CHAPTER 10

1K 41 1
                                    

Ellaine's POV

Days, weeks and one month had passed. Isang buwan na kaming mag-asawa ni Nathan at masasabi ko naman na maayos kaming dalawa. Wala pa naman kaming pinag-awayan. Iyon nga lang ay hindi talaga kami nagpapansinin kapag pareho kaming pagod. Siya pagod sa trabaho niya sa kumpanya at ako naman ay sa mga activities ng school namin lalo na ngayon at malapit na ang intramurals. And when there's an intramural in our school, all I want is to stay in the room and listen to music or read novels. Nakakatamad manood ng mga games. Sasakit lang ang ulo ko lalo na at maingay ang paligid. I want a quite surrounding.

Huminga ako ng malalim at sumandal sa kinauupuan ko. Hindi ko alam pero mukhang male-late ngayon ang mga kaibigan ko. Pero mukhang alam ko na kung bakit late si Stephanie, of course, may boyfriend siya. Hindi ko alam kung bakit late si Erica, sa pagkakaalam ko, wala namang dahilan para ma late 'yon maliban na lang kung may family affairs siya.

Napatingin ako sa pinto nang may pumasok doon na tatlong babae. The Three Princess of the University if they call them. I tsked. Si Beatrice, Abigail at Agatha ay kilala sa University dahil dati na silang sumasali sa mga pageant ng school at galing rin sila sa mayayamang pamilya. Walang gustong bumangga sa kanila dahil mga bully sila. Pero nagpapasalamat na lang ako na hindi nila ako binubully dahil baka makakasapak ako ng wala sa oras.

I closed my eyes.

Maya-maya ay may tumapik sa balikat ko.

"Morning, girl." Bati ni Stephanie.

"Hi. Morning." Sabi ko.

"Hi, Ellaine."

Nginitian ko lang si Erica at ikinaway ang kamay ko habang nakapikit ang mata ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakapikit pero kumunot ang nuo ko nang maramdaman kong may humihinga sa mukha ko.

"Clyde, what are you doing?" Narinig kong tanong ni Erica.

"Clyde!" Stephanie yelled.

"Oh my god."

"Is he going to kiss her?"

Narinig kong sabi ng mga kaklase ko kaya naman nagmulat ako mata at nagulat na lang ako nang makita kong magkalapit ang mukha naming dalawa ni Clyde and he is about to kiss me. My eyes widen and I suddenly slapped him.

Napasinghap ang mga kaklase namin dahil sa ginawa ko. Pero hindi ako nagsisi dahil mali naman ang ginawa niya.

"Don't do it again, Clyde." Seryosong sabi ko.

Ngumiti lang si Clyde at parang hindi na-offend sa sinabi ko. And he sat on his seat.

Napailing ako.

Napatingin ako sa mga bully queen at nakita kong masama ang tingin nila sa akin. Kumunot naman ang nuo ko. Anong ginawa kong masama sa kanila?

Buong maghapon na masama ang mood ko dahil sa ginawa ni Clyde. Pangbabastos na 'yon para sa akin at hindi ko talaga gusto ang ginawa niyang 'yon. Hindi ko siya masyadong kinakausap nitong mga nakaraang araw dahil gusto kong dumistansya. May asawa na akong tao at kahit pa hindi babae ang gusto ng asawa ko, kailangan ko pa rin siyang i-respeto.

Hindi ko masyadong pinapansin si Clyde kahit pa makulit siya at gusto niyang palaging nakikipag-usap sa akin. Yes, he's my friend but I don't want to ruin my family's reputation and Nathan's reputation. And I admit it, I don't like Clyde. I'm not comfortable with him kaya palagi akong sumasama kay Stephanie, mas lalo na kay Erica.

"Mauuna na kami ni Troy." Paalam ni Stephanie nang dumating si Troy para sunduin siya.

"Okay." Sabi ni Erica.

My Arrange Marriage [COMPLETED]Where stories live. Discover now