"Makikipaglandian ka nalang sa hallway pa"

"Makikipaglandian ka nalang sa hallway pa"

"Makikipaglandian ka nalang sa hallway pa"

"AHHHHHHHH!!! WALANGYA KA!!!  EH DI MAKIPAG LANDIAN KA RIN SA HALLWAY KUNG GUSTO MO!"

"Excuse me Ms. Fernando?"

Napa takip ako ng bunga-nga, eh pano ba naman kasi siya nga pala yung Prof. ngayon huhuhu kasalanan niya ang landi landi niya eh waaaaaaa! T____________T

"Ms. Fernando? Are you okay?"

"Haaay nako Sir matagal napong may sapak yang si Marga"

"I'm fine SIR cr lang po"

Lumabas nako ng classroom di ko alam kung anong nangyayari sakin nababaliw na ata ako kasalanan ng Nathan na yun ano bang problema niya?! Tsk Naglalakad ako patungong cr medyo malayo pa kasi yung lalakarin

"Aish. Nakakainis di ako makapag concentrate alam ko namang matagal nakong baliw pero--"

"Kailangan mo ba ng kausap Miss?"

"Oo sana kaso may klase pa ako"

"Ahhh talaga? Hinay hinay lang Miss muntik na kitang mapagkamalang baliw"

Susuntukin ko na sana ang walangyang nagsabi nun ng may biglang tumabi sakin na adonis

"Peace Miss"

Tsk yung lalaking kalandian ko lang pala kanina chos.

Inirapan ko siya wala ng rason para magpakita ako ng pagiging demure sa lalaking ito kahit gano pa siya ka pogi yoko na. Lol.

"Malditang bata HAHAHA ganyan gusto ko sa mga babae eh yung mga pa matapang effect"

"Walangya ka! wala akong panahon para maging laruan mo pogi mo nga ang panget naman ng ugali mo diyan ka na nga!"

"HAHAHA Ayos nga eh bagay tayo"

eww. Kahit ganito yung ugali ko hangad ko parin naman ang mabait na lalaki no. Teka? Ako nga ba 'to? HAHAHA nakakapanibago lol.

Binilisan ko ng lakad patungong cr pero sa totoo lang ayoko ng bumalik ng classroom malapit na matapos ang sem nato ilang beses rin akong napahiya kay Nathan tsk ano ba yan?

Normal lang yan Marga isa kang magandang nilalang ng mundong ito sabi ng konsensya ko. HAHAHA

After kong mag CR nagdadalawang isip na akong bumalik gusto ko ng maglaho sa mundong ito huhuhu.

Wag muna, may Intrams pa sasali pa ako ng KPOP Dance Battle. Chos.

"Kaya ko to ilang beses nakong napapahiya ngayon pa ba ako iiwas? Hahaha ang isang Margarette Fernando ay kailanmay hindi iiyak aja!"

After kong i cheer ang aking sarili nagpasiya akong bumalik sana naman tapos na siyang mag discuss T______________T

"Office. Later. Marami kang gagawin wala ka na namang quiz ngayong araw"

Napahinto ako sa paglalakad at tinignan ang may pamilyar na boses Eto namang si Sir magsasalita ng agad agad tsk. Lagi nalang nagpapa quiz. Pag ako talaga bumagsak nako! Ewan ko nalang mag pe-petition talaga ako laban sa kanya.

Pumasok nako sa loob ng classroom. Napaka boring ng walang kaibigan. Tsk. Forever loner talaga ako. Alam na this.

Rinig na rinig ko ang excitement sa mga boses ng mga ka klase ko

"Intrams na bukas Guys waaaa! Guest daw bukas si Dasuri Choi para sa opening ng Intrams waaaa!"

"Narinig ko ngang pupunta din si Rojean Delos Reyes kasama si Michelle ng JaMich eh"

"Ay astig! Ganda kaya ni Rojean waaaa!"

"Nga pala Girl kasali ako sa Larong throwback sali tayo oy! Kaw din Margarette sali ka!"

"Ayoko. Kayo nalang"

"Ang KJ talaga"

Sus. Panoorin ko nalang yung Rojean Delos Reyes na sinasabi nila Hayoung PH pa naman yun huhuhu Idol ko pa naman si Hayoung waaaa! Magkamukha nga din kami eh char joke lang HAHA

Napaka boring ng araw yung ibang Prof. di na kasi pumasok baka may preparation din sila para sa Intrams bukas lol

Masaya naman yung role ko tuwing Intrams Tiga Tawa, Tiga lait, Tiga Kanchaw ng bawat manlalaro lol

Sa susunod magtatayo nako ng ENCOURAGEMENT TEAM CLUB.

Around 4:30 pm tumungo nako sa office ni Sir gusto ko umuwi ng umaga at matulog na dahil kahit wala naman akong ginagawa pagod ako. Ewan ko ba ang sipag sipag ko lang sigurong mag isip tungkol sa mga problema ko kaya napapagod ako. HAHAHA CHOS.

"GoodAfternoon Everyone is Sir Nathan around?"

"Oh Margarette ikaw pala pasok ka nandon siya"

"Thanks Miss"

Agad akong pumunta sa direksyon na tinungo ni Miss masyadong busy ang lahat kahit si Sir huhu. Di niya nga napanpansin yung kagandahan ko eh. Sir Notice Me. Lol.

"Ms. Fernando magsimula ka ng maglinis para makauwi ka ng maaga"

"K. Di ba pupunta si Matthew?"

"Hindi. May date sila. Sabay ka na sakin"

"Ayoko mapahamak pako sayo eh"

Tumigil si Sir sa ginagawa niya tas tinignan niya ko sa mata napa gulp ako my goodness. This is so unusual. Kinakabahan ako sa titig niya huhuhu

"You don't trust me?"

Umiwas ako ng tingin. Kinakabahan talaga ako pinagpapawisan yung mga kamay ko HUHUHU WHAT'S WRONG WITH ME?!!!!! T________T

"Hahaha ano ka ba naman Sir maglilinis na nga pa ako oh"

Nagsimula nakong magligpit ng ibang kalat niya madungis talaga tong si Nathan tsk

"I'll take that as a NO then"

Sinulyapan ko siya saglit, nagsusulat na siya ulit buti naman.
Bumuntong hininga siya ng mahina pero dinig ko ano ba problema ng lalaking 'to? Seriously? Change topic nga orz.

"Ha? Ah Sir wala ka bang kasabay mamaya?"

Atmosphere mag lighten ka please T_________T

"Wala."


"Eh yung kausap mo po kanina?"

"Umuwi na, busy siya"

"Sayang ang pogi pa naman nun"

"Bakla yun"

"I don't care basta crush ko siya"

"K. Don't talk to me. Busy ako"

"K. Arte arte tsss"

"SHHHHH"

"K. ETO NA NGA OH TATAHIMIK NA PO!"

My Professor and IBasahin ang storyang ito ng LIBRE!