Kabanata 27

52 5 150
                                    

Dali-dali ko 'yung binuksan dahil baka kung anong meron na ang nangyayari kay Lolo. Ngunit pagbaba ko pa lamang ang naririnig ko na ay ang sigaw ni Lolo at ng kung sino ang nasa baba.


"Hindi! Hindi puwede! Hindi mo pwedeng kuhanin sa puder namin si Haley!" sigaw ni Lolo na rinig na rinig ko pababa pa lamang ako sa hagdan.


"Pero, Pa" sagot ng lalaki na hindi ko kilala.


"'Wag na 'wag mo kong matatawag na Papa" sigaw pa ni Lolo.


Pagkakababa ko ay nakita ko kung sino ang nasa baba. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa nakita. Si Papa ang nasa baba. Si Papa na ilang taon ng walang paramdam sa'kin. Ilang taon akong nangulila sa pagmamahal at kalinga sa kanya. I was longing for his love and care ngunit nawala ang paghahanap na 'yun ng dumating si Lolo sa buhay ko. Napunan ni Lolo ang nawalang pagmamahal sa'kin ni Papa. Even Caiden, filled me the love and care that Papa don't give to me.


Gusto kong magalit. Galit na galit ako sa kanya sa pag-iwan sa amin ni Mama. Ngunit bakit gano'n? Bakit sa tuwing gusto kong magalit ay tila naalala ko lamang ang sinabi sa'kin ni Lola na 'wag akong magtatanim ng galit dahil mga magulang ko sila. Laging sinasabi ni Lola sa'kin na kahit gaano pa kasama ang ginawa ko sa magulang ko magulang ko pa rin sila. Ngunit hindi ko na rin maiwasan na magtanim ng galit sa kanila dahil ang tagal tagal nilang hindi nagparamdam tapos may gana pa sila ngayong humarap sa'kin at kuhanin ako.


"Pa, nakikiusap po ako" si Papa.


Masasabi kong hindi naman tumanda si Papa. He was wairing a white longsleeves and a black slacks. I wondered why Mama left Papa ma-itsura naman si Papa. Siguro kaya hiniwalayan ni Mama si Papa dahil may babae ito. Siguro 'yun na nga ang dahilan kung bakit nagkahiwalay-hiwalay kami.


Nakakatakot. Nakakatakot dahil parang ayaw kong sumama sa kanya kung kukuhanin niya man ako. He left me and abandoned me years ago tapos ngayon pa niya talaga ako kukunin!?


"Wala kang karapatan na kuhanin sa Haley sa amin!" sigaw ni Lolo.


"Pa, may karapatan po ako kay Haley dahil anak ko pa rin po siya at Papa niya pa rin po ako" untag ni Papa na tila nagmamakaawa na kay Lolo.


"Matagal ka ng nawalan ng karapatan sa kanya Luis! Simula ng iwan mo ang anak ko at si Haley ay wala ka ng karapatan pa! Dahil sinira mo ang pamilya mo para lang sa ibang babae!" sigaw pa ni Lolo ngunit medyo natatakot na ako sa lagay ni Lolo dahil sigaw siya nang sigaw.


"Wala ng amor si Haley sa'yo! Matagal ng wala!" sigaw pa ni Lolo ngunit pagkatapos nang pasigaw niyang 'yun ay pinakalma muna at pinaupo siya ni Tita Beverly sa couch. Ngunit kita ko ang titig ni Papa sa akin kahit na tinutulangan ko rin na pakalmahin ni Tita Beverly si Lolo.


"Haley, anak" untag ni Papa.


Kung kaya't lumingon ako sa kanya at hinarap siya mula sa kinatatayuan niya. Punong-puno ng pagsisi ang nakita ko sa mga mata ni Papa. Ang kulay itim niyang mga mata ay tila nagsisi sa lahat ng mga ginawa niya noon ngunit huli na ang lahat kaya wala na dapat siyang pagsisihan pa. Ngunit napansin ko rin ang katikasan ng katawan ni Papa. Ang ganda ng hubog ng mukha niya siguro'y kaya nahulog din si Mama kay Papa ay sa ganda ng mga physical features niya.


"I'm sorry anak..." untag ni Papa na ngayon ay nakayuko na.


"Sorry anak kung ngayon lang ako nagparamdam sa'yo" untag niya pa ngunit nang makita ko na may tumulo na mga luha sa kanyang mga mata ay tila nadurog ako sa nakita ko.


He is the only man that I loved first but she failed to love me back because he left me and Mama. Siya ang unang lalaki na minahal ko ngunit siya rin ang unang umiwan sa'kin.


Hanggang Kailan (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon