Kabanata 28

63 3 72
                                    

Bumaba kami sa isang restaurant ni Papa. At pagkababa namin ay may mga body guards na nakapalibot sa amin. Dumiretso kami sa isang private na room. Umupo na lamang ako roon pagkatapos ituro ang lamesa na pagkakainan namin.



Pumunta na rin naman ang waiter at nilagyan ng wine ang mga baso na nasa harap namin.


"Sir, ihanhanda ko na po ba ang first course ng pagkain?" tanong ng waiter kay Papa.


"No, I will just call you if I want you to prepare our first course for tonight" untag ni Papa.


At pagkatapos noon ay umalis na rin naman ang waiter. Nang makaalis ang waiter ay tsaka lamang ako tinanong ni Papa.


"Ano bang gusto mong malaman anak?" tanong sa'kin ni Papa nang makaalis na ang waiter.


"Lahat po, Pa" untag ko.


"Sisimulan ko sa simula anak. Ngunit maari mo bang sabihin kung ano ang sinabi ng Mama mo sa'yo tungkol sa akin na ilang taon na ang nakakalipas?" tanong ni Papa.


"Ang sinabi lang po sa'kin ni Mama ay kaya po kayo nagkahiwalay dati ay may babae po kayo. At sa Europe po kayo nagta-trabaho at doon kayo namumuhay ng payapa ng pamilya mo" untag ko.


Papa chuckled. "So that's it?" untag ni Papa.


I just nodded to him.


"Lahat ng sinabi ng Mama mo ay mali lahat, Haley, purong kasinungalingan lamang ang sinabi niya sa'yo..." si Papa.


"I don't have a girl that time Haley. I was so loyal to your mother back then" si Papa sabay sumimsim sa wine na nasa lamesa.


"But that night, I was so drunk I've lost myself that time. Nabalitaan ako ng Mama mo na may kasama akong babae sa condo ko" untag ni Papa na ikanagulat ko dahil parang totoo talaga ang lahat ng mga sinasabi ng mga kaibigan ko tungkol sa impormasyon ni Papa.


"Walang nangyari sa amin dahil pinaalis ko rin ang babae na 'yun. But your mother don't believe to me. Akala niya niloloko ko siya pero hindi anak. Hindi ko niloko ang Mama mo at hinding-hindi ko 'yun magagawa sa inyo" untag ni Papa at tinitigan ako.


"I was in Europe that time when it happens. I was working to your Lolo's firm. Ayaw niya akong paalisin dahil hindi niya kaya na wala ako sa tabi niya. Ayaw ko ring umalis dahil hindi ko kaya na maiwan kayong dalawa ng Mama but your Lolo was dying and he wants me there kaya wala na akong nagawa" untag ni Papa.


"And then I came back here in Manila dahil hindi ako sinasagot ng Mama mo sa tawag ko. Nagpunta ako sa Batangas pero ang Lolo Carlo mo ay halos napuno na ng galit sa'kin dahil sa nangyari"


"They don't let me explain my side dahil nasabi na ng Mama mo ang lahat sa kanila" si Papa.


"And your Lolo Carlo told me that he will change your surname into his, I thought that it's not gonna happen but it does" si Papa.


"Pero bakit ngayon lang po kayo nagparamdam sa'kin?" tanong ko kay Papa.


"Because I'm scared of the consequences. Natatakot ako anak. Natatakot ako dahil baka maungkat na naman ang issue na 'yun at maapektuhan ang kompanya. I was so scared that time. At ngayon lamang ako nagkalakas ng loob na hanapin at kilalanin ka" si Papa.


"I'm sorry if Papa take it so long. I'm sorry to wait you long. I'm sorry anak dahil naduwag si Papa. I'm sorry for everything Haley" untag ni Papa at kitang-kita ko sa dalwang itim niyang mga mata kung gaano siya nagsisi sa lahat ng nangyari.


Hanggang Kailan (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon