I gave them an assuring smile. "Oo okay na okay na ako." I look at each of them. "Ngayon ipapaliwanag ko kung anong nangyari sa akin.." And like what happened that night na nag passed out ako hanggang sa Lady na humihingi ng tulong sa 'kin, ikinuwento ko.

Gusto ko ngang matawa sa reaction nila, especially Mami and Berry pero hindi ko nalang ginawa. This is a serious matter, anyway.

"Parang ngayon lang ata nangyari sa'yo yan, diba?" Tanong ni Berry. I nodded as a response.

"Nakakatakot, na nakakakilabot.. blood tears talaga?" Si Thomas.

"Buti nalang pala hindi pa ako umuwi agad nun.." Si Rodney, then he faced me with so much worried in his eyes. Napailing nalang ako na parang sinasabing maayos na ako at wala lang yon.

Oh! I remembered something that I wanna ask them.

"Guys---"

"Sorry guys I'm late, alam niyo na.." Si ate mig lang pala. Umupo na rin siya sa pwesto niya at kinuwento na agad sa kanya ni Mami ang na-missed niya at pati siya ay natakot rin. Tinignan niya rin ako ng may pag-aalala pero umiling lang ulit ako at tumikhim ulit to get their attention.

"Okay guys, kanina habang papasok ako ay may naririnig akong rumors about sa kabilang subdivision.. may namatay daw?" I ask.

"Ah! Narinig ko rin yan sa balita kagabi. Ang sabi pinasok daw ng magnanakaw ang bahay dahil may nawala daw na mga gamit. Kaya may namatay kasi nanlaban daw yung may-ari kaya ayon.. but there is something odd about that case.." Nagtataka naman kaming nakatingin kay Berry. Anong nakakapagtaka doon?

Unless.. may foul play..?

"Anong odd naman? Hindi ba even?" Pabirong tanong ni Thomas kaya tinignan namin siya ng masama.

"Ahaha, kayo naman.. joke lang yon. Joke, joke, joke! Haha-- urg!" Siniko siya ni Mami na nasa kabilang side niya. Ayon nanahimik.

Tinignan ko ulit si Berry para ituloy yung sinasabi niya.

"So, the odd thing is.. yung mga nawalang gamit daw, ayon sa na-hack kong website ng mga taga crimes investigation unit, ay mga fake na alahas lang naman, ni wala ngang may carat doon eh. Yung mga binibili lang na alahas sa bangketa? Yung ganun.." Si Berry sabay kagat ng sandwich niya.

Medyo nagulat pa ako sa sinabi niyang na-hack niya ang website ng crimes investigation unit, pero pinalampas ko na lang yon. Alam ko ang kakayahan ni Berry kaya talagang hindi ko alam kung hahanga ako o kakabahan sa kanya. Wala naman sa hitsura ni Berry ang ganung skills niya. Looks can be deceiving ika nga ng iba.

Pero, now that she mentions it, it is odd and weird. So my hunch was right. There's a foul play. At yung isa pang hunch ko, mukhang tama rin..

"Bakit mo nga pala naitanong ang tungkol doon?" I look at Kamil who asks that and smile. Sa aming anim, kaming dalawa ni Kamil ang parang 'brain' ng grupo kaya pag ngumiti ako alam niya nang ibig sabihin noon. She chuckled.

"So, that's her, huh." Sabi ko sa inyo eh.

Tinignan ko yung iba, at mukhang naguguluhan pa sila except Rodney. Alam niya na rin ba?

"Alam niyo, kayong dalawa ni kamil, ang weird niyo. Ay hindi pala weird, mga sobrang genius-maniac kayo." Komento ni Mami. Ewan ko kung compliment yun but I'll just consider it as that.

Napabuntong-hininga muna ako bago sila tignan isa-isa. "Hindi niyo ba nakukuha? Yung kwento ko kanina about the Lady ghost and that case.. don't you get it? Think about it in a simple way.." Seryoso kong wika at natahimik naman sila na tila nag-iisip.

Ghost Detective! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon