Kabanata 13

137 6 371
                                    

Hindi ako makatulog ng gabing 'yun dahil ang daming bumabagabag sa isip ko. Sumabay pa ang nararamdaman ko kay Caiden. Hindi niya nilinaw ang kung anong meron sa amin. Ngunit maganda na rin 'yun dahil ang mahalaga mahal namin ang isa't-isa.


Siguro kaya ayaw niya ring linawin ang kung anong meron sa amin dahil hindi pa ako naamin sa kanya o 'di kaya ay ayaw niyang ma-reject? The hell Haley! Ang isang Caiden Alamanzor ma-re-reject lang ng isa Haley Cortez. Na-reject na kaya siya?


Hindi ako makaamin dahil natatakot ako. Natatakot akong masaktan, natatakot ako kase baka iwan niya rin ako kagaya ng ginawa nina Mama at Papa. At saan ako pupulutin kung gano'n? Sa kangkungan? O 'di kaya ay sa kanal?

"Haley bangon na!" sigaw ni Lola sa may pinto.


"Wala po akong pasok, at Sabado ngayon" sagot ko.


"May review kayo ngayon ah" sagot pa ni Lola.


Napasapo na lamang ako sa ulo ko. Ngayon pala ang review namin sa NCAE. Akala ko sa isang Sabado pa 'yun. Ngayong Sabado pala.


"Opo, baba na" sagot ko.


Dali-dali akong nag-ayos dahil baka ma-late ako. Unang review pa naman ito. Baka mapagalitan pa ako ng mga teacher's, ibang mga teacher's pa naman din ang nagtuturo roon.


I just wear a mom ripped jeans and a plain white shirt paired with a white adidas shoes. Naglagay na lamang ako ng konting make-up at liptint. Pagkatapos noon ay bumaba na ako, bitbit ang isang bag na itim. Ballpen at isang Notebook lamang ang dala ko dahil review lang naman 'yun.

"Tanga! Dalian muna kumain late ka na" sigaw ni Gab na naka-upo sa may sala.


I just rolled my eyes to him.


"Oo!" sigaw ko. "Review lang naman 'yun kaya okay lang ma-late" dagdag ko pa.


"Ikaw ang bahala. Balita ko pa naman matapang ang naghandle ngayon" si Gab.


Hindi na lamang ako umimik at nagpatuloy na lamang ako papunta sa kusina.


I just eat my breakfast at pagkatapos noon ay naglakad na ako pababa, para makahanap ng masasakyan papuntang school. Nasa casa raw kasi ang sasakyan ni Gab kaya hindi ako mahahatid ngayon.


I just admire our school habang naglalakad ako sa may tapat nito. Pana'y mga halaman ang nakapalibot doon sa may baba at nakalagay naman ang pangalan ng school sa may pader noon.


BNH (Batangas National Highschool)


Sa katabing hilera naman ang BC. Hindi pa ako nakakarating doon dahil nga college student lamang ang pinapapasok doon.


Pagpasok mo pa lamang sa gate ay makikita mo ang isang puno na tinatawag naming UTMT or (Under the Mango Tree) kaya 'yung tinawag na gano'n dahil ang nakapalibot doon sa kinauupuan mo ay puro puno ng mangga.


Habang naglalakad ako sa hallway ay napansin ko ring binuksan na ang parang umaagos na tubig sa may kaliwang bahagi nito. Nakapalibot doon sa taas ang mga halaman, maraming vines sa palibot nito. At sa may gitna noon ay may mga bato at may isang gawang semento na ibon. Mula roon ay lumalagaslas ang tubig sa baba. Hindi mo mahahawakan ang tubig na nanggagaling doon dahil may nakaharang dito.


Sa kanang bahagi mo naman makikita ang isang gawang kahoy na stand at doon nakalagay ang pangalan ng school na BNH. At sa likod noon ay may umaagos ding tubig na dumadaloy hanggang doon sa stand na kahoy pababa. Pwede mo namang hawakan ang tubig na lumalagaslas mula roon dahil wala naman 'yung harang.


Hanggang Kailan (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon