Kabanata 14

122 7 203
                                    

"'Wag kang mag-alala, tinted naman 'tong kotse ko" si Caiden pagkatapos ng nangyari kanina.


Tumango na lamang ako sa kanya at pagkatapos noon ay pinagbuksan niya ako ng pinto sa may front seat. Pagkatapos niya akong pagbuksan ay inihatid niya ako sa amin.


"Caiden dito ka na maghapunan" si Lola, na sinalubong kami sa may pinto.


"Hindi na po La, may dinner po kase kami ng pamilya namin mamaya e" sagot ni Caiden kay Lola.


"Oh siya, sige" si Lola.


"Una na po ako La, hinatid ko lang naman po si Haley" si Caiden na nagpapaalam na kay Lola.


"Oh siya, ingat sa pagmamaneho ha" bilin ni Lola kay Caiden.


"Ingat" maikli kong sagot.


Tumango na lamang siya at umalis na. Pagkatapos ni Caiden na magpaalam ay nagpaalam naman ako kay Lola na aakyat na ako sa taas para magpalit ng pang-bahay.


My phone is beeping while I'm changing my clothes. Ano na naman kaya ang pinagkakaguluhan ng dalawa kong kaibigan?


I just open it, at nagwawala nga sila.


Mika:

Tangina ka Haley magkakasama lamang tayo kanina. Sinagot muna pala si Caiden!?


Elaine:

Walang'ya Haley! Tangina sanaoll nalang sa inyo. Ss madame.


Ako:

Ha!? Paano niyo naman nalaman?


Mika:

Tignan mo ang tweet ni fafa Caiden.


Elaine:

HAHAHAHHA madame uso magbisita ng Twitter.


Walang pasubali kong tinignan ang Twitter account ko. Pagkakita ko ay tadtad ang notification ko do'n.


@caidenalmanzor

This is the best day, I've never dream off. I will promise you that I won't leave you. You're my star that shines throughout my darkest night. Always keep shining my baby @haleycortez .


'Yan ang nakalagay sa tweet ni Caiden at may picture naming dalawa.


Pinagkaguluhan 'yun ng mga tao. I only read some few comments, at ang tinignan ko lamang na comments doon ay kay Gianna at Faye.


@giannacueto

Kayo na ba?! OMG! I cannot. @haleycortez itali muna yan ha, sa 'yo na 'yan kase sawa na kami sa pagmumukha ng mokong na 'yan.


@fayearellano

OMG! Totoo ba 'yan? Kayo na? OMG! Congrats to the both of you. @haleycortez nawa'y sana hindi ka nagpaloko sa sinasabi ng mokong na 'yan char.


At nakita ko pa ang comment din ni Arvin na siyang iniiyamot lamang si Caiden kanina.


@arvinlaguerte

Grabe tol! Ang speed mo talaga, parang kelan lang ahh. Congrats tol. @haleycortez bakit ka nagpaloko kay boss?


Syempree hindi nawala ang matino kong pinsan na nang-aasar din.


@gabdelacruz

Ayy wow! Congrats tol! Kaya sa 'yo ako e. Ang lakas mo naman at nabola mo ang pinsan ko. @haleycortez lagot ka kay Lola isusumbong kita, bawal ka pa raw magboyfriend ah.


Hanggang Kailan (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon