Kabanata 45

35 2 0
                                    

"Hija, I think mas bagay sa'yo 'yung mga sleeves na gown" untag ni Tita Karen habang naniningin kami ng gown ngayon na gagamitin sa kasal namin ni Caiden.


"Naku, balae! Mas bet ko ang mermaid style na wedding gown" untag naman ni Mama ngayon.


Nalilito ako kung ano ba ang susuotin ko. Pag pinili ko ang gusto ni Mama ay baka ma-offend naman si Tita Karen.


"May napili na po ako" untag ko sa kanilang dalawa para hindi na humantong pa sa pagtatalo sa aking susuotin.



Pinakita ko sa kanilang dalawa ang isang off the shoulder sweetheart wedding dress with floral patterns made with beads and sequins.


"Maganda, hija!" Tita Karen smiled at me sweetly.


"Nako! Paniguradong bagay 'yan sa'yo, hija!" untag ni Mama sa akin na tuwang-tuwa.


Hindi ko alam kung anong masasabi ni Tita Beverly sa gown, sayang dahil may trabaho pa siya ngayon. Ngunit masisiguro ko na maganda naman ang gown na ito.


"I-fit mo na muna, hija" untag ni Tita Karen ngayon.


"Oo nga anak, para malaman natin kung kasya ba sa'yo" untag naman ni Mama ngayon.


I just nodded to them.


Kung kaya't nagpunta na ako sa fitting area para sukatin ang aking wedding gown.


Tinulungan ako ng assistant ng store para maisuot ko ang wedding gown. Kasya naman siya kaya walang naging problema. Inayusan pa nila ako ng buhok at nilagyan ng veil.


My hair was in a low bun updo with a flower piece holding two tier soft mesh veil with rhinestones. At pagkatapos kong maayusan ay lumabas na ako ng fitting room.


At nang lalabas na ako ay saktong dating ni Lola Lordes. Kung kaya't nagulat silang tatlo nang makalabas na ako.


"Anak! Grabe ang ganda mo lalo!" puri ni Mama sa akin ngayon.


"You look gorgeous, hija!" untag ni Tita Karen na ngayon ay tuwang-tuwa.


Si Lola Lordes naman ay walang masabi sa akin kung kaya't nginitian ko nalang siya. Babalik na sana ako sa fitting area para magpalit ngunit nagsalita pa si Lola Lordes.


"Ang ganda mo, apo" untag ni Lola Lordes sa akin. At pagkatapos noon ay agad niya akong nilapitan.


Medyo nabingi pa ako dahil ngayon niya lang akong tinawag na apo.


"Napakaganda mo, apo" untag niya pa sa'kin nang yumakap siya sa akin.


"Thank you po, Lola" untag ko. Narinig ko siyang humikbi kung kaya't kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.


"Bakit po kayo naiyak?" tanong ko.


"Wala naalala ko lamang ang Lola mo. Kung andito siguro 'yun paniguradong matutuwa siya dahil may Almanzor at Cortez na naman ang nagkasundo na magpapakasal. At wala nang makakapagpigil noon ngayon" aniya sabay punas sa mga luhang lumandas sa mga mukha niya.


I smiled sweetly at her. Sobrang miss ko na si Lola ngunit alam ko namang masaya na siya sa kung asan 'man siya ngayon. Alam kong masya siya para sa amin ni Caiden dahil kaming dalawa pa rin ang nagkatuluyan sa huli. I'm glad that the both families are okay now.


After naming magyakapan ni Lola Lordes at nagbalik na ako sa may fitting area. Hindi naman siya nagtagal sa store dahil may aasikasuhin daw. Si Mama at Tita Karen lang ulit ang nandoon.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hanggang Kailan (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon