Umalis ako ng bahay ala una ng hapon pupunta ako ng school mag paparticipate ako sa Intrams kahit wala akong kasama ayos lang

Papasok nako ng University nang makita ko si Sir Nathan nakatingin siya sakin. Awkward. Haay ang ganda ko talaga =_______= inirapan ko lang siya di kami bati

Nang makapasok nako tinungo ko yung gym for sure nagsisimula na yung basketball wala naman akong interes sa sports pero gora lang

Umupo ako sa may bakanteng bleachers medyo maingay rin sa kabila ko may mga banners pang dala yung isang grupo ng kababaihan eh di wow!

"Go Andrei!!!"

"Andreiii shoot mo bhe!!! Waaaaa!"

"Andrei I Love You na!"

Tss akala ko naman kung sinong Andrei na yun palang estudyante ni Nathan sikat pala siya dito sa school?

Hinanap ng mga mata ko kung asan si Andrei pero malas ko lang at nakatingin pala sakin haaay ba't kasi ang ganda ko? Kumindat pa ang loko! Kadiri =________=

Nagsimula namang magtilian yung mga chics niya nakakakilabot

"Ahhhhh! Kininditan niya ako!!"

"Hahaha asumera neto! Ako kaya!"

"Mas asumera ka! Ako no!"

Napailing nalang ako tsk di naman gwapo si Andrei maitim nga siya eh pero malakas lang talaga yung charisma niya

Nang magsimula yung game palaging nakakapuntos si Andrei medyo nahanga ako sa galing niya eh siya na magaling pero ang itim niya parin kalurkey malayo yung kulay nila ni Sir Nathan masyado kasing maputi ang imbyernang lalaki na yun tsaka mas pogi talaga si Nathan mas matangkad din siya kay Andrei wala si Nathan na talaga ahhhhhh! Ba't ba siya nasali dito?!!!!! =_________=

Nabalik ako sa realidad ng makita kong natumba si Andrei halos maiyak na yung mga babaeng nasa gilid ko ang o.a lang nila

"Emergesh! Andrei babe! Waaaaaa!"

"Andrei kaya mo yan!! Fighting!"

"Pinagsasabi mo?! Madali pa namang ma injured yang si Andrei hindi niya kaya! Waaaaa! Labs! Kapit ka lang jan bababa nako!"

Tinignan ko si Andrei mukhang di nga siya ayos kasi ang panget ng expression ng mukha niya ngayon >_________<

Nagpatawag ng time out yung coach nila kaya naman tinulungan nila si Andrei agad namang may kumalabit sakin na lalaki naka jersey siya mukhang kasamahan ni Andrei >________<

"Walangya naman! Nanonood ako oh?!"

"Sumama ka sakin"

At dahil malakas si Kuya di ako nakapalag mahigpit yung kapit niya sakin pero nagulat ako ng dalhin niya ako sa gilid ng court medyo natatanaw ko na si Andrei anong gagawin ko dito?!

"Hoy taba! Bitawan mo ako!"

Pinipilit kong kumalas pero huhuhu nasa harapan nako ng mga ka teammates ni Andrei lahat sila nakatingin sakin

AWKWARD.

"Miss ikaw ba girlfriend ni Andrei?"

Sabi nung Professor ata to? Nasa 50's na ata teka-- What? Girlfriend?!

"Hindi po Sir di ko nga siya kilala"

"Ouch naman dineny ka tol"
Inirapan ko yung teammate ni Andrei na may sabi nun >_____<

"Jace nga pala nice to meet you"

Seriously?!!! Anong ginagawa ko rito?! >_____<

"Excuse me lang mga kuya ah? Aalis nako"

"Diyan ka lang Miss sasamahan mo si Andrei sa clinic dahil walang medics off duty sila"

Ano daw?!!!! Why me? Bakit ako?! walang Medics? Hayop yan! Nag medics pa sila wala naman silang silbi walanjo naman

"BAKIT AKO?! KAYA NIYA NA YAN! MALAKI NA SIYA DI NA SIYA BABY PARA I HELE NO!"

"Sobra ka naman Miss di ka ba naaawa kay Coach? May arthritis na yan oh tsaka request ng mokong na yan na ikaw daw maghatid sa kanya"

Tinignan ko si Andrei mukha ngang nasaktan siya tsk dapat di na siya sumali kung mahina siya =_____=

"Sige na Miss makaka alis na kayo"

Nakakainis. Sana pala di nalang ako nanood tsk =______=

Inalalayan ko si Andrei para makatayo nahagilap ng mga mata ko ang mga masasamang tingin ng mga fangirls ni Andrei naloko na kung kelan gusto ko ng peace tsk

Hindi ko na sila pinansin at nagkunwaring wala akong nakita lumabas kami ni Andrei sa malapit na door na inuupuan nila kanina

Nakalabas naman kaming payapa at walang umaaway sa akin

Agad kaming tumawid sa kabilang building nang marating namin tahimik lang kaming naglalakad papasok ng clinic

"Nurse na injured po siya"

Tinignan ko si Andrei inirapan niya lang ako inirapan ko din siya hindi lang siya yung marunong aba!

"Sige po aalis nako"

"Ay dapat may bantay yung pasyente"

"Ah kasi nurse may gagaw-"

"Hindi pwede sasamahan mo siya"

ANG OA LANG! MALAKI NA NGA SIYA EH! ANG OA NG SCHOOL NATO AGHHHH! >______<

Wala naman akong magagawa kaya nag stay ako inilalayan ko siya pahiga sa kama

Tsss pag nakatulog nato aalis nako

"Matulog ka na nga di naman tayo close bakit ako pa yung pinili mo? Ang oa mo lang eh"

"Ewan ko ba ikaw lang naman napansin ko sa bleachers dapat nga si Sir Nathan yun kaso pagkamalan pa akong bading mahirap na madami pa namang chix ang nagkakandarapa sa akin"

"EXACTLY! Madami kang Chix dapat sila nalang inabala mo lang ako"

"Children wag maingay"

Ayan na nasabat na yung Nurse tsk! Kainis! I'm stuck with a Devil =_____=

Teka ano daw? Sir Nathan?! Bigla ako nakaramdam ng kaba di ako alam kung bakit? HEART. Ang OA mo lang anong nangyayare sayo? Orz

"Nanood pala si Sir Nathan?"

"Oo naman best buddy ko yun eh"

"Oh"

"I don't know but he looks hurt"

"hurt?"

"Yeah kanina lalo na nung makita ka niya-- I mean us di niya nga ako tinapunan ng tingin nakatingin siya sayo all the time"

"Tss matulog ka na gusto ko ng umalis dito"

Umupo ako sa chair na katabi nung bed Natatawa ako seriously? Si Sir Nathan? Hurt? Bakit naman? Baka naman natatae lang siya kanina kaya ganun expression ng mukha niya hmmm ang oa lang ng Andrei nato =___________=

My Professor and IBasahin ang storyang ito ng LIBRE!