Kabanata 30

74 6 131
                                    

"Congrats guys!" bati namin sa isa't-isa ng mga kaibigan ko.


Graduate na kami ngayon. And we just finished the degree of Civil Engineering. At board exam na lamang namin ang aasikasuhin namin para maging professional engineer kami.


"Congrats, guys!" bati ni Theo. Ngunit pagkabati niya ay tumingin siya sa sa'kin and he smiled.


"Congrats" sagot ko.


"Congrats too, Haley" sagot niya.


At pagkatapos noon ay pinuntahan ko muna sina Mama, Tita Beverly at Lolo.


"Congrats, anak" bati ni Mama sa'kin at pagkatapos noon ay binalot niya ako nang mahigpit na yakap.


"Thanks, Ma" sagot ko.


"Congrats, Haley" bati sa'kin ni Tita Beverly matapos ang yakapan namin ni Mama.


"Thanks, Tita" sagot ko at ngiti, niyakap din naman ako ni Tita pagkatapos noon.


"Sorry, I'm late anak" untag ni Papa na kakarating lang ngayon.


"Okay lang po, Pa" untag ko at ngumiti pa ako sa kanya para siguraduhing okay lamang sa'kin.


"By the way, congrats anak" sagot sa'kin ni Papa "Here's my gift to you" untag pa ni Papa sabay abot sa'kin ng isang paper bag na may designer brand na tatak.


"Sa bahay mo nalang buksan anak" untag pa ni Papa kaya tumango na lamang ako sa kanya.


Sa nagdaang panahaon naging maayos naman ang pagtutunguhan ni Mama at ni Papa ngunit hindi ko alam kung ayos ba sila ni Lolo o hindi. Ngunit sa tingin ko ay ayos na naman siguro silang dalawa.


"Haley!" tawag sa'kin ng mga kaibigan ko kaya iniwan ko muna ulit sina Mama, Papa, Lolo at Tita Beverly.


"Sasama ka ba?" tanong nila sa'kin. Pupunta kase kami ng bar mamaya para magcelebrate dahil graduate na kami ngayon.


"Oo naman" sagot ko sa kanila.


"Okay, see you there ahh" si Ella.


"Okayy" untag ko.


They just nodded nagpaalam na rin naman ako sa kanila dahil nag-iintay din ang pamilya ko mula roon.


Si Lolo ang nagsabit ng medal sa'kin. And I graduate as cum laude. I was so happy dahil worth it lahat ng hirap ko matapos lamang ang civil engineering. It was all worth it after all dahil naging cum laude ako. I was breaking down with my studies ngunit naipagpapatuloy ko pa rin 'yun maitawid hanggang mag 4th year ako.


Sa daming naging pagsubok ko sa buhay heto ako nakatapos na sa pag-aaral ngunit may parte pa rin sa buhay ko na may kulang. May kulang dahil wala siya. May kulang dahil wala si Lola.


Sabi ni Mama uuwi kami ng Batangas para bisitahin si Lola. 'Yun nga lang pagkatapos pa ng graduation namin dahil ilang taon na rin kaming hindi nakakauwi. Kung kaya't tuwang-tuwa ako ngayon dahil uuwi kami ng Batangas dahil tapos na naman ako mag-aral.


"Tayo na anak" yaya ni Mama nang makabalik na ako sa kanilang pwesto.


I just nodded.


Sa kotse ni Tita Beverly kami sakay. At si Papa namam ay sa sasakyan niya sumakay.


Nang makarating naman kami sa parking ay dumiretso na kami sa taas. Ngunit nagulat na lamang ako nang makita ko si Gab mula roon.


Hanggang Kailan (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon