FINAL CHAPTER

1.9K 47 4
                                    

Three Years Later...

Third Person's POV

HUMINGA ng malalim si Ellaine nang makalabas siya ang NAIA. She's finally back. Tatlong taon na ang nakalipas pero walang nagbago. Napangiti siya. Nanatili siya ng tatlong taon sa Italy. Doon na siya nagtapos ng pag-aaral at nagkaroon ng trabaho pero kailangan niyang i-give up ang career niya doon para umuwi dito sa Pilipinas dahil nangako siya sa isang tao na mahalaga sa kaniya na babalik siya. Ayaw niyang baliin ang pangako niya kaya ngayon, eto na siya. She's finally back. Kumusta na rin kaya siya?

Ellaine sighed. Walang nakakaalam na bumalik na siya maliban sa mga magulang at kaibigan niya. Nathan had no idea that she's back.

"Ellaine!"

Napatingin siya sa taong tumawag sa kaniya. She automatically smiled. Tumakbo siya palapit kay Erica at Stephanie. Mahigpit niyang niyakap ang mga ito.

"Namiss ko kayong dalawa," sabi niya.

"Ganun din kami," sabi ni Erica.

"We missed you too," Stephanie said with teary eyed.

Naluluha na rin si Ellaine. Hindi niya nakita ng personal ang kaniyang mga kaibigan sa loob ng tatlong taon. Grabe! Ang laki na ng pinagbago ng mga kaibigan niya. Mas lalo lang gumanda ang mga ito.

"May tanong ako," tumingin si Ellaine kay Stephanie habang nakangisi, "kayo pa rin ba ni Troy?"

"Oo naman 'no. Actually, we're engaged." Stephanie showed her ring.

Ellaine showed my ring. "I'm married."

"Oh, sige. Kayo na ang may partner," inis na sabi ni Erica.

Parehong natawa ni Stephanie at Ellaine.

"Hanggang ngayon ba, wala ka pang partner?" tanong ni Ellaine.

"Huwag mo ng tanungin," sabi ni Erica. "Pero napansin kong mas lalo kang gumanda."

"Of course," sabi ni Ellaine. "Talagang gumanda ako."

"Hangin."

"Nagsasabi lang ako ng totoo," sabi ni Ellaine. "Let's go. Gusto ko ng umuwi."

"Yep. Kanina ka pa hinihintay ng mga magulang mo," sabi ni Erica.

Tumango si Ellaine. Sumakay sila sa kotse. Erica drove the car towards her house. Nang makarating sila sa bahay ni Ellaine, huminga ng malalim si Ellaine bago siya bumaba ng kotse. Tinignan niya ang bahay na nasa harapan niya. Walang nagbago. Katulad pa rin ito ng dati.

"Let's get inside," sabi ni Stephanie at ito na ang humila ng maleta niya. Nauna na itong pumasok.

Sumabay si Ellaine kay Erica papasok sa loob ng kanilang bahay.

"Mom. Dad."

"Ellaine, anak." Lumapit sa kaniya ang kaniyang ina at niyakap siya nito ng mahigpit. "I miss you, anak."

"I miss you too, Mom." Naluha si Ellaine habang yakap siya ng kaniyang ina.

Sunod naman na yumakap sa kaniya ang kaniyang ama.

"Thank God and you're now back."

Ngumiti si Ellaine at tumango. "I miss you, Daddy."

"Namiss rin kitang bata ka. Mabuti at bumalik ka na. Akala ko aabutin ka pa ng isang taon."

I chuckled. "I promised, remember?"

Tumango ang kaniyang ama. "Alam ko."

"Anak, halika muna sa kusina at kumain." Aya ng kaniyang ina. "Halina kayo."

My Arrange Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now