Kabanata 26

67 4 162
                                    

"My gosh college students na tayo" si Sav na hindi makapaniwala na college students na kami ngayong pasukan.


Nagtext naman ako kina Mika at Elaine na umuna na ako sa pag-uwi sa kanila. Ilang araw din kaming nagstay sa Batangas. Ngunit hindi na rin naman ako lumabas dahil ang malaman na nandito sina Caiden ay natatakot ako. Natatakot ako na baka magkita na naman kami.


Tila hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa niya sa'kin. Ilang buwan na ang nakalipas ay hindi pa rin ako makamove sa nangyari sa Batangas. I told to myself that I will be creating a good memories in Batangas ngunit hindi dahil masasamang alala na naman ang nabuo ko nang bumalik ako roon.


Umuwi rin naman kami ng Manila. Hindi rin kami nagtagal sa Batangas. Kung kaya't sa Manila ko na lamang pinalipas ang mga oras ng summer ko. Minsan nakatambay lamang ako sa may balcony at nagmu-muni-muni. At minsan nasa kwarto lamang ako.


"Samee. Hindi pa rin ako makapaniwala na College na tayo ngayon" si El habang nag-uumpisa na kaming maglakad sa canteen dahil recess namin ngayon.


Civil engineering ang kinuha ko sa college. Halos lahat kaming pito ay puro civil engineering ang kinuha. Kung kaya't hindi na rin naman kami nagkahiwa-hiwalay pa. Sa school na rin na ito kami nagcollege. Hindi na ako pinalipat ni Tita Beverly dahil mas convenient daw dito. Hindi na rin naman ako umapila pa dahil tama naman si Tita. At sumang-ayon na rin naman siya dahil doon din naman pumasok ang mga kaibigan ko.


"Dito na talaga ako nabulok sa school na 'to" si Sav habang nasa canteen kami.


"Samee" si El na nakahalumbaba sa lamesa. Kakatapos lamang kase ng pinakamahirap naming subject sa engineering kung kaya't medyo stress na naman kaming lahat.


Bumalik na rin naman kaming lahat sa room dahil baka ma-late pa kami sa prof namin. I just listen again to my prof at pagkatapos noon ay may subject pa kaming isa bago mag lunch.


Sa canteen na lamang kami naglunch magkakaibigan. It's just the usual spot tuwing nagla-lunch kami. Sa mahabang lamesa kami lagi naupo magkakaibigan dahil madami kami.


"Si Gio, Aly ohh" si Isa sabay tingin kay Aly.


"Pake ko ro'n!" Aly rolled her eyes to Isa. "Magsama silang dalawa" untag pa ni Aly.


Si Gio kase ang crush niya nung highschool. Ngunit ngayong college na kami ay nagkahiwalay na sila dahil mahal pala ni Gio 'yung best friend niya kesa kay Aly. Ilang buwan din ng tila nalugmok si Aly dahil sa paghihiwalay nila ngunit ngayon ay naka-move na siya sa mga nangyari.


"Sus! Doon ka nalang sa crush mong isa. Ano ngang pangalan noon ulit?" tanong ni Isa kay Aly.


"Andryl" untag ni Aly.


"Naks naman may pamalit na agad" panloloko ni El kay Aly.


"Syempre ako pa ba?" si Aly sabay kindat pa kay El.


"'Wag ko lang mababalitaan na may bago ka pang crush ha!" si Sav. "Akala ko ba loyal ka sa mga nagiging crush mo? E, bakit ngayon parang hindi na" si Sav sabay tawa pa ng malakas.


"Changed life na kase ako" si Aly.


At pagkatapos nang ganap na 'yun ay nagsibalikan na kami sa room. At nakinig sa PE teacher namin.


"Okay class, good afternoon. Since malapit na ang Sports Day. Nais kong sumali kayo sa gaganapin na cheer dance sa sports day" untag ni Sir Jk.


"Ang lahat ng babae ay sasali sa cheer dance. At mga lalaki naman ay sasali rin sa cheer dance pero kung player ka ng school hindi ka sasali sa cheer dance" untag pa ni Sir ngunit maraming mga girls ang nagreklamo sa sinabi ni Sir kung kaya't nagtaas ng kamay si Keana.


Hanggang Kailan (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon