CHAPTER 41

115 6 2
                                    

Tulad nga ng sinabi ko kahapon tatakas ako kaya naman eto nako nag ni-ninja moves gusto ko sanang dumaan sa bintana kaso maliit lang siya di naman ako kakasya

Wala naman si Matthew at Nathan for sure may mga trabaho yung mga yun

Nakabihis na ako lumabas ako ng kwarto ko na parang walang nangyare sasakay na sana ako ng elevator ng bigla itong bumukas agad nakita ko agad si Nathan walang Matthew!

Lumabas si Nathan tsaka hinawakan yung wrist ko

"Where do you think your going?"

"Home. Tsaka who you? Are we friends?"

"Magbabayad muna tayo bago ka umalis"

Kaya naman nagpatianod ako sa kanya ang fc ng isang to akala mo kung sino =______=

Nang kunin niya yung credit card niya tinanggal ko yung kamay niya tsaka nagsimulang tumakbo

"Margarette!"

Huh! Anong akala niya basta ko nalang makakalimutan yung mga nangyare? Di porket three years akong walang maalala eh ganon ganon nalang yun aba!

Nang makalabas ako ng hospital agad akong pumara ng taxi

Nakita ko pa si Nathan mula sa side mirror ng driver

Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko

Sir Nathan Calling

Asa! Di ko sasagutin ang tawag niya naiinis parin ako sa kanya sana pala talaga di nalang sinabi ni Matthew

Nakakailang tawag din siya may iilang text narin tinago ko muna yung cellphone ko masyado siyang storbo

Hanggang sa marating ko ang subdivison namin naglakad ako papasok nagtaka ako ng may mga sasakyan sa bahay namin

Nakarating na kaya sina Mommy at Daddy?

Nang nasa tapat na ako ng gate namin sumalubong sa akin ang isang babae

"Celine iha! Buti naman naman at nandito ka na"

Hindi sina Mommy kundi ang  Mommy at Daddy ni Nathan Bakit naman sila nandito?
>_______________

"Naaalala mo na ba kami?"

Ang bilis kumalat ng balita! Hurray! =______=

"O-opo"

"Nako buti naman anak tinawagan kasi kami ni Nathan akala naman kung na pano ka na"

"Ayos lang po ako Tita"

"Kumain ka na ba?"

Tanong nung daddy ni Nathan tsk! Awk-ward.

"Hindi pa po"

"Oh Nathan! Buti naman nanjan ka na samahan mo muna si Celine kumain sa labas hindi pa kasi siya kumakain"

Badtrip! Bakit siya pa?! Di ba nila alam na Professor ko ang mokong na to?!!!

"Wag na po dito napo ako kakain kasi po baka maabala ko pa si Sir may pasok pa siya eh"

"May pasok karin eh"

Ugh! Wala akong pasok pag ikaw yung Professor! Nababadtrip ako sa mukha mo!
>___________

"Mag ready ka na Margarette may pasok ka pa aalis na kami ah? Ingat kayo"

"Sige po Tita, Tito bye po"

Nag beso muna yung Mommy ni Nathan tumango lang yung Daddy niya sakin

Nang makaalis sila hinarap ko agad si Nathan

"Ikaw din makakaalis ka na"

Tumango tango siya tsaka ngumiti yung ngiting totoo talaga walang halong lungkot ganyan ba talaga siya kasaya?

"Okay basta pumasok ka ah?"

Ngumiwi ako sa sinabi niya asa naman hindi ako papasok no =_______=

"Celine?"

Orz Margarette ako eh! >____< di ko siya nilingon pero tumigil ako respeto ba

"Masaya akong nakabalik ka na sana maalala mo na lahat"

Hinarap ko siya maalala lahat? Pati yung naging fiance' ko siya? No thanks humarap ako at tinawag siya

"Sir"

Hinintay niya ang sasabihin ko medyo naninibago ako sa mga tingin ni Sir sakin bakit ganun?

"Kahit maalala ko man ang lahat mahirap na ibalik yung dati nakilala kita bilang Professor ko hanggang dun nalang yun kalimutan mo na si Celine dahil ako na si Margarette ngayon ang walang kwentang estudyante mo"

Matapos kong sabihin yun pumanhik nako sa taas eto na naman ang mga luha ko ang drama naman ng buhay ko

Umiling iling ako at pinahid ang mga luha ko

"Simula ngayon kalimutan mo ng may naalala ka"

Ngumiti ako ng mapait ang saklap ng mga pangyayari T_______T

-----------------------------------------------

My Professor and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon