CHAPTER 22

5.7K 73 0
                                    


"Hurt her and you'll early see hell."

"Chase...." Agad akong napalunok ng makita ang matalim na seryuso niyang mukha, hindi ito sa akin nakatingin o kaya ay kay Joy na nagulat sa pagkakita sa kanya, sa halip nakatingin siya sa taong nasa likod ko.


"Ano ba bitawan mo ako!" Nagpapasag na sigaw ni Joy binitawan naman agad siya ni Chase tsaka lumipat ang mga mata nito sa akin, ang kaninang matalim at seryusong mga mata niya ay nakatingin na sa akin ngayon na puno ng katanungan.


"Come here.." walang kasing bilis na pumunta ako at nagtago sa liko niya, kinakabahan ako dahil nakita niya si Drake. Nakita niya yung taong ilang beses niya ng gustong makita at patayin.


"C-chase uwi n-na tayo..." Nangangatal na saad ko at humawak sa mga kamay niyang mariing nakakuyom.


"Mommy, away po ba kayo ni Pretty?" Napatingin ako kay Zaya dahil sa inosenteng tanong nito, hindi naman siya pinansin ni Joy, ng tingnan ko ito ay mariing nakatingin ito kay Drake na mariing nakatingin din sa lalaking hawak kamay ko ngayon.

"Who are you?"


"Why? You care f*cker?!" Napakagat labi ako SA naging sagot ni Chase.


Mukhang natauhan si Joy at agad nitong hinawi si Zaya na nasa tabi ni Drake at siya ang pumalit dito. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa ginawa.



Napaangat ang tingin ko kay Drake na walang pakealam kay Joy, mula sa mariin na tingin niya kay Chase ay bumaba ang tingin nito sa kamay kong hinahaplos haplos ang kamay ni Chase para mawala ang pagkakakuyom nito. Napalunok ako ng nakitaan ko Ito ng isang ngiti na hindi umabot sa kanyang mga mata at bahagyang dumilim ang mukha niya kasabay ng pagdaan ng sakit sa mga mata niya na agad ding nawala.


What's that Drake? Are you affected?.


"Ang landi landi mo talaga Claire! Hindi ka lang malandi pero sinungaling kapa!"


Tumalim ang tingin ko na lumipat kay Joy.


"Hindi ka ba nahihiya sa anak mo?" Nalipat ang tingin nito kay Zaya pero mukhang wala naman siyang pakealam sa reaction ng anak niya.



"Baby, go to my office, wait me there." Yumuko si Drake para bigyan ng halik sa noo si Zaya na tumatango sa sinabi ng ama niya, yumuko din si Joy at bahagyang ngumiti para bigyan din ng halik sa noo si Zaya. Pareho silang may munting ngiti sa mga labi habang sinasabihan ang anak nila.


Dumiin ang pagkakahawak ko sa kamay ni Chase. "Hey are you okay?.." naging tanong nito sa akin ng mapansin ang pagkakadiin ko sa kamay niya.


Umangat ang tingin ko sa kanya. "I'll explain, please don't be mad at me." Nanlulumo kong saad sa kanya.


I need to explain this to him, hindi ko din naman alam na dito pa kami magkakatagpong muli.


Tumango naman siya bago bumaling ang tingin sa dalawang taong nakatingin din sa amin ngayon, wala na si Zaya marahil pumasok na sa office ni Drake, nakalingkis si Joy sa matipunong braso ng dati niyang asawa ng tingnan niya ito ay parang may ipinagmamalaki ito sa kanya.


"Try to hurt her again. Hindi ako magkakamaling pumatay para sa kanya." Hindi ko alam kung para kanino nga ba ang mga katagang binitawan ni Chase, kung kay Joy ba o kay Drake. Iniisip ko na para ito kay Joy pero ang mga mata naman niya ay naka'y Drake nakatingin.


"I know you, you're her ex-husband."


"Chase.....".


"Don't worry Claire, I won't let him hurt you again."


Unwanted BrideWhere stories live. Discover now