After class nandito nako sa office nag che-check ng papers galing sa ibang klase ni Sir tsk tsk pagkadating ko palang may note siya na iniwan ng mga dapat gawin ko pumasok narin naman siya sa ibang klase niya

Si Sir ata laging nahuhuling umalis dito di ko naman napansin si Ms. kanina maaga siguro siya umalis baka nakikipag date kay Matthew

Wala namang magandang nangyare simula nung first subject hanggang last subject namin

At dahil ang ganda ganda ko lagi akong pinagalitan ng mga Prof. ko ngayong araw ang galing lang ako na talaga sikat, center of attraction ako ngayong araw wow!

Porket gumamit ako ng pink na ballpen kesyo daw bawal yun tas pinicturan ko yung lectures sa board palibhasa kasi gurang na yung mga Prof. ko sa bawat subject ko ngayong araw kumbaga di sila makasabay sa uso =________=

Buti nalang at Saturday na bukas I'm so free bilang student assistant hahaha no Nathan for tomorrow

Pinaplano ko din na gumala sana with Matthew kaso baka may date sila ni Ms. sana naman peace na kami ngayon T__________T

Dapat mag sorry ako sa kanya ngayong gabi since wala siya sa sarili kahapon

Pinagpatuloy ko lang yung mga ginagawa ko dumating naman si Sir at umupo sa table niya

"Goodevening po"

"Goodevening"

"Sir? Malapit ko na po matapos uuwi napo ako ah pag natapos ko na"

"Okay"

"Ms. Fernando?"

"Hmm?"

"Andrei he's asking for your number but I didn't give it baka magalit ka pa"

"Very good Sir! Di naman kami close nun tsaka ba't ba siya nanghihingi? Bibigyan niya ba ako ng load?"

"Hmm? Maybe"

"Sige kung magbibigay siya ayos lang sakin wala naman akong balak mag plan"

"Why? Mas tipid naman"

"Yeah but I'm still a student Sir ayoko umasa sa mga magulang ko"

"So your trying to be an Independent child?"

"Exactly. Uh? Sir I'm still confused sa relationship ni Matthew and Ms. Ni hindi niya nga pinakilala si Ms. sakin nung nasa simbahan tayo"

"Not my story to tell just ask Matthew"

"Eh kayo naman yung mag bff I'm sure alam mo lahat"

"Tapusin mo na yan para makauwi na medyo madilim na"

"Oo nga po eh pwede po bang sa bahay ko nalang e check yung iba?

"Okay"

"Yehey! Thank you Sir!!" ^________^

"No problem"

Kinuha ko na yung bag ko pinasok ko na yung mga e checheck ko di pako nakakalabas ng magsalita si Sir

"Nga pala baka gusto mong sumabay sa'min pupunta kasi si Matthew dito"

"Kung di ko pa nalamang Girlfriend niya si Ms. baka iniisip ko na ngayon na may relasyon kayo ni Matthew kaloka"

"Ganun talaga namin ka mahal ang isa't-isa"

"Ew nakakadiri pakinggan Sir"

"Ano? sasabay ka ba samin?"

"Hindi na baka ayaw akong makita ni Matthew tsk!"

My Professor and IBasahin ang storyang ito ng LIBRE!