Kabanata 37

55 2 1
                                    

Maaga akong nagising. Nag-ayos na lamang ako bago bumaba para kumain ng breakfast.


"Ngayon na ba ang umpisa ng review mo Haley?" tanong sa'kin ni Lolo nang maka-upo na ako sa lamesa.


"Opo" untag ko sabay kuha ng pagkain sa lamesa.


"Sino naman ang kasama mo anak papunta roon?" tanong naman sa'kin ni Mama ngayon.


"Si Theo po" untag ko.


Hindi na naman sila nagtanong pa pagkatapos noon. Kung kaya't kumain na lamang ako.


Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa taas para manligo at mag-ayos. Nag blow dry lamang ako ng aking buhok. At sinuot ko ang jeans at isang white fitted shirt na damit. Pagkatapos noon ay nag-apply lamang ako ng konting make-up. Bumaba na rin naman ako pagkatapos noon bitbit ang bag ko.


Pagkababa ko ay siyang pagpasok ni Theo sa loob ng condo kung kaya't nagpaalam na lamang kaming dalawa na aalis na kami dahil baka ma-late at ma-traffic pa kami sa dadaanan namin.


"Ready ka na?" tanong ni Theo habang nag-aayos ako ng seat belt.


"Oo naman" untag ko.


Umalis na agad kami dahil baka maabutan pa kami ng traffic papunta roon. Medyo kinakabahan ako dahil sa mga bago kong makakasalamuha na tao. Iilang buwan lang naman 'to. At pagkatapos nito ay magte-take na kami ng exams.


Dumating naman kami ng maaga sa review center. Marami ng tao nang kami ay dumating sa review center. Kung kaya't hinanap nalang namin ni Theo ang papasukan namin na room.


Umakyat na kami sa taas at ang bumungad sa amin ang napakadaming mga magre-review din. Nagkakagulo sila sa mga list kung saan ba ang room nila.


"Attention all students!" sigaw ng babae kung saan kaya nagsitahimikan ang lahat.


"Lahat po ng mga civil engineer ay sa room 4" announce ng babae kaya nagpunta na agad kami ni Theo dahil baka malate pa kami nang pasok.


"Lahat naman po ng chemical engineer ay sa room 3" untag pa ng nagsasalita sa speaker bago kami pumasok sa room.


Umupo na lamang kami ni Theo sa may hulihan dahil marami ng mga tao ang mga nagsidatingan.


Dumating na rin naman ang teacher na magtuturo sa amin. Medyo may katandaan na siya. Graduate at licensed Civil Engineer na siya.


May konting puti na ang kanyang buhok. Naka salamin na itim. At medyo may katangkaran.


"Hello class! Good morning I'm Engr. Cabrera"


"Good morning po, Engr!" bati naming lahat sa kanya.


"Una sa lahat nais kong magpakilala muna kayong lahat" untag niya.


Nagsimula ang pagpapakilala sa unahan.


"Gusto ko pumunta kayo rito sa gitna para naman makita kayo nang maayos ng mga bago niyong kaklase" untag ni Engr sabay ngisi.


"Hello!" utang ng lalaki sa harap. agad nagtinginan ang lahat lalo na ang mga babae. "Ako nga pala si Andre Wayne De Silva. Pwede niyo 'kong tawaging Wayne or Andre basta kung anong mas prefare niyong itawag" untag niya sabay ngiti ng lalaki sa unahan.


Maitsura siya. Matangkad na maputi medyo payat siya. His hair is black at naka style 'yun na may hati sa gitna. Its a long hair two block haircut. His lips are red. And his eyes was black. At ang kanyang ilong naman ay medyo matangos. His wearing a light blue denim jacket at may white t-shirt siya sa loob. It was paired with a denim pants and white shoes.


Hanggang Kailan (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon