Kabanata 21

83 5 173
                                    

Lamig ng pang-gabing hangin ang siyang nanunuot sa aking balat. Nasa salas ako ng aming bahay ngayon at ramdam na ramdam ko ang lamig mula roon. Hindi ko matanggap na wala na si Lola. Wala na yung Lola ko. Wala na siya. Hindi na siya babalik pang muli. Hindi ko na siya mayayakap. Hindi ko na siya mahahalikan sa pisngi. Hindi na ako makakapagmano sa kaniya. Hindi ko na muli masisilayan ang mga ngiti sa kaniyang labi. Wala na ang lahat ng 'yun. Hindi ko na 'yun masisilayan pa dahil wala na siya.


Hindi na ako makaiyak. Hindi na ako makaiyak dahil wala na akong maiiyak pa. Ang sakit. Ang sakit-sakit nang pagkawala ni Lola. Ang sakit isipin na hindi na siya kailan pang babalik. Ang sakit-sakit dahil nakasanayan ko na siya palagi. Ngunit ngayon hindi na ako sanay ng wala siya. Hindi ako sanay na wala ang presensiya niya.


Wala na rin si Caiden. Hindi na rin siya babalik pa. Sa masasakit na salita na nabitawan ko sa kanya ay siguro hindi na siya kailan pa man babalik sa akin. Ngunit sana maisip niya na kaya ko ginawa 'yun ay para na rin sa amin. Para na rin sa ikakatahimik ng aming pamilya. Sana maisip niya na ginawa ko 'yun para sa lahat dahil ayaw ko ng may madamay pa sa gulong gusto nilang mangyari.


I mourned for Lola's death. Pagkatapos bayaran nina Tita Beverly at ni Lolo ang bills sa Hospital ay ang inasikaso nila ang pagbuburulan ni Lola.


Sa bahay namin siya binurol. At marami rin ang nagsipuntahan na mga kakilala niya. Sa pamamagitan noon ay nakita ko kung sino talaga ang mga nagmahal ng tunay kay Lola simula noong nabubuhay pa siya rito. At nang nalaman naman ng mga kaibigan ko ang nagyari ay agad nila akong pinuntahan.


"Haley" tawag ng dalawa kong kaibigan sa akin. Kitang-kita ko ang lungkot sa kanilang mga mata nang lapitan nila ako noong burol ni Lola.



Agad nila akong binalot nang yakap. At hindi ko na rin namalayan na pumatak na pala ang mga luha ko. Ang hapdi na ng mga mata ko, 'yun lamang ang tanging nararamdam ko ngunit ang marinig nila ang hikbi ko ay mas lalo lamang nila akong niyakap.


"S-shhh" pang-alo nilang dalawa sa akin.


"Magiging okay din ang lahat" pang-alo pa sa akin ni Elaine.


Hindi naman pumunta ang mga Almanzor sa bahay. Wala ni isang dumais sa kanila noong binurol si Lola. Kaya ipinagpasalamat ko 'yun dahil ayaw ko na ng gulo.


Mamimiss ko si Lola ng sobra. Mamimiss ko ang mga ngiti niya at tawa niya. Ngunit ng makita ko ang itsura niya ng iburol na ay tila hindi pa rin kumupas ang ganda niya kahit matanda na. Ngunit wala na akong maiyak nang makitang gano'n ang ayos niya. Ang sakit-sakit na ng mga mata ko, wala na siguro akong maiiyak pa. Ang sakit-sakit din ng dibdib ko tila hindi ko pa rin kaya ang nangyayaring ito sa akin.


Ilang araw din ng iburol si Lola sa amin. At pagkatapos noon ay akala ko hindi ako iiyak noong ililibing na siya ngunit nagkamali ako dahil meron pa pala. Doon na lahat bumuhos ang mga luha ko. Doon na nagsibuhusan ang lahat-lahat.


Nagsi-uwian din ang lahat ng mga anak ni Lola. Ngunit si Mama lamang ang wala roon. Si Mama lamang ang bukod tanging wala roon.


I was expecting that my cousins are there ngunit wala. Wala ni isa, siguro nalaman ang nangyari sa akin? Kaya siguro ayaw dalhin nina Tito at Tita ang kanilang mga anak dahil ayaw nilang madamay ang mga anak nila at makita pa ng mga Almanzor ang iba pang mga Cortez.


Iyak nang iyak ako sa tabi ni Tita Beverly at si Gab naman ay yakap-yakap si Lolo at si Cole naman ay nakayakap din kay Lolo. All of my Tito's and Tita's are crying too dahil hindi nila inexpect na ganito ang mangyayari kay Lola.


Hanggang Kailan (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon