Kabanata 2

297 30 36
                                    

"Sorry Caiden, hindi ko talaga sinasadya" sagot ko.


"It's fine" sagot niya sabay punas sa kanyang polo.


"Are you sure?" guilty na tanong ko.


"Yeahh" sagot niya na parang walang nangyari kanina.


Pagkatapos ng usapan na iyun ay sabay na kaming lumabas ng shop.  Pagkalabas palang namin ay natanaw ko na sina Mika at Elaine na nag-iintay sa akin. Agad namang pinuntahan ni Gianna si Caiden dahil nakita nitong madumi ang kan'yang polo.


"Anong nangyari sa polo mo Caiden!?" sigaw ni Gianna.


"Wala, may naka-bunggo lang sa'kin" sagot niya.


Na guilty tuloy ako sa nagawa ko, pinagtakpan pa ako ni Caiden kahit ako naman talaga ang may gawa. Dapat sinabi nalang niya 'yung totoo kay Gianna, hindi 'yung pagtatakpan pa niya ako ng ganon.


"Anong nangyari!?" bulong ni Elaine sa'kin.


"Anoo kase, nabunggo ko kase si Caiden kaya 'yun natapon 'yung milktea sa polo niya" sagot ko.


"Halaa ka ghorl!" sabat ni Mika.


"Edi nag-usap kayo?" pang-usisa ni Elaine.


"Oo, siya pa nga nanlibre sa'kin e" sabi ko habang nag-uumpisa na kami maglakad.


"Ayyy wehh!?" si Mika.


"Oo nga kase!" sigaw ko.


"Ayyy! nanliligaw na ata si fafa Caiden kay Haley, Mika" pang-aasar sa'ken ni Elaine.


"Gaga! nilibre lang ng milktea nanligaw na? Hindi ba p'wedeng as a friend lang" sagot ko.


"Duda ako sa as a friend na 'yan" sagot ni Mika.


Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad hanggang sa nakarating na kami ng school. Panay pang-aasar lang ang ginawa ng dalawa sa akin maghapon hanggang sa natapos na ang klase namin ng hapon ay hindi ako tinantanan ng dalawa.


"Ayiee! si fafa Caiden may crush na kay Haley!" pang-aasar sa'ken ni Mika.


"Ayieee! nanliligaw na si fafa Caiden kay Haley" pang-aasar sa'ken ni Elaine, sabay kurot sa tagiliran ko.


"Alam nyo, bagay talaga kayong magkaibigang dalawa, galing nyo mang-asar" sagot ko.


Pagkatapos kong sabihin iyun ay naghagikhikan na ang dalawa, parang mga tanga hanggang sa nag-uwian na kami di pa rin ako tinantanan ng dalawa.


"Byeee Mrs. Almanzor!" paalam ni Mika.


"Byee Mrs. Almanzor! ingatan mo si fafa ko ahh" si Elaine.


"Tangina n'yong dalawa! Wag sana masarap ulam nyo mamaya! sigaw ko.


"Masarap ulam namin ngayon" sagot ng dalawa, na may pa-kindat pa sa akin bago umalis.


Pagka-uwi ko ng bahay si Lola agad ang sumalubong sa akin. Kaya niyakap ko agad ito at tinanong kung nasaan si Lolo.


"Lola, si Lolo po?" tanong ko.


"Nasa kusina nagluluto ng ulam" sagot niya.


Pagkatapos ng usapan namin ni lola ay umakyat na ako sa taas para magpalit ng damit. Nagsuot na lamang ako ng short at t-shirt bago bumaba.


Hanggang Kailan (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon