CHAPTER 19

5.1K 85 1
                                    

DUMATING ang araw ng byernes at naging abala ako pag aayos sa sarili ko. Ngayon yung meeting namin nung boss ng Clake Company, i need to be presentable lalo na at mukhang matalino at bigating tao ang makakaharap ko.

"Chase doon mo lang ako antayin sa lobby mamaya ah!" Sigaw ko kay Chase na nasa kusina at Kumakain ng tanghalian, 2pm yung lakad namin at 12 pm palang naman ngayon.

Ginugol ko ang buong araw ko bago mag byernes sa paglibot sa buong bahay at hindi na ako magtataka kong halos ilang beses akong mamangha dahil sa ganda ng designs nito lalo na sa garden thoughts na mas maganda yung garden doon sa company.

Puro kulitan at tawanan Lang din ang nagawa namin ni Chase at pagluluto. I can say na nakapagpahinga talaga ako, tumawag din si Papa at kinamusta ang lagay ko dito and i just say that i'm okay.

"Why I can't go with you inside?" Rinig kong tanong nito.

Umiling naman ako habang nakaupo sa sala at kinakalikot ang cellphone ko.

"You can't Chase, it's a private talk muna ah.." saad ko nalang sa kanya.

"But i want to go inside!" Napailing nalang ako dahil sumigaw na siya.

"How many times do I have to tell you don't shout while you're eating." Matigas kong saad.

"Ohh i'm sorry, wait there, let me finish first," napailing nalang ulit ako sa kanya.

Ilang minuto lang ay naramdaman kong nasa tabi ko na siya, nauna kasi akong kumain kasi may pinuntahan siya kanina, di ko alam kung saan.

"Just call me when something bad happened, okay?" Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.

Pinipilit niya talaga na masama ang pakiramdam niya doon sa company na yun. Samatalang kahapon nga ay todo hingi ako ng tawad sa pagpitas niya ng bulaklak sa garden ng company dahil nakita nung secretary sa tenga ko kahit okay lang naman daw.

***

Napatingala ulit ako sa mataas at matayog na building ng kompanya hindi ata ako masasanay sa taas nito. Nandito na kami ngayon for the meeting napaaga lang siguro akon ng ilang minuto.

I'm just wearing a simple jeans and t-shirt na white na nakatuck in sa jeans ko with Nike na shoes. Simple lang kasi hindi naman bongga talaga yung gagawin ko ngayon, excited pa nga ako eh. Medyo?

"Are you really sure na hindi moko isasama?" Bahagya naman akong napatawa kay Chase dahil kanina niya pa iyan tinatanong.

"Yup, dun kalang sa lobby, just wait for me." Wala naman siyang nagawa kundi tumango nalang.

Naka cap ulit ako para hindi ako makilala, Chase is just wearing his normal outfit, Maong pants and V-neck shirt na Black. He looks Handsome and hot on that.

Ng makita ko ang secretary sa lobby ay agad ko itong kinawayan kaya napunta sa amin ang tingin niya mabilis naman itong lumapit sa pwesto ko.

May ibang employees na nakatingin sakin pero umaalis din naman, pero karamihan ay Kay Chase talaga nakatingin. Tsk.

"Glad your here Ma'am, Good afternoon." Masiglang bati nito, halatang kami ang Inaabangan sa lobby..

Bumati nalang ako pabalik at sinenyasahan si Chase na umupo sa couch na nasa lobby at hintayin nalang ako. Marahan naman siyang tumango kaya nagsimula na akong maglakad nung igaya na ako ng secretary sa isang Private Elevator.

Ng makapasok kami sa elevator ay napasulyap pa ako kay Chase na nasa akin pa din ang tingin. I just smiled at him and mouthed "behave" kaya napangiting napatango naman siya. Sigurado kasing susunod yan dito kapag hindi talaga binilanan ng paulit ulit.

Ng masarado ang elevator ay pinindot nito ang 56th floor. Ang taas naman ata kung andoon yung office nung boss niya.

"Is your boss already here Miss?" Hindi ko pa pala alam pangalan niya.

"I'm Analyn Ma'am," pagpapakilala naman nito. "And yes, he's already here po, he arrived this morning." Dugtong naman nito.

"Oh and i bet you already know me, right?" Nakangiting saad ko sa kanya. Mabilis naman siyang tumango at sumagot ng "yes".

Naging tahimik kami at sa loob ng ilang minutong paghihintay ay tumunog na din ang ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami.

Ng bumukas ang elevator at humakbang ako palabas ay bigla akong nakaramdam ng lamig at kaba. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa maliit na shoulder bag na dala ko.

"This way po Ma'am." Pag aaya sa akin ni Analyn.

Napalunok naman ako at tumango. Why am i feeling so nervous at the same time?


"Are you okay Ma'am?" Balisa akong napatango kay Analyn.

Ngumiti naman siya tila napansin niya na tensyunado ako. "Don't worry Ma'am he don't bite." Saad niya at mahinang tumawa.

Sa mahabang hallway sa pinakadulo ay may nag iisang room doon base na din sa pintuan na nakita ko, doon niya ako pinasunod at ng nasa tapat na kami ng pinto ay naramdaman ko na naman ang tila panlalamig ng sistema ko.

Bago kami pumasok ay kumatok muna siya. Talaga bang hindi nangangagat yung boss nila?

Kinilabit ko si Analyn. Nakangiti naman siyang humarap sakin. "Is your boss is a gay?" Pantiskula kong tanong na ikinaawang ng bibig niya at sunod sunod siyang umiling magsasalita na sana siya ng makarinig kami ng isang buo at baritonong boses at the same time familiar.

"Come in." Napalunok ako, why does his voice is so familiar to my ears?

"Pasok na po Ma'am." Nabuksan niya na pala ang pinto Analyn was smiling at me and it's creeping me out. Tuluyan na akong humakbang papasok nilingon ko pa si Analyn kung papasok din ba sya pero nagmamadali na siyang umalis.

Napailing nalang ako, bakit ako nakakaramdam ng ganito at the same time naman sanay na ako sa ganitong pangyayari, bago ako mag endorse ng product ng isang company ay kailangan ko munang makausap yung boss. Napailing ulit ako dahil naalala ko yung isang boss ng company sa Spain na nagkagusto sakin..

Humarap na ako pero hindi ko maiwasang iikot ang Mata ko sa loob ng opisina niya. Black and White ang theme may isang sala sa gilid ko at isang malaking book shelf na madaming libro, organized black and white din yung pattern ng sahig. Tiles.

Malamig din sa loob siguro may Aircon. Hanggang sa dumako ang mga mata ko sa pinakagitnang table ng silid malaki iyon at may nakalagay na mga papeles sa unahan nito ay may isang swivel chair na nakatalikod sa akin habang may nakaupo ditong isang Lalaki.

Bahagya kong pinilig ang ulo ko dahil prente itong nakaupo at nakatalikod sa gawi ko nakatingin siya sa open window dito sa office niya kung saan kitang kita ang buong lugar.

He's body built seems familiar to me too. Akala ko naman bakla siya dahil bulaklak ang negosyo niya.

Tumikhim ako para agawin ang atensyon niya at doon niya unti-unting inikot ang upuan niya paharap sa mesa niya at sa akin.

Kapit-kapit ang maliit na bag na dala ko, unang dumako ang mga mata ko sa kalahati ng katawan niya na hindi natatabunan ng mesa. Dumako ang mga mata ko sa itim na polo shirt na suot niya, tumaas ang tingin ko hanggang dibdib niya nakabukas ang tatlong butones ng pulo niya kaya bahagya kong nakita ang isang Rose Silver Necklace na nakalawit sa leeg niya na mas lalong nagpapatingkad sa maganda niyang dibdib. Matipuno siya halatang nag ggym.

Lumipat ang mga mata ko sa isang kamay niya na nasa labi niya naglulumikot, napalunok ako at iniwas doon ang tingin, hinanap ko ang isang kamay niya at nakita ko itong prenteng tumatapik tapik sa mesa ang mahahabang mga daliri niya. Tila nagslow ang utak ko sa tunog na nililikha niyon.

Napabalik lang ako sa bisyo ng bigla siyang tumikhim.

Agad agad akong napaayos at diretsong tumingin sa mukha niya na sana ay hindi ko nalang ginawa.

Biglang ngumiti ng nakakaluko ang mga labi niya.

"Hi, nice meeting you again." Tuluyan akong nanghina ng marinig siyang malumanay na magsalita at may bahid ng lungkot at pangungulila.



LM

Unwanted BrideWhere stories live. Discover now