupot sa bewang ko.

"Matulog ka pa...babantayan ulit kita," pangungulit niya sa akin kaya naman pinilit ko nang ibinangon ang ulo ko at hinarap siya.

"Ikaw ang matulog. M-may gusto ka bang kainin para sa almusal?" tanong ko at medyo nahiya pa dahil nanaman sa titig niya sa akin.

May oras na nagiging kumportable na ako kay Hob. Pero habang tumatagal at bumabalik nanaman ang pagkailang ko sa kanya sa tuwing naaalala kong si Hob Jimenez siya. Hindi ko kailanman inakala na magkakalapit kami ng ganito...hindi ko kailanman inakala na ang pangarap ko lang na makilala siya dati ay mas mahihigitan pa ng kung anong meron kami ngayon.

"Nag-iwas ka nanaman nag tingin sa akin," marahang puna niya.

Halos tumaas ang balahibo sa batok ko pababa sa aking braso nang haplusin niya ang pisngi ko ara lang ibalik ko ang tingin ko sa kanya.

"Nahihiya ka pa din?" tanong niya pa sa akin.

Marahan akong napakagat sa aking pang-ibabang labi. Dahil sa aking simpleng ginawa ay napahugot ng malalim na paghinga si Hob kaya naman napalitan iyon nang pag nguso.

"Si Hob Jimenez ka..." pag-uumpisa ko.

Isang beses akong sumulyap sa kanya at nakitang bahagyang tumaas ang kilay niya sa akin. Gusto ko sana siyang simangutan pero mas nangingibabaw ang hiya ko sa kanya ngayon.

"Hanggang ngayon ay hindi ko lang talaga maisip na...tayo at..." magulong sabi ko.

"You're carrying our child, Alihilani. Sayong sayo ako..." paninigurado niya sa akin.

When the Moon Heals (Sequel #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon