Nakarating kami sa isang malaking bahay mukhang abandon na siya pero may mga caretakers naman

"WE used to live here"

Napatingin ako sa sinabi ni Matthew We? Inemphasized pa talaga niya ang salitang WE

"Matt? Bakit WE?"

Humarap siya sakin tsaka ngumiti

"I'll tell you later Let's get inside"

Tinignan ko si Nathan sumunod siya kay Matthew medyo nag he-hesitate akong pumasok sa loob pero dahil ginusto ko to kaya sige

Sumunod ako kay Nathan inikot ko ang tingin ko sa buong bahay malaki siya, maganda pero halatang wala ng nakatira dahil natatatakpan na yung mga gamit ng puting tela mukhang nasa sala kami ng bahay

Tinanggal ni Matthew ang mga nakatakip na tela sa mga gamit nilapitan ko ang mga ito medyo nagulat ako ng makita ang isang family picture nandun si Mommy at Daddy kasama si Matthew at yung Celine may picture din kung saan magkasama si Nathan at Celine

Naramdaman kong lumapit silang dalawa sakin

"Siya si Celine kapatid ko, ang magiging asawa ni Nathan"

"Nasan siya?"

"Makinig ka muna bunso"

"K"

Inayos niya muna ang sarili niya bago magsalita ulit nag clear throat muna siya

"Maupo muna tayo mahaba habang usapan to"

Tsss daming advertise netong si Matthew eh umupo kami sa couch magkatabi kami ni Sir Nathan si Matthew naman nasa harapan namin

"Namatay sina Mama at Papa sa isang sunog kung saan sila nag ta-trabaho hindi ko alam kung saan huhugot ng lakas ng mga panahong yun ano ba namang magagawa ng isang batang 10 years old diba? 6 years old si Celine ng mga panahong yun, ang sariling kompanya mismo gumastos sa lahat ng mga namatayan hanggang sa mailibing sina Mama wala akong natanggap kahit piso mula sa kompanyang yun"

Umiling iling siya habang sinasabi yun tsk! ang harsh naman
=________=

"Sa totoo lang hindi ko alam kung saan pupunta nun wala akong mapakain sa kapatid ko hanggang sa matagpuan kami ng isang madre sa lansangan sumama agad kami sa kanya hindi nako nagdalawang isip pa wala rin naman akong choice mahal na mahal ko yung kapatid ko eh ayoko siyang mamatay sa gutom"

Ngumiti siya sakin nginitian ko rin si Matthew ewan ko ba feeling ko kasi ako yung sinasabihan niya T_____T

"Marami kaming natutunan sa ampunan tinuruan din nila kaming magsulat, magbasa lahat ng ginagawa ng isang normal na bata tinuruan nila kami hanggang sa dumating ang birthday ni Celine may mga gustong umampon sa kanya hindi ako pumayag dahil ayokong malayo ang kapatid ko sakin kaya napagpasyahan ng mag asawa na aampunin narin nila ako"

Nag pause muna siya kaya naman nagsalita nako na aatat nako malaman kung sino ba ang Celine na yan

"Matt? Pwede bang dun na sa climax?"

"Masyadong atat Margarette?"

Sagot ni Nathan inirapan ko siya

"Taray"

Grrrrr pigilan niyo ako masasapak ko na ang Nathan na to grrrr!

"Teka Matthew lalabas muna ako masasapak ko na talaga tong kaibigan mo!"

Hindi ko na sila hinintay na magsalita pa lumabas ako ng bahay at tumambay sa labas ng gate

"Celine?"

Tawag ng isang madre sa di kalayuan Celine? Sino? Luh tumingin ako sa likuran ko wala namang tao ah?

"Celine ikaw nga iha! Kamusta ka na? Nakabalik na pala kayo jan? Asan na yung kapatid mo? Si Matthew? nako! Kay gandang bata naman pagpalain ka ng Diyos ineng"

Tinawag niya akong Celine Margarette po ako Marga for short but never Celine NEVER

"Sorry po pero sino po ba kayo?"

Napasinghap siya sa sinabi ko tinignan ko siya ng may halong pagtataka

"Hindi pa ba bumabalik ang ala-ala mo iha?"

Ala-ala? Memory in english ala-ala in tagalog? Huh? Anong pinagsasabi ni Sister?

"P-po?"

"Matthew iho! Ikaw pala! ang laki mo na!"

Tumingin ako kay Matthew kinunotan ko siya ng noo naglakad siya papalapit samin ni Sister kasam niya yunh asungot niya

"Kamusta na po Sister Ana? Long time no see ang talas parin po ng memorya niyo"

"Nako! Sino ba namang makakalimot sa inyo ang bait na bata niyo kaya akala ko gumaling na yung kapatid mo?"

"Aahhhh kasi Sister mahabang estorya po"

"Ganon ba? Sige sana gumaling na si Celine muntik na akong ma who you sa kanya eh mauna nako mga anak pagpalain kayo ng Panginoon"

Umalis na yung Sister Anna tinignan ko si Matthew hinatak niya yung wrist ko papasok sa loob mahina lang naman ano ba drama ng lalaking to? =_____=

Nang makapasok kami sa loob ng bahay hindi niya parin bintawan yung wrist ko

"Bitawan mo ko Matthew sisipain kita eh"

"Hindi mo parin ba naaalala?"

"I don't think so, malalala na yang kapatid mo dude"

Ano na naman to? Daming kadramahan ng dalawang to! eh sa wala nga akong maalala i untog ko na ba ulo ko sa pader?

"Ikaw si Celine ikaw ang fiance' ni Nathan"

AKO SI CELINE?!!! ANO DAW?! FIANCE' NI NATHAN?!!!!! NOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!
>________________

Inalis ko yung kamay niya sa wrist ko umiling iling ako tsaka nginitian siya

"Wala akong panahon sa mga pagsisinungaling niyo uuwi nako pagod na ako, ang drama niyo"

Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng naramdaman kong bumigay na ang katawan ko geeez ito siguro ang epekto ng walang breakfast at lunch.dagdagan pa ang masaklap na katotohanan na ako daw si Celine geeeeeez huli kong narinig ang sabay na pagtawag ni Matthew at Nathan sa pangalan ko

"CELINE!!!!!/MARGARETTE!!!!!"

-----------------------------------------------

mamamatay na po si Marga T__________T

My Professor and IBasahin ang storyang ito ng LIBRE!