CHAPTER 37

94 4 1

Matthew's POV

Kinuha ko ang mga litratong tinapon ni Margarette kanina tinitigan ko ang mga pictures yung picture namin kuha to nung nagdadalaga si Margarette yung isa naman picture nila ni Nathan nung engagement party nila

"Alam niya na?"

Napatingin ako sa lalaking kadarating lang

"Hindi ko pa nasasabi san ka ba galing?"

Tsk bigla bigla kasing nawawala ang lalaking to siguro pinuntahan na naman niya yung kapatid ko lagot talaga siya pag nakita siya ng foster parents ni Margarette di talaga nag iisip tong si Nathan

"Sa kapatid mo"

Sabi na diba? Di talaga siya nag iisip tsk tsk

"Di ka talaga nag iisip pano pag nakita ka ng mga Reyes dun?"

Binalaan pa naman ng mga Reyes si Nathan noon tss

"Nakiusap sila sa mga magulang ko sa mga nakaraang buwan humingi sila ng tulong mukhang nalulugi na talaga sila"

Alam na this gagawin na naman nilang pambayad yung kapatid ko dahil sa lintik na companya nila tsk! Kung pwede ko lang makuha yung kapatid ko sa kanila matagal ko ng ginawa

"Oh anong plano?"

Walang gana kong tanong hindi naman sa ayaw kong pakasalan ni Margarette si Nathan masyado pa siyang bata gusto ko namang makapagtapos siya marami akong pangarap sa kanya, pangarap ng mga magulang namin

"Pag natapos ang sem nato balak nilang ipakilala nila kami pero kahit di pa nagsisimula yung getting to know each other namin magsisimula na yung merging"

"Itanan mo na kapatid ko tol napaka walang kwenta ng mga umampon samin tsk"

"Immature mo! kung pwede ko lang gawin yun, chill tol"

Umiling iling ako tsk! Kukunin talaga kita Margarette chill ka lang Kapatid =____________=

--------------------------------------

Marga's POV

"Kuya? Sila na ba yung parents natin?"

Tanong ng batang babae sa batang lalaki naka blur yung mukha nila

"Oo sila na"

Pangiting sagot ng batang lalaki sa kapatid niya

"Ayoko sa kanila Kuya! Uwi na tayo kay Mama at Papa tara na Kuya!"

Naiiyak na sabi ng batang babae hinihila niya yung kuya niya

"Kami na yung bagong parents niyo umuwi na tayo mga ANAK"

"Kuya! Waaaaa! Ayoko waaa!"

"Halika na Margarette"

Umiiyak na sumakay ng sasakyan ang batang babae tahimik lang yung batang lalaki

Nakarating sila sa bagong bahay nila malaki ito parang mansion humanga ang dalawang bata

Agad napalitan yung venue ay ganun? Asan na ba ako? Luh Napadpad lang naman ako sa isang Park infareness familiar yung Park

Nakaupo yung batang lalaki at batang babae sa bench ng Park nakatingin sila sa mga dumadaaan mapa bata, matanda, may ngipin o wala man, couple, naka solo flight, may family din

Nakatingin ang batang lalaki sa isang couple napangiwi ang batang babae

"Kuya! Pag may girlfriend ka na promise ako pa din yung first love mo ah?"

Tumawa yung batang lalaki sa sinabi ng kapatid niya

"Oo naman ikaw lang yung first love ko"

Agad napalitan yung venue hala! Ano ba nangyayare?

Nakatayo ako habang pinagmamasdan ang isang babae maputi siya, mahaba ang buhok mahinhin nakaupo ang babae sa tabi ng isang lalaki hanggang ngayon blur parin yung mga nakikita ko

"Sige na Celine magpakabait ka kay Nathan ah?"

CELINE.

NATHAN?!!!

"O-opo Mommy"

Mahinhin na sabi nung babae sumunod siya sa lalaki

"Ingat mga Anak!"

Unti unti kong nakita si Mommy, Daddy at si Matthew nakita ko namang si Nathan na ang nakaupo sa driver's seat nakangiti siya sa babae

Kung panaginip man ito gusto ko ng magising

Ilang sandali pa at nakita ko ang mukha ng babae

CELINE

GUSTO KO NG UMUWI ASAN BA KASI AKO?!!!

Nakangiti si Nathan sa kamukha ko

"Margaaaa!!!!!!"

"Margarette!!!!!"

"Bunso!!!!!! GISING!!!! "

"MARGARETTTTE!!!!!!!!!!"

Nagising akong naghahabol ng hininga agad akong niyakap ni Matthew

Niyakap ko siya pabalik hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya bakit ganun? Parang totoo lahat ng nangyari?

Kumalas si Matthew sa pagkakayakap sakin tinignan niya ako ng may pag aalala

"Binangungot ka bunso, kanina pa kita ginigising"

Di ako makapagsalita gusto kong malaman kung sino si Celine ilang minuto din kaming tahimik nang medyo maka recover ako, agad kong tinanong si Matthew

"Matt? Sino si Celine?"

Umiwas siya ng tingin ayaw niya talaga sabihin sakin tsk!

"Kasi Matt napaka storbo niya nasa panginip ko kasi siya kanina pag sabihan mo naman siya Matt"

Tumawa siya ng mahina bago ako sagutin

"Oh sige pagsasabihan ko siya bumababa ka na dun maghahapunan na tayo mahal na Prinsesa"

"HAPUNAN?!!!!!"

Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa kwarto ko 6pm na pala wow ha? Ang tagal ko pala nakatulog?

"Bumaba ka na pagkatapos mong magpalit nangangamoy ka na eh"

Sinamaan ko siya ng tingin tumawa lang siya bago lumabas ng kwarto ko =________=

Nang mag isa nalang ako agad kong napagtanto ba't nandun si Nathan? Ka ano ano sila nung Celine? Sino ka ba kasi Celine? Kung ayaw sabihin ni Matthew ako gagawa ng paraan
kikilalanin ko ang Celine na yan

--------------------------------------------
Sorry sa typos kekekeke T______T

-WTT

My Professor and IBasahin ang storyang ito ng LIBRE!