"Inatake ang daddy mo!"

Agad na nagpanic ang buong katawan ko! Yung plano kong magbakasyon ng Korea mauudlot na!!!

Inatake si Daddy!!! Kahit hindi naman siya ang tunay na tatay ko parang tatay parin ang turing ko sa kanya kahit harsh siya huhu mahal ko parin siya at sigurado akong ako ang dahilan kung bakit nangyare sa kanya yun T____T

Sana lang hindi ako sabunutan ni Mommy pag nakarating ako dun agad kong tinext si Matthew kung saang hospital sila at wala pang isang minuto ay nakapag reply agad siya

Agad ko namang sinabi sa driver ang hospital na tinext sakin ni Matthew

Sa totoo lang natatakot akong pumunta dun baka ginugoodtime lang nila ako para magkita kami ni Nathan eh di wow! Sana naman hindi TT o baka naman aktingan lang? Wow! tsk pero kinakabahan ako sana naman okay na si Daddy sa ngayon. Sana T__T

Narating ko ang hospital na dala dala ang bag na siya rin mismong dadalhin ko sa Sokor konti lang naman yung inempake ko kanina

Agad kong tinungo ang room kung saan naroon si Daddy pero nung nasa tapat nako ng pintuan parang gusto ko mag backout natatakot ako nakakapraning T___T

Hinawakan ko ang doorknob at laking gulat ko dahil nag iiyakan na yung mga nasa loob pero di ko sila kilala! Agad silang napatingin sakin kaya humingi ako ng paumanhin tsk!

Kinuha ko yung cellphone at tinignan kung anong room tsaka ko lang narealized na yung katabing room pala sa sobrang excited ko maling room na yung napasukan ko =_____=

Nasa tapat na ako ng pintuan sinigurado ko kung nakasulat ang pangalan ni Daddy at this is it! Ito na talaga! Huminga ako ng malalim at hinawakan ang doorknob pinihit ko ito at pumasok

Lahat sila nakatingin sakin nandito si Matthew at ang mga magulang ni Nathan pero wala siya buti nalang =___=

"Margarette!"

Nagulat ako sa pagsalubong sakin ni Mommy niyakap niya ako niyakap ko rin siya pabalik so ano to?

Nginitian ako ng mga magulang ni Nathan ganon din ako sa kanila kahit nagdadalawang isip akong ngitian sila. Awkward.

Nahagilap ng paningin ko si Daddy na natutulog nilapitan ko siya at hinalikan ang pisngi nito

"Sorry po Dad"

Napakagat ako sa labi para pigilan ang pag iyak ko ayokong nakikita nila akong umiiyak

Nagpaalam muna akong lalabas ako kaya iniwan ko muna ang mga gamit ko

Tinungo ko ang rooftop ng hospital napahinga ako ng malalim

Ang daming nangyare sa araw nato gusto ko ng matulog sinulyapan ko ang wristwatch ko alas 2 na pala ng madaling araw

Napatingin ako sa taong kakarating lang napa buntong hininga ako ano ba yan! Siya na naman! Pwede bang si Kuya Matthew nalang?!

"Sabi ko naman babalik ka eh"

Hindi ko siya sinagot naiinis parin ako sa kanya! Hindi ko alam kung bakit! Ayoko siyang makita pagkatapos nung mga nangyare huhu manloloko ka eh! Sinyota mo nga yung pinaka magandang Professor sa school! Huhuhu T_____T

"Uwi nako bye"

Nasabi ko nalang pero hinila niya na naman yung wrist ko!

"Ano ba! Bitaw nga! Masakit kaya!"

Hindi niya binitawan kaya ako na bumawi sa wrist ko

"Ano ba kasing problema mo? Hindi ko naman ina-null yung kasal natin kahit nagka amnesia ka eh ikaw parin naman hanggang ngayon hindi naman totoo yung samin ng Algebra Professor mo ano pa ba? May nagawa pa ba akong mali? Tsaka di naman kita pinahirapan nung pinag s.a kita"

Hindi niya ina-null? As in? Ewan ko pero nakaramdam ako ng saya pero may inis parin akong nararamdaman sa kanya tsaka ano daw? Ako parin hanggang ngayon? Teka kinikilig ako pero grrrr! Itatago ko muna >____< humarap siya sa 'kin pero di ko siya matignan

"Sorry kasi hindi ko nasabi sayo, sorry dahil antanga ko sorry dahil napaka duwag ko sorry dahil napaka iresponsable ko"

Nakita kong nagpapahid siya ng mata niya teka? Umiiyak siya?! Napa angat ako ng mukha baka nagpapanggap lang 'to! Tsk pero suminghot na siya! Ahhh baka sinisipon lang?

Nakatingin na siya sakin nakita kong namumula na yung mata niya kaya nag iwas nako ng tingin geee! Umiiyak nga siya Marga! Napakamanhid/tanga mo! T______T

"Sorry Margarette mapapatwad mo pa ba ako sa lahat ng nagawa ko?"

Hindi ko siya sinagot nagiging soft na yung puso ko T____T kaya imbes na sagutin ang tanong niya lumapit ako at hinagkan siya at bigla nalang lumabas sa bibig ko ang salitang

"Forgiven"

1 word. 8 letters. Sobrang laki ng impact sa puso ko.

Naramdaman ko naman yung paghagkan niya sakin pabalik napangiti ako sobrang sarap pala sa pakiramdam kapag pinapatawad mo ang isang tao yung pagpapatawad na walang halong ka plastikan, as in yung sincere

Biglang bumitaw sa yakap si Nathan at ang sunod niyang ginawa ay hinalikan niya ako sa lips ewan ko ba hindi ako makatanggi >_____<

Sa ilalim ng liwanag ng moon, we shared our first intimate kiss naramdaman ko yung pag-ibig niya ng nilaliman niya yung halik niya napatigil kami ng may biglang nagsalita

"Ehem! Ano yan?"

Agad kaming naghiwalay at tinignan kung sino yun si Matthew lang naman at yung mga magulang ni Nathan! >_____<
Napansin ko ring nandito sila Mommy at Daddy na naka wheelchair agad akong tumakbo patungo sa kanya

"Daddddyyyy!!!!"

Hinagkan ko siya at mangiyak ngiyak na humingi ng tawad

"S-sorry po Dad promise po mag-aaral nako ng mabuti! Susundin ko na lahat ng gusto mo! Sorry po magiging mabuti na po akong anak Promise! Wala pong halong char!"

Natawa naman si Daddy at pinunasan ang mga luha ko hinagkan niya ako kaya ganon rin ako sa kanya

"Sorry dahil pinilit ka naming ipakasal sa murang edad, patawad kung hindi kami naging mabuting magulang sa iyo"

Patuloy parin kaming naka hug humingi narin ako ng paumanhin sa mga magulang ni Nathan matapos ang madramang araw na ito bigla namang nagsalita si Matthew

"Pano ba yan? Tuloy ang Forever! Hahahahahahaha!"

Natawa kami sa sinabi ni Matthew lumapit naman si Nathan sakin at hinawakan ang kamay ko ngumiti siya sakin nginitian ko rin siya bigla siyang nagsalita na ikinatigil ng lahat

"Margarette Reese Fernando-Sanchez will you marry me again?"

Nginitian ko siya at sinabing

"Yes"

Grabeh mahal na mahal ko talaga ang Professor kong ito kahit binagsak niya ako sa programming subject ko huhuhu kakausapin ko pa siya mamaya tungkol diyan ayokong masira ang happy moment namin ngayon ^__________^

------------------------------------------

My Professor and IBasahin ang storyang ito ng LIBRE!