Kabanata 43

41 1 0
                                    

"Haley! Nandito ka na pala!" tuwang-tuwang bungad sa akin ni Tita Karen.


"Nakakain ka na ba hija?" tanong ni Tita Karen sabay lapag sa lamesa nang mga dala niyang pagkain.


"Opo, Tita" untag ko sabay ngiti.


Inayos ni Tita Karen ang mga dala-dala niyang pagkain. Hanggang sa inalalayan niya si Caiden na pumunta roon.


"Ma, kaya ko na e" rinig kong untag ni Caiden kay Tita Karen.


"Sus! Nandiyan lang si Haley e" untag ni Tita Karen sabay tingin sa akin at ngiti. Kung kaya't napangiti na lamang ako.


"Hija, kumain ka kahit busog ka pa" alok sa akin ni Tita Karen kung kaya't pumunta na lamang ako roon kahit busog pa naman ako.


Kumain na lamang ako kasabay si Caiden. Ngunit kada subo ko ay nakatingin lang si Caiden sa akin. Parang hindi na siya nakain dahil nakatingin lang siya sa akin.


"Jusko! Caiden hindi naman aalis si Haley kung makatitig ka" untag ni Tita Karen sabay ngiti.


"Syempre naman Ma, hindi ko 'yan nakita nang ilang buwan e" untag ni Caiden sabay tingin ulit sa akin.


Napatawa na lamang si Tita Karen habang nakain.


Dumating si Lola Lordes kasama ang kanyang alalay. Agad namang niyakap nang mahigpit ni Lola Lordes si Caiden mula roon.


"Apo ko" rinig kong untag ni Lola Lordes kay Caiden.


Dumating din sina Gianna at Faye mula roon. At nang makita nang dalawa si Caiden aya agad nilang niyakap at pinaghahampas si Caiden.


"Teka lang!" sigaw ni Caiden nang pinaghahampas siya ni Gianna at Faye.


Tatawanan naman sa loob nang kwarto mula roon.


"Congrats, hija!" bati sa akin ni Lola Lordes. Agad naman niya akong niyakap kaya nagulat ako.


"Thank you po!" untag ko.


Maya-maya ay si Tita Karen naman ang pumunta sa akin. Nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap.


"Congrats hija! And thank you for taking care of Caiden!" untag ni Tita Karen.


"Thank you po, Tita! Naku! Wala po 'yung pag-aalaga kay Caiden" untag ko.


Pagkatapos nang yakapan namin ni Tita ay ngumiti lamang siya at nagpaalam na pupuntahan niya lamang si Gianna at Faye para kumustahin.


Maya-maya ay nilapitan ako ni Caiden. Umupo lamang kami sa couch doon. And after we seat he hold my hands. At paulit-ulit niya 'yung hinalikan.


"Miss na miss na miss kita" untag niya sabay sandal sa balikat ko nang ulo niya.


"Miss na miss na rin kita" untag ko.


Ilang oras kaming gano'n lamang. At nang dumating ang hapon ay nagpaalam na akong umalis dahil may celebration pa sa bahay.


"Una na po ako, Tita" untag ko.


"Sige, hija mag-iingat ka" untag ni Tita Karen.


Nagtaxi na lamang ako pauwi. At nang makababa ako ay nagdiretso na ako papunta sa condo. Nag-elevator lamang ako at nang makarating na ay naglakad na lang ako papunta sa condo at binuksan ang pinto.

Surprise!!


Untag nilang lahat. Nagulat ako dahil ang daming tao.


Agad akong pumasok sa loob. Andoon si Mama, Papa, Tita Beverly si Gab at ang mga kaibigan ko. Nandoon si Elaine at Mika. Nandoon din sila Sav, Isa, El, Aio, Ella, at Aly.


Hanggang Kailan (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon