Kasalukuyan akong nag che-check ng mga quizzes ng ibang section ni Sir medyo madami siya infareness wala talagang awa tong si Sir.

Ni hindi man lang ako binigyan ng snack grabe talaga ang lalaking to walang awa tsk tsk

"Tapos ka na ba?"

Inirapan ko siya hindi niya nakikita kung anong ginagawa ko?

"Margarette"

Napa Margarette na magpapakabait nako tsss

"Po?"

"Tama na yan uwi na tayo medyo late na"

HAHAHAHA may puso pala ang lalaking to huhuhu salamat naman Lord at may natitira pa palang kabaitan sa lalaking ito T_______T

Tumayo nako at inayos yung mga papers naka ayos narin si Sir

"Let's go"

Let's go let's go ka jan =_______=

Nauna akong lumabas sa kanya nag paalam narin ako sa iba pang Professors na nandun

At dahil wala akong planong makipag sabayan kay Sir nagsimula akong maglakad palabas ng University kahit medyo creepy na kasi wala na masyadong estudyante go lang ng go hindi ako takot sa multo dahil sila ang takot sakin
=______________=

"Sabay ka na"

Napalingon ako sa nagsalita. Si Sir lang pala naka kotse himala HAHAHA nakikiride lang siya kay Matthew eh

"Salamat nalang po"

OA talaga ako ayokong sumabay sa kanya tss binilisan ko yung lakad ko para makalabas nako

Sa aking paglalakad palabas safe naman akong nakalabas salamat naman

Tumingin tingin ako sa paligid wala ng nakasunod na kotse buti naman.

Tinungo ko na ang sakayan wala ng masyadong sumasakay napasulyap ako sa wrist watch ko 7:00 pm pa lang medyo maaga pa at dahil isa akong boring na tao uuwi nako

Habang nasa biyahe kami pauwi nasulyapan ng mga mata ko ang hindi ko inaasahan

Si Sir Nathan pumasok sa bar! Waaaaaaa! Buti nalang talaga di ako sumama sa kanya huhuhu pero medyo nalungkot ako ng makitang di siya nag iisa may kasama siyang babae at kasama niya rin yung Adonis kanina masaya silang nagtatawanan eh di sila na happy =_________=

Binaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon badtrip. Kala mo matinong Prof. may tinatago palang kabal-balan pwe

Tsss ba't ba ako na babadtrip?!!! Eh paki ko ba diba? Buhay niya yon saka di naman ako yung asawa niya para mabadtrip ako tsk weird. Sobrang weird.

Napa buntong hininga ako oo nga pala nakalimutan kong masama nga pala ugali ni Sir possible din sigurong member siya ng Mafia waaaaaaa! AYOKO NA! ano ba tong naiisip ko huhuhu di na talaga ako magbabasa ng mga fanfictions swear. T_______________T

"Ohhh may bababa ba rito?"

Natauhan ako ng magsalita yung driver inabot ko yung bayad ko tsaka bumaba

Sanayang lakad lang yan sana wala pa si Matthew may pagka chikadora pa naman tong bibig ko take note yung bibig ko hindi ako T________T
impossible namang di niya alam na gumigimik yung bff niya tss bff nga sila eh alam ni Matthew yan for sure baka nga kasama siya

Nang marating ko na yung bahay namin napangiti ako ng mapait forever loner na nga ako sa school dito parin sa bahay sinulyapan ko ang bahay ni Matthew wala ring tao

Nakakabinging katahimikan kung nakamamatay lang ang katahimikan siguro matagal nakong wala sa mundong ito =__________=

Pumasok nako sa loob ng bahay namin at dahil sanay akong mag isa nagluto ako ng ramen aanhin pa ang masasarap na pagkain kung ako lang rin ang kakain? T___________T

Pagkatapos kong kumain naglinis nako at nag prepare para matulog

Wala akong gagawin bukas sa school magsasaya ako ng mag isa sa Intrams wow.

Pero since nandun si Rojean yung kalook alike ko pupunta ako

Humiga nako sa kama ko habang pinagmamasdan ang mga bituin habang pinagmamasdan ang mga ito kinuha ko ang phone ko at nagpatugtog ng Lego House ni Ed Sheeran

Pinikit ko ang mga mata ko gusto kong mag emote kahit ngayong gabi lang

"I'm gonna pick up the pieces and build a lego house if things go wrong we can knock it down"

Yung feeling na broken hearted ka kahit wala ka namang lovelife? Aba matinde! =_________=

"My three words have to meanings there's one thing on my mind it's all for you~"

Nakakaloka talaga walanjo naman ba't ba ako nagkakaganito?!

"Margarette lumabas ka jan! Mag ushap tayow"

YUNG FEELING NA NAGMOMENT KA TAS MAY EPAL?!!!! SINO BA YANG UNGGOY NA YAN?!!!!!!

"MISH FERNANDO! LUMABASH KA JAN! *HUCK*"

YUCK!!!! SINO BA YANG IMPAKTONG YAN?!!!! GRRRR

Tumayo ako mula sa kama para tignan kung sino ang nagwawalang kapitbahay

HOLY MOLLY! SI NATHAN?! ANO BA PROBLEMA NG GOR NATO?!!!

"KUNG AYAW MONG BUMABA JAN PAPASOK AKO SA BAHAY NIYO ISA!"

WALANGYA NAMAN ISTORBO! ANO NAMANG PAG UUSAPAN NAMIN?!!! YUNG FALING GRADES KO?!!! DAYUM! PWEDE NAMANG BUKAS NA DIBA?!!! TSKKK!

"MARGARETTE! DALAWA!"

Para matapos na bababa nako istorbo naman neto tsk!

Lumabas ako ng gate at buong tapang na hinarap ang istorbo kong Professor

"Problema mo?!!!"

Imbes na sagutin niya ako hinalikan niya ako sa lips! >__________<

pinilit kong kumalas pero diniinan niya yung paghalik sakin

Walangya! Ang baboy ng Professor nato! Inipon ko ang buong lakas ko para sampalin siya ng malakas

"GAGO KA NATHAN! KUNG NAGHAHANAP KA NG MAGAGAWAN NG BATA BUSET WAG NAMAN AKO!"

Sinampal ko siya ulit bago pumasok ng bahay pero di pako nakakapasok nang dumating ang sasakyan ni Matthew

"Anyare?"

Tanong niya sa akin sinulyapan ko si Nathan na nakatayo lang at nakatingin sa kawalan

"Tanong mo jan sa gago mong kaibigan tss!"

Pumasok nako at diretsong umakyat sa taas di ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko agad ko itong pinahid

Nakakainis! nakakaimbyerna! walangyang Nathan! AHHHHHHHHHHH!!!! >_________________<

 

My Professor and IBasahin ang storyang ito ng LIBRE!