•CHAPTER 1

12.5K 151 9
                                    

   As I walked in the aisle my tears started to flow. Masaya ako dahil ito ang araw na hinihiling ko ang maikasal sa lalaking pinapangarap ko mula pagkabata. Bakas sa mga nakadalong tao ang tuwa dahil sa mga nangyayari. Pero habang unti-unti akong nakakarating sa harapan ay nababakas ko ang galit at matalim na tingin ng magiging asawa ko.

Natapos ang seremonya at nakahawak ako ngayon sa braso niya. Nakangiti habang pinasasalamatan ang mga bisitang lumalapit sa amin. Ramdam ko ang masamang aura ng aking asawa. Dumating ang oras na kailangan na naming umalis at umuwi sa sarili naming bahay. Masaya ako dahil masaya ang mga magulang namin at maging ako.

Bago pa kami makapasok sa kotse ay may ibinulong sya sa akin.

"Siguraduhin mong hindi mo pagsisisihan ang sinimulan mo!". Napalunok ako, I know na mahihirapan ako pero hindi ako susuko lalo na pagdating sa kanya.




* 4 MONTHS LATER *

"DID I TELL YOU TO TOUCH THAT?!" Nakakarinding boses ng kabet ng Asawa ko or sasabihin ko na ding ex-bestfriend ko.

Yumuko ako, kailangan kong pigilan ang galit ko. "Sorry". Hinging paumanhin ko sa kanya. After naming ikasal naging impyerno ang buhay ko. Sinasaktan ako ng Asawa ko, araw-araw at walang palya, dinala niya din ang babaeng mahal niya dito sa bahay. Pero sa lahat ng Yun Hindi ako tumutol dahil sa Mahal ko sya.

Nagulat nalang ako ng may kamay na biglang sumampal sa akin, napahawak ako Doon dahil sa sakit, inangat ko ang tingin at nakita ko ang galit Kong Asawa.


"Sino nagsabi sayong pwede mo pakialaman ang gamit ni Joy?!" Bulyaw niya sa harapan ko.

"H-hindi ko naman alam". Nauutal kong sabi at yumuko.

"I told you, wag mong pakekealaman si Joy dahil ako mismo ang papatay sayo!". Saad niya.

"D-drake ako naman yung Asawa mo ah...b-bakit ako pa ang k-kailangang makaramdan nito?. Mahinahon Kung Sabi sa kanya. Pinipigilan kong tumulo ang taksil kung mga luha.

"HAHA ASAWA?!!" Napaigtad ako sa sigaw niya.

"Unang-una sa lahat hindi Kita asawa, sa papel lang Kita asawa, at ni minsan hindi ikaw Ang asawa ko. Dahil si Joy ang mahal ko!". Sunod na sabi niya. Ang sakit.

"Kung hindi ka sana ganun ka desperada ay masaya kami ngayon, Kung hindi ka sana nagpakatanga dyan sa putanginang arrange marriage na yan!!". Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.

Dinuro niya ako. "Hindi ikaw ang Mahal ko Claire....si Joy ang mahal ko!" Nanikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Kailan paba ako masasanay? Ngayong araw araw ko silang nakikita.

"Drake m-mahal kita k-kaya ko ginawa Yun". Nagsusumamo kong saad.

"Selfish ka Claire Alam mong Mahal ko si joy una palang." Huling Sabi niya bago hinatak si Joy na nakangising nakatingin sa akin.

Natawa nalang ako habang nakahawak sa naninikip kong dibdib.

"Don't worry drake, once that I can't survive magiging masaya na kayo.

* FAST FORWARD *

"Happy birthday Drake hubby!!" Masaya kong saad sa Asawa ko pag kauwi niya sa bahay galing trabaho.

Hindi niya kasama si Joy na mas ikinatuwa ko.

Agad kong pinablow sa kanya ang candle sa cake. "Make a wish hubby!". Masigla kong sabi sa kanya.

Hindi naman siya nagreklamo at hinipan ito.

"Ano iyong wish mo hubby?!. Hehehe,

"You want to know?" Biglang tanong niya.

" Ahh kung pwede sana". Nakayuko kong sabi.

Nilapag niya ang phone niya sa table at mariin akong tiningnan. Ramdam ko iyon.

"My wish is.......mawala kana". Saad niya at umakyat papuntang kwarto.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko at paninikip ng dibdib ko.
Kailangan ko na bang tuparin ang nais mo Drake? Panahon naba?
Pero sinabi kong hindi Kita iiwan ganun kita kamahal Drake.

Patuloy ako sa pagluha at pagpapakalma ng sarali ng biglang umilaw ang cellphone ni Drake. Naiwan niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na kunin Ito at sagutin ang tumatawag. Si Joy.

"Hello, honey! Kyaaaahhhh it's positive!! We have our first baby na!!" Parang natuod ako sa kinatatayuan ko. B-baby magkakaanak naba sila?

"I'm soooooooo excited honey!!". Dugtong niya.

Mas nanikip ang dibdib ko nakarinig ako ng mga yabag pero naukupado ang isip dahil sa nasaksihan. Walang tigil na umaagos ang luha ko. Napaupo ako sa sahig. Ang sakit sobrang sakit.

"Anong pakulo na Naman yan...may pa upo upo kapa sa sahig tsk tanga!" Nahihirapan akong huminga.

"D-rake-". Bigkas ko sa pangalan niya.

Lumapit sya sa pweste ko at inangat ang mukha ko. Alam kong namumutla ako ngayon.

Nalipat Ang tingin niya sa braso ko. "What the fuck is this?!". Siguro ay umiilaw na ang peace maker ko.

Nakakapusan ako ng hininga.Im tired. Tumingin sya sa akin and for the first time. Nakita ko ang pangamba sa mga Mata niya.

"W-what is happening to you Claire?!" Nauutal niyang sabi habang nakahawak sa pisnge ko.

My heart can't take it anymore, it's already tired.

Inangat ko ang kamay ko. "I-i love y-you d-drake.....I-i command m-my promise n-nung b-bata p-pa Tayo". Nakangiti kong banggit sa kanya. Sya ang kababatang nangako at sinabing kami ang ikakasal para sa isat-isa. " And t-that is to m-marry you, and now....... For the second time drake......"

"Y-you're wish is my command!".


At tuluyan na akong hinila ng kadiliman. Pero bago nangyari ang lahat ay nakita ko ang mga luhang tumulo sa mga mata niya

LM

A/N:Sorry for grammatical errors. If you're reading this now. Then super thank you!

Unwanted BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon