Iniwan ko si Andrei ng makatulog na siya iniisip ko parin kung anong drama ni Nathan kanina isa pa yung Andrei na yun hurt daw dami alam

Naglalakad ako ngayon patungo sa Park ng school gusto ko munang mapag isa echos lang lagi nga pala akong mag isa

Naramdaman kong mag vibrate yung phone ko isa itong himala minsan lang may nagtetext sakin sana naman importante at hindi gm =________=

Kinuha ko ang phone ko at binuksan yung message

From: 0912*****

Ms. Fernando we need to talk. NOW.

Tinago ko ang cellphone ko. Alam na this. Nathan, pero bago ko siya puntahan magpapahangin muna ako sa park. =___________=

Nang makarating ako umupo ako sa bench tumingin tingin ako sa paligid forever alone na naman ako sanayan lang yan Marga sanay ka ng mag-isa lagi naman

Pinikit ko ang mga mata ko hindi ako iyakin pero ewan ko nagiging emotional ata ako simula nung isang araw my gad wala namang nangyare sa amin ni Nathan diba? Wala namang mabubuntis pag hinalikan lang diba? Gosh kaloka ano ba tong iniisip ko? Titigilan ko na talaga ang pagbabasa ng fanfictions T_________T

"Ms. Fernando"

>________< Tatayo na sana ako ayokong makita si Nathan waaaaaa!

"Please, mag usap tayo"

Binuksan ko ang dalawang mata ko at tinignan siya kunyare nakalimutan ko na yung nangyare kagabe at kanina tama chill ka lang Marga baka ano pa isipin niyan

"Sir nakakagulat ka naman nag mo-moment ako eh"

"Sorry"

Magsasalita na sana ako kaso nagsalita ulit siya

"Sorry na, lasing ako nakikita ko  siya sayo"

Ha? Ano daw? May dopple ganger ako?

"Sir? May dopple ganger po ba ako?"

Tinignan niya ako sa mata at ngumiti siya yung ngiting may halong tuwa at sakit

"Kamukhang kamukha mo siya pero sobrang layo ng ugali niyo mabait siya ikaw? mabait ka rin naman"

This is insulting. =_____= Alam kong "mabait" ako sobra.

"Eh wala na palang patutunguhan ang usapang to aalis nako"

Tumawa lang siya pero inirapan ko lang siya ewan ko ba gusto ng utak ko na umalis pero ayaw gumalaw ng mga paa ko my goodness! Nagiging higad na ba ako? >______<

"Siguro kung nagtino lang ako NOON di naman siya mawawala sakin gago ko kasi eh"

Nag mmk na si Sir ayoko ng mga gantong usapan geez kinikilabutan ako

"Oo nga Sir gago ka talaga buti alam mo"

Ngumiti ulit siya sakin yung ngiting may halong sakit at tuwa parin bakit ganon? Nasasaktan ako sa ngiti niya anong meron? Heart. Wag kang magpapadala sa kadramahan ni Nathan pakiusap. T_________T

"Kung alam mo lang"

Ano daw? Kung alam ko lang? Ang alin? Nauutot ba siya nako! Di pwede ano ba naman tong si Sir luh.

"Kung alam ko lang na ano Sir?"

"Kung alam mo lang na--"

Sasagot na sana siya pero may umepal

"Nathan!"

Napatingin kami sa pamilyar na boses.

Si Matthew.

Umiling iling siya habang naglalakad papalapit sakin kinuha niya yung wrist ko, tinignan niya si Nathan

"Pinagsabihan na kita Nathan umuwi na tayo Margarette"

Anong nangyayare? Luh oa ng dalawang to di ko sila gets pero habang lutang ako hinihila na pala ako ni Matthew tinignan ko si Nathan nakangiti siya sakin yung ngiting malungkot parin nasasaktan ako sa ngiti niya ano ba to? Ang gulo gulo T_________T

Kinalabit ko ang damit ni Matthew ng makarating kami sa parking lot

"Matt? Anong nangyayare?"

Pero di niya pinansin yung tanong ko T______T

"Oy Matt"

"Sumakay ka na"

At dahil medyo nakakatakot yung ka oa-han ni Matthew sumunod nalang ako

Tahimik lang kami sa byahe this is so unusual really parang hindi si Matthew yung katabi ko para siyang striktong tatay naiinis ako hindi ako sanay ng ganito siya
>______<

"Kuya Matt ayoko umuwi punta muna tayo ng amusement park please"

Pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin naka red light naman eh huhuhu T______T

"Matt walangya ka wag mo naman ako takutin ng ganito"

Hindi parin siya umiimik napangiwi ako tumingin nalang ako sa labas tsk medyo malapit na pala kami sa Subdivision

Hanggang sa makarating kami sa bahay tuloy tuloy siyang pumasok sa loob sumunod naman kami

"Maupo ka"

Umupo naman ako sa tapat niya mag ka face to face kami ni Matthew ngayon

"Matt naman ano ba kasi yun nakakainis na di ko kayo maintindihan"

Di parin siya umiimik kaya naman ako nalang mag ku-kwento nakakahiya naman sa kasama kong deaf and mute eh =_______=

"Alam mo Matt kanina ba't ganun? Nung makita kong malungkot si Nathan nasasaktan ako Matt tulungan mo ko crush ko na ba siya? Huhuhu di ko naman siya type eh"

Tumingin siya sakin at mukhang natatawa pero agad ding sumeryoso yung mukha niya =_____=

"Baliw"

"Hindi ako baliw Matt maloloka na ako! Matt naman eh sabi mo mag usap tayo, eh ako lang naman nagsasalita walangya ka naman eh"

"Wala ka ba talagang naaalala?"

"Ha? Yun na nga sinabi ko na sayo diba tas nung isang araw yung kaibigan mo bigla ba naman akong halikan tsk!"

"ANO?!"

"DI MO ALAM? DI NIYA SINABI?!!!"

Umiling iling si Matthew mukhang naiinis na siya

"May ginawa pa ba yung lokong yun sayo?"

"Ewan ko nga eh ang harsh nga nung pagkakahalik niya sakin yung parang bubuntisin niya na ako"

Nasabi ko na pero loko yung si Nathan di pala sinabi kay Matthew sana mag friendship over na sila di pala siya true friend >____<

"Gago talaga yun wala ka ba talagang naaalala?"

"Alam mo Matt sabi ni Nathan may kamukha daw ako di lang kami magkaugali nakakainis ayoko pa namang may kamukha ako"

"Margarette makinig ka sakin kahit ngayon lang"

Napangiwi ako sa sinabi tinignan ko siya habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin

"Kahit anong mangyari nandito lang ako para sayo bunso"

Binigyan niya ako ng assuring smile at hinalikan niya yung ulo ko bago siya tuluyang lumabas ng bahay mas lalo akong naguguluhan sa mga nangyayare tsk! >_______<

My Professor and IBasahin ang storyang ito ng LIBRE!