Kabanata 44

91 1 0
                                    

Warning R-18.


Tagaytay agad ang pumasok sa aking isip nang makita ko ang maraming puno. Ngunit hindi nga ako nagkamali dahil doon nga kami nagpunta.


Hindi ko alam kung saan kami sa Tagaytay pupunta. Ngunit nang huminto si Caiden sa may tapat ng guard house ay nabasa ko ang pangalan ng lugar.


Crosswind Tagaytay.


"Good afternoon po, Sir" bati nang guard kay Caiden. "Ano pong pangalan natin, Sir?" tanong nang guard kay Caiden.


"Caiden Almanzor" untag ni Caiden.


"Kayo na po pala 'yan Sir" untag ng guard kaya kumunot ang kilay ko.


"Nakahanda na po yung suite niyo roon. Sasamahan na lang po kayo ng guard na naka-motor papunta roon" untag ng guard kay Caiden.


May mga kainan mula rito. NAPA at Ruined Project palang ang nakikita kong kainan. Ngunit nasisiguro ko na marami pang restaurant mula rito.


Dumating na 'yung guard na naka-motor kung kaya't sinundan namin 'yun ni Caiden. Puro pine tress ang nakikita mula roon ngunit nang makalagpas kami sa isa pang guard house ay nagulat ako sa disenyo ng mga bahay mula roon.


The place was screaming Switzerland vibes.


Mahal siguro magcheck-in dito dahil sa disenyo palang ng mga bahay at condominium ay tiyak kong mahal.


Nang makarating na kami sa aming tutuluyan ay iniwan na kami ng guard. Kung kaya't lumabas na kaming dalawa ni Caiden mula sa sasakyan.


"Let's go" untag sa'kin ni Caiden.


I just nodded.


Ngunit nagulat na lamang ako nang hawakan niya ang aking kamay mula roon. Kung kaya't napangiti na lamang ako.


Pagkarating namin ay ang mga staff agad ang bumungad sa amin. Akala ko pa naman ay kaming dalawa lang ni Caiden ngunit hindi pala.


"Sir, naka-ready na po 'yung lunch niyo" untag ng staff mula roon.


Caiden just nodded. And after that iginiya na kami papunta sa kakainan namin.


Naupo na ako mula sa lamesa. At umupo na rin naman si Caiden. And after that umalis na ang staff mula roon. At bumalik na may dala-dalang pagkain.


We just eat peacefully.


At pagkatapos naman naming kumain ay nilibot lamang namin ni Caiden ang silid. Bawat silid ay kasa-kasama namin ang staff dahil itinuturo nito kung ano bang meron sa bawat silid.



Hanga agad ako sa unang pasok ko na silid dahil. Napakaganda ng disenyo noon. Ito na ata ang pinakamalinis at pinakamaganda na hotel na napuntahan ko.


Sa loob ng master bedroom ay may walk-in closet mula roon. At ang sabi pa ng staff ay may jacuzzi rin mula roon. Kung kaya't medyo na-excite ako dahil may jacuzzi.


Pagkatapos naming mag-ikot sa mga silid ay nagtungo naman kami sa swimming pool area.


Malinis ang swimming pool. Medyo may kalakihan siya pero tama lamang iyun para sa amin ni Caiden. At ang sabi pa ng staff ay may hot-spring din sila na pool. At doon niya tinuro ang isang medyo may kalakihan na round shape na pool.



Pagkatapos naman naming maglibot ay iniwan na kami ng mga staff mula roon. Kung kaya't kami na lamang ni Caiden ang nandoon.


"Lilibutin pa ba natin 'yung iba?" tanong ni Caiden sabay tingin sa aking mga mata.


Hanggang Kailan (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon