•CHAPTER 4

8.1K 98 15
                                    

Dalawang linggo ang nakalipas mula ng dumating kami dito sa Spain.
Sasabihin kong hindi naging madali ang mga araw na lumipas. Gabi- gabi akong umiiyak habang naiisip ko sya. Pero para sa kaligtasan ko ay mas pinipilit kong umiwas sa kakaisip sa kanya, pero ang ending hinahabol ko ang hininga ko dahil sa mga hikbing kumakawala sa bibig ko.

Napabuntong hininga ako bago manalangin, pagkatapos ko ay agad akong nag-ayos ng sarili. Nasa isang Private Room ako ng hospital ngayon na pag-aari mismo ni Doc.

Radley Stenward pala ang buong pangalan ni Doc, sa tagal niyang nagtratrabaho sa akin bilang Private Doctor ay ngayon ko Lang nalaman ang buong pangalan niya. May pag-aari naman pala syang hospital dito sa Spain, pero bakit mas pinili niya pa ang magtrabaho at magstay sa Pilipinas?.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko, lumakad ako sa harap kung saan nakalagay ang salamin. Tiningnan ko ang mukha ko. Maga ang mga mata, halatang oras-oras umiiyak, payat at maputla. Hinawakan ko ang dibdib ko kung saan naka sentro ang puso ko.

Ngayon ang araw na ooperahan ako, hindi kami nahirapang maghanap ng donor dahil sa tulong ng mga kaibigan ni Doc.

Heart transplant ang kailangan kung gawin dahil para maagapan pa. Kaunti nalang ang oras at maaaring sa susunod na aatakehin ako ay hindi na ako makakasurvive. Ramdam ko nga at madalas na naninikip at sumasakit ang puso ko na halos minu-minuto nalang.

Gusto ko mang mamatay nalang pero ayukong iwan si Papa at hindi ako handang hindi sya muling makita.

Maya-maya Lang ay pumasok sa kwarto si Papa kasama si Doc at Butler Seian na tahimik lang sa likod.

" You're strong anak". Agad na sabi ni papa sa akin, bago ako niyakap. Pinapaalalang malakas ako at lumaban. Tinapik naman ako sa balikat ni Doc at agad niya akong inalalayan palabas.

Ng makarating kami sa operating room ay agad akong pinapasok sa loob pero bago ako makapasok ay sinigurado kong hindi umiiyak si Papa. Kilala ko si papa, kung ano ano na yung mga pumapasok sa isip nun panigurado. Ng maiayos ako ay namuo ang kabang naramdaman ko.

What if pag gising ko hindi na sya ang Mahal ko at paano kung hindi na sya maalala ng bagong puso ko?.

Napatingin ako kay Doc, nginitian niya ako, sinisiguradong maayos Lang ang lahat. Ipinikit ko ang Mata ko matapos kung maramdaman ang tumusok na bagay sa braso ko na gawa ng kasamahan ni Doc.

Unti-unting lumabo at mandilim ang mga mata ko.


* Doc Radley POV *

Nawalan na ng malay si Claire. Naaawa ako sa kalagayan niya lalo na sa mga pinanggagawa sa kanya ng Asawa niya.

Sinenyasahan ko si Almiea ang isang kasamahan ko para ayusin na ang lahat. May ilang minuto pa bago ko sisimulan ang operasyon.

Lumabas ako sa Room at pumunta sa locker, kailangan kong kunin ang isang gamit ko na naiwan ko doon. Wala na din sa Labas ang Papa ni Claire pati na din yung....bulter.

Ipinilig ko ang ulo ko dahil naisip ko naman ang taong yun. Tsk.

Mas gwapo pa naman ako dun, kaya nga madaming nagkakandarapa sakin eh kahit pa nasa Pinas ako.

Papalapit na ako sa locker ng mapansin kung parang may nakasunod sa akin. Hindi ko nalang din pinansin dahil Wala din naman akong pakealam.

Agad kung binuksan ang locker ko ng matapat ako dito. Hindi ako naglalagay ng gamit ko na iba sa Office ko, hindi ko din alam Kung bakit.

Isasarado ko na sana ang locker ko ng biglang may sumarado agad nito, at ipinaharap ako sa kanya sabay ng pagsandal sa akin sa locker.

Pag-angat ko ng tingin dito ay ang seryusong mukha niya ang bumungad sa akin. Inilagay niya pa ang dalawang kamay niya sa gilid ko. Kinokorner ako.

Napalunok ako dahil doon.

Seian.

Hindi ko ipinahalata ang kaba na nararamdaman ko. Sinubukan ko syang itulak pero walang epekto sa lakas na meron sya. Tiningnan ko ang paligid pero kaming dalawa lang talaga ang nandito. Nilipat ko ang tingin sa kanya at masama siyang tiningnan.

"Kelangan mo?!" Matapang kong saad.

Matagal pa syang nakatitig sakin bago sumagot.

"Make sure to success the operation...she need to survive". Madiin niyang sabi sa akin.

Wala atang tiwala sakin tong Gago na to ah.

"Makakaasa ka!. Talagang gagawin ko ang lahat makaligtas lang sya".  Saad ko at itinulak sya ng buong pwersa. Oo, buong pwersa talaga dahil kahit lalaki ako, walang tama yung lakas ko sa kanya.

Mabuti naman at natanggal ako sa pagkakakorner niya. Tiningnan ko ulit sya.

"Don't mind and think about me or about what I did..just focus on her operation". Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

Wala syang kwenta para isipin ko. Tsk. Tumango nalang ako at inayos ang coat ko.

"Tsk!. I'm professional. Mauuna na ako!". Madiin kong saad sa kanya. Pero bago pa man ako makatalikod sa kanya ay hinila na naman niya ako paharap sa kanya at nanlaki nalang ang mata ko ng.......


Hinalikan niya ako. Tangina.


Naramdaman ko ang dila niyang pilit pinapasok ang bibig ko. Hinila niya pa ako kaya napasinghap ako dahilan upang mapasok niya ang dila niya sa bibig ko. Nanatili akong tulala.

"Mmmm". Munting ungol na lumabas mismo sa bibig niya.

Mula doon ay natauhan ako at agad syang tinulak.

Pinahidan ko ang bibig ko ng makawala ako sa kanya. "Ano ba?!. Putangina mo Naman pre!!". Galit kong saad sa kanya ngunit ngumiti lang sya ng nakakaloko.

"Bakla kaba?!". Bigla ko nalang naitanong dahilan para mawala ang ngiti sa labi niya.

"Im not. Cause it's you!". Mariin niyang saad. Aba, Gago niya pala ako pa ang bakla eh kung patayin ko kaya sya.

Mariin kong pinunasan ang bibig ko na ikinadilim at ikinadiin ng titig niya sa akin.


"GAGO KA! KUNG GUSTO MO MANGHALIK WAG SAKIN! TARANTADO, MAG ONEPEPTY KA DUN SA KANTO, ULOL!" Malakas kong sabi sa mukha niya. Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa sya dahil may kailangan pa akong gawin, bwisit sya.
Agad agad akong tumalikod at umalis kahit ramdam ko ang mga pamatay na titig niya sakin. Napailing ako, tsk hindi ko aakalaing pati lalaki ay mabibihag sa kagwapuhan ko.

LM

Unwanted BrideWhere stories live. Discover now