•CHAPTER 2

9.6K 131 0
                                    

Nagising ako dahil sa uhaw. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko pero nahirapan ako. Ipinikit ko ito ng mariin bago muling imulat hindi naman ako nagsisi at naimulat ko ito.

Inilibot ko ang paningin ko at puro puti ang nakikita ko. Hospital. Inaangat ko sana ang kamay ko ngunit masyado akong nanghihina at may nakakabit dito na kung ano-ano. Biglang nag sink in sa akin ang lahat.

Naramdaman ko ang pagbalatay ng sakit sa puso ko. Thinking of him na magkaroon na ng masayang pamilya. Sobrang sakit. Akala ko katapusan ko na pero bakit buhay pa ako? Sya ba ang nagdala sa akin dito? Muli kong naalala ang mga luhang tumulo sa mata niya. Bakit gusto pa din kita makita?.

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Daddy. Nang makitang gising na ako ay agad syang lumapit at dumalo sa akin.

"You almost sleep in 3 days anak". Nag-aalalang sabi niya sa akin pagkatapos niyang ipaliwanag ang mga nangyari.

Antagal ko na palang tulog.

"W-where's Drake Pa?". Hindi ko maiwasang tanong.

Biglang nag iba ang nag-aalalang mukha niya at napalitan Ito ng galit.

"I know what's happening between the two of you, and I know he's the reason kung bakit ka nandito ngayon, Tama na anak, pinapalampas ko lahat dahil Alam kong magagalit ka pero ngayon hindi ko na ito hahayaan". Diretso niyang Saad.

Napalunok ako. Alam niya pala ang lahat. Alam kong Wala akong magagawa sa mga susunod na desisyon niya.

"Tumawag lang siya sa akin at sinabing nasa hospital ka, agad-agad akong pumunta dito at Wala akong naabutan kundi ang doctor na nag aasikaso sayo, nag aagaw buhay ka anak pero laking pasasalamat ko at lumaban pa ang puso mo". Tumulo ang luha ko dahil sa narinig.

Still he didn't care.

"Dadalhin Kita sa ibang bansa anak, at doon ka magpapagaling, mag papagawa ako ng divorce paper!". Sunod na saad niya na ikinabahala ko.

Hindi. Hindi pwede.

"Pa no,, dito Lang ako, okay na naman ako diba?". Sinabi ko agad SA kanya.

"You need a heart transplant anak".

Alam kong dadating talaga ang oras na Ito. Pero ayaw kong malayo sa kanya. Hindi ako magpapaopera.

"Please pa.....let me stay here, uuwi ako!" Gusto kong makasama sya.

Alam kong ang tanga ko na pero, paano pag may pag-asa pa ako. Lalo na ng sinabi kong ako ang kababata niya.

"Hindi anak! Paano pag may nangyari ulit sayo at hindi na kayanin ng puso mo!". Madidiin nyang Sabi sa akin. Nagsusumamo akong tumingin sa kanya

Kahit ngayon lang hindi ko muna itutupad ang kahilingan niya.

Dahil dun ay bigla kong naalala ang hiling niya. Kung babalik ako sa kanya, masisira ko ang tinupad kong kahilingan niya. He want's me to stay away from them. Na mawala ako para maging masaya na sila. Masakit isipin lalo na at magkakaanak na sila.

Masakit man pero may part sa akin na nagsasabing sumang-ayon sa Plano ni papa.

"Matagal na ang mahigit apat na buwan na pagpapakahirap mo SA kanya anak, at hindi na ako makakapayag doon. Aalis muna ako anak kakausapin ko ang doctor mo at sana pagbalik ko may desisyon kana". Sabi niya at napagtanto ko nalang na naiwan na naman akong mag isa sa silid.

I take a deep breath, what should I do?

Gusto ko mang wag syang iwan pero naaalala ko ang mga nangyayari, Ang Sabi ko naitupad ko na ang hiling niya at yun ay ang iwan sya sa piling ni Joy, Doon siya masaya.

I tears fell from my eyes. Why fate is really cruel? Napahikbi na ako, gagawa ako ng desisyon, Hindi para sa akin kundi para sa kanya. Sadyang Mahal ko sya para Basta Basta nalang iwan. Hindi pa kami umabot ng isang taong pagsasama bilang mag Asawa. Napakabilis.
Napakabilis ramdam ko yung sakit sa puso ko I can't leave him pero paano ang hiling niyang akala niya'y tinupad ko na?.






"CAREFUL doc". Pag-papaalala ni papa sa doctor habang inaalalayan akong sumakay sa private plane namin. Nang makasakay na ako ay napakagat labi ako para pigilang humikbi.

"You make the right decision anak". Daling saad ni papa ng umupo sya sa tabi ko. Naramdaman kong pinaandar na ng piloto ang sinasakyan namin.

We're going to Spain. Napagdesisyunan ko na tuparin ang hiling ni papa lalo na ang hiling niya. Lalayuan ko sya, lalayuan ko sila.
Isang linggo na ang nakalipas simula ng magising ako. At ngayon palang kami umalis. Nahirapan ako sa desisyon ko dahil sa totoo lang, hindi ko kayang iwanan ang taong hinihiling kong maging akin.

"Huwag kang magpakatanga sa taong sinasayang ka". Agad naman akong napatingin sa butler namin. Si Butler Seian. Matagal ko na syang Butler at ngayon ko lang ulit sya nakita dahil sa pinagleave ko sya nung makapag-asawa ako.

Napatawa naman ako sinabi niya. Walang kaso sa akin ang mga salitang binitawan niya dahil sinabi ko sa kanyang tratuhin ako na parang kaibigan nalang din.

"You know.....i can call myself as an Unwanted Bride". Biglang saad ko. Napatingin naman sila sa akin. Silang dalawa ni papa at ni Butler seian na katabi ko.

"Una palang anak pigil na ako sa nais mo but in the moment that I see you're beautiful smile nawala ang tutol sa sistema ko". Biglang sabi ni papa. Habang nanatiling tahimik ang isang katabi ko.

Hindi na ulit ako nakangiti nang kagaya ng ngiti ko kapag nakakasama ko si Drake simula ng mawala ang mama ko.
She died because of heart disease. At baka namana ko ito sa kanya.

"D-dad, nakarating ba talaga sa kanila ang balitang patay na ako?". Tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Yes anak" sagot niya at tinawag ang isang stuff na nandito.

Napahawak ako sa puso ko ng makaramdam ako ng kaunting kirot.
Nag-aalalang tumingin sa akin si Butler Seian ngunit sinabihan ko syang okay lang ako.

Desisyon ni Papa na ibalita sa kanilang patay na ako kasabay ang pagsasawalang bisa ng Kasal namin. Aaminin kong halos ikamatay ko ang araw na sinang-ayunan ko ang mga desisyon ni Papa pero ng sinabi ni papa na........

nakita niya si Drake at Joy sa Mall at bumibili ng laruang pambata ay nakabuo ako ng desisyon dahil sa sakit na nadarama ko.

Hindi man Lang sya dumalaw sa akin habang nasa hospital ako.
Inaalala mo din kaya ako Drake?.
Masaya kana ba kasi tinupad ko ang hiling mo?.
Sana hanapin mo ako Drake. Umaasa padin ako at sana tama itong desiyon ko.

Pinahid ko ang luhang kumawala sa pisnge ko.

"Sa Spain anak....find you're new man". Biglang saad ni papa at binigyan ako ng tubig. Tinanggap ko iyon at hindi pinansin ang mga sinabi niya.

"Pa....alam ko sa sarili kong hindi ko kayang umibig muli". Sabi ko sa isip ko.

Kung hahanapin mo ako Drake.......

Habang-buhay kitang hihintayin.

LM

Unwanted BrideOnde histórias criam vida. Descubra agora