Kinabukasan pumasok ako ng maaga sa school pero feel na feel ko yung ibang tingin ng mga etudyante sakin bakit ganun? Ngayon lang ba sila nakakita ng anghel na bumagsak dito sa lupa? Chos.

Nakasalubong ko si Andrei huminto siya ng magkatapat kami pero patuloy parin ako sa paglalakad anong meron?

"Goodluck Margarette hindi ko alam na pumapatol ka pala sa isang Professor"

Tumigil ako sa paglalakad ng marinig ko yung sinasabi niya, ako? pumatol sa Professor?!!

Umiling iling nalang ako at hindi siya pinansin pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa mapansin ko ang nagkukumpulang tao sa may bulletin board what is it this time?!

Nang makita ako ng mga estudyante nag give way sila para sa akin nakita ko rin si Andrei inismiran niya ako

"Nathan Sanchez Girlfriend -- Revealed!"

Halos mabato ako sa kinatatayuan ko lahat ng pictures namin kuha three years ago saan naman sila nakakuha neto?

Nagsimula ng mag bulong bulungan yung mga tao

"Kaya siguro hindi siya bumabagsak sa major subject niya no?"

"Oo nga eh grabeh siya no? Si Sir Nathan pa tsk!"

"Malandi! Impokrita!"

Huminga ako ng malalim palalampasin ko lahat ng 'to naglakad ako paalis dun ayokong gumawa ng eskandalo sira na nga pangalan ko diba? Sisirain ko pa tsaka wala na kami ni Nathan diba? Matagal ng di effective yung fixed marriage namin

Kaya ko to! Walang namamagitan sa amin ni Nathan kaya di ako magpapa apekto keep calm at hingang malalim lilipas din to kaya mo to Marga aja!

"Ms. Fernando? Okay ka lang?"

Nag angat ako ng tingin ng marinig ang boses ni Miss tumigil ako sa paglalakad binigyan niya ako ng worried look mukhang si Miss pa yung na s-stress mabilis talaga kumalat ang chismis

"Ayos lang po ako"

Binigyan ko siya ng assuring smile ayos lang ako

"Nabalitaan ko kasi na-"

Ayan na orz mabilis talaga kumalat yung balita tsk!

"Wala pong katotohanan yun Miss"

"Ms. Fernando wag kang magpapa apekto sa mga sasabihin nila ah? Sige mauna na ako"

"Sige po Bye~"

Nagmadali akong pumunta sa classroom baka late na ako artista pa naman ako sa section namin

Nang makapasok ako sa loob ng classroom nakatingin ang lahat sa akin hindi pa ako nakakaupo ng magsalita yung madalas kong kaaway tsk

"Nang dahil sayo nawalan kami ng poging Prof!"

"Nang dahil sayo nag resign na si Sir Nathan"

"Nang dahil sayo, Ikaw! Ikaw talaga ang dahilan!"

"Malandi ka Marga! Sobrang landi mo! Professor pa talaga!"

Malandi? Ako? Wala naman akong ginawa diba? Tsk! Napaka mapanghusga talaga ng mga tao wala naman silang alam

"Ano? Di ka makapagsalita no? Totoo naman kasi Landi pa more! Certified Higad!"

Umupo nalang ako at di sila pinansin naiinis ako grabeh naman sila kung makahusga

"Hoy malandi! Umalis ka na rito sa school ibalik mo si Sir Nathan!"

Yun ba talaga ang gusto nila? Fine! Para sa ikatatahimik ng lahat

My Professor and IBasahin ang storyang ito ng LIBRE!