"Margarette I'm Sorry"

Hindi ako umimik ito naman talaga yung gusto ko diba? Nangibabaw ang katahimikan pero pagkatapos ng ilang medyong pananahimik napagpasyahan ko ring magsalita

"Ano ba kasing nangyare three years ago?"

Gusto kong malaman ang lahat mula sa simula gusto kong malaman kung bakit niya sinira ang tiwala ko sa kanya

"Gusto ko sana kaso-"

"Margarette! Nathan!"

Napalingon kami sa kung sino yung tumawag samin

"Kuya Matthew"

Agad akong tumakbo para salubungin siya ng yakap tumayo nadin si Nathan

"Namiss mo ba ako?"

Na aw-awkward ako kaya naman kumalas din ako sa pagkakayakap ko sa kanya nakatingin si Matthew kay Nathan tas pabalik sakin pabalik balik yung tingin niya mukhang may iniisip siya kaya inunahan ko na

"H-hindi kami nagdedate kasi ano nasiraan kami"

Tinawanan niya ako tas ginulo ang buhok ko

"Ikaw naman wala naman akong sinasabi napaka defensive mo bunso tsaka ikaw naman Tol baka pagsamantalahan mo na naman tong kapatid ko ah?"

Tinignan ko si Nathan naka poker face lang siya tsk bakit nga ba nandito si Matthew?

"Matt? Bakit ka nandito? May moment kami ni Nathan alam mo ba yun? Sinira mo na"

Mula sa masayahing aura niya nagbago ito sa isang bored na hitsura
"Ano ba kasing ginagawa niyo rito? Kanina pa kita hinahanap, Nathan hihiramin ko muna ang Prinsesa mo may pag-uusapan lang kami"

Ngumiwi ako tumango lang si Nathan kay Matthew napaka importante ba ng pag uusapan namin? Hmm sana lang

Lumabas na kami ng Park sinundan ko siya sumakay kami ng sasakyan ni Matthew

"Matt?"

Lumingon siya sa akin tsaka binalik yung tingin niya sa daan

"Gusto ko kasing malaman yung love story ni Celine at Nathan"

"Bakit pa? Tapos na yun bunso tsaka naalala mo na lahat diba? Ano pang gusto mong malaman?"

"K-kasi gusto kong malaman kung bakit niya ginawa sakin yun"

Lumingon siya sakin tsaka nginitian niya ako

"Si Nathan lang makakasagot niyan bunso"

Ngumiwi lang ako nakakainis naman silang mag bff di ba uso sa kanila yung pag she-share ng secret? =_____=

"Ikakasal na ako"

Sinamaan ko siya ng tingin hanggang sa tumigil kami sa bahay niya

"Hoy Matthew! Anong ikakasal ka na?"

"Arranged Marriage"

Nag e-exist pa ba yun sa pamilyang ito? Edi wow lang ha teka? Pano na si Miss?

"Kuya? Pano na si Miss?"

Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa garden ng bahay niya

"Kuya?"

Nagsindi lang siya ng sigarilyo huhuhu Matthew kailan ka pa natuto ng ganyan? Ngumiwi nalang ako

"Hiwalay na kami"

Umupo ako sa upuan na nasa garden niya nakatayo lang si Matthew hiwalay na sila? Bakit di ko alam yun? Orz >_____<

"Kuya Matthew"

"Gusto kong bumawi sayo gusto kong magpaka kuya sayo naiinis ako sa mga umampon satin kinamumuhian ko sila akala ko kahit wala na ako sa puder nila laya na ako nakakagago bunso siya nga pala alam na nilang may naaalala ka na bunso"

Nakinig lang ako sa mga hugot niya umiling iling ako sa thought na parang binebenta lang kami ng mga umampon sa min kumbaga pambayad utang kamo gusto kong magalit sa kanila pero malaki ang utang na loob ko sa kanila

"Kaya ikaw mag-aral ka ng mabuti ah? Gusto kong makatapos ka"

Nagkamot ako ng ulo huhubells pano ba yan? Eh mukhang babagsak na nga ako eh T_______T

"Matt? I mean Kuya p-pano si Miss? Tsaka diba? Sabi mo nga sakin nun ako yung first love mo nakakainis ka Matt"

Tumawa lang siya tas umiling iling sa sinabi ko

"Kahit magka-asawa man ako ng di ko kilala ikaw parin yung first love ko malakas ka kaya sakin"

No way! Dapat si Miss lang yung ikakasal kay Kuya Nathan orz gagawa ako ng paraan pero~ pano ko gagawin yun? T______T

"Bukas na bukas uuwi sila pag-uusapan natin ang tungkol dito"

"Bukas? Akala ko matagal pa?"

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kumuha na naman siya ng sigarilyo kaya naman tumayo nako para agawin yun sa kanya

"Wala pa akong planong mawalan ng Kuya itigil mo na paninigarilyo mo!"

Tinapakan ko yung sigarilyo niya tsk! Alam kong depressed na siya sa panahong to alam kong wala na siyang magagawa

"Naiinis ako wala akong magawa! Pati yung taong mahal ko nadadamay"

Mahal na mahal niya talaga si Miss gagawa at gagawa ako ng paraan para hindi siya matali sa iba

"Matulog na tayo Kuya Matthew pag-usapan natin to bukas Goodnight Kuya"

Tumayo ako tsaka hinug ko muna siya ayokong makita siyang ganyan nagpaka Kuya naman siya sakin kahit yung mga panahong wala akong maalala gagawa ako ng paraan ayokong nakikita siyang ganyan bago ako tuluyang maka alis ng bahay niya tinawag ko siya

"Kuya Matthew kita kits bukas wag kang gagawa ng kung ano ah?"

Di ako nakarinig ng sagot mula sa kanya lumabas aki ng bahay agad ko namang nakasalubong si Sir Nathan tumigil ako sa paglalakad

"Margarette? Nakapag usap na ba kayo?"

"Opo Sir pakibantayan nalang po muna yung kapatid ko ah?"

"I will"

"Okay Goodnight Sir thank you sa pagsundo sakin tsaka sorry kung naabala pa kita"

"Wala yun"

"Bye Sir"

Nginitian ko siya tsaka nag wave sa kanya ewan ko ba feel ko lang gawin to >____

"B-bye"

Nauutal niyang sabi ay? Ba't ganun? Natatae siguro si Sir kaya si nauutal tsk! =______=

---------------------------------------------------------

My Professor and IBasahin ang storyang ito ng LIBRE!